Zephyrine's POV*Riiiiing!*
Napatingin ako sa wrist watch ko, recess time na.
Agad kong inayos ang mga gamit ko sa bag ng mag paalam na sa amin ang teacher.
"Hey Zephyrine." Nilingon ko sila Rosela at Veriyil na nakangiti sa akin.
Agad kong isinukbit ang bag ko at nginitian din sila. Masayang makita ang mga ngiti sa labi nila 'di tulad kanina.
"Thanks for being though. Nagawa mong may ipagtanggol, at from the Queen ng university pa." -Veriyil
"Let's go and have recess. Want to come with us?" Nakangiting sabi ni Rosela.
Naaalala ko 'yung babae na tinulungan ko kanina. Ano ulit pangalan niya? Ahh, si Ruisielle! Kamusta kaya siya ng dalhin ko siya sa clinic? Ang tahimik niya lang kanina at parang nagulat sa ginawa ko.
Siguro, pupuntahan ko nalang siya at kahit siya nalang samahan ko sa recess. Nginitian ko sila at umiling nalang.
"Thanks. But, pupuntahan ko nalang siguro si.. Ruisielle ba'yon?" Tumango lang sila at nanatili ang mga ngiti sa labi nila.
"Sige, una na kami. Salamat ulit, Zephyrine." Sambit ni Veriyil at naiwan na akong mag-isa sa classroom.
Lumabas na ako ng classroom at nakapatay na ang ilaw sa buong hallway. Wala ring tao. Nag lakad lang ako nang dire-diretso at hindi naman ako natatakot.
"Ms. Simps, the New Student of Royal Gold."
Hinahanap ko kung saan nagmumula ang boses na'yon pero wala akong makita sa biglang nagpatay sinding ilaw. 'Di parin ako natatakot, tao lang siya kung sino man siya. Mabagal parin akong naglalakad sa hallway.
"Matakot ka." Sabi niya ulit na tila nag-echo sa hallway at tuluyan na ngang namatay lahat ng ilaw. Umaga pa naman at 10 am palang pero ang dilim ngayon rito ay parang gabi na dahil sa pinaka-sulok nga ang room namin.
"Matatakot ako sayo kung Diyos ka." Malamig kong sabi habang patuloy parin naglalakad. Humalaklak siya, 'yung nakakakilabot pero hindi sapat para matakot ako. Alam kong lalaki ito.
"Mas matakot ka dahil ako si Kamatayan. Mag pabuwag ka na kaagad. Alam ko ang pinaplano mo. 'Wag mo nang ipaglaban ang gusto mong ipaglaban."
"At sino nagsabi sa'yong takot ako sa kamatayan?" Tumawa ako habang nagpapatuloy parin akong maglakad. "Mas demonyo pa ako kay Kamatayan kung dapat kong gawin para lang ipaglaban ang tama, at naaapi." Humalakhak ulit ito at malapit ko ng maabot ang katapusan ng hallway na ito.
"Palaban ka. Saan ka naman kaya mahina?" Hysterical na boses na pagtatanong nito.
"Stalker ka 'noh?" At tumawa ako. Nakikipag biruan nalang ako sakanya, parang niloloko niya lang ako.
"Oo, para alam ko kung saan ka titirahin para mapatay at mapabagsak ka." Nabakas ko na ang pagka-seryoso sa boses nito at pero isinantabi ko parin iyon. Bagkus napahalakhak pa ako.
"Hmm, ang alam ko Math ang kahinaan ko. Sige, bigyan mo ako ng isang kahon ng Math test papers. 'Di naman ako mamatay kung pasasakitin ko ang ulo ko sa pagsagot ng mga iyon. Kasi puwede namang sunugin ko nalang at ikabahala ang pagbagsak." Ngumisi ako at natatanaw ko na ang hangganan ng hallway na may nag iisang ilaw. "Mas pipiliin 'kong mamuhay pa para ipaglaban ang section na ito—"
"Tama na satsat!" Sa may bahagi ng lugar na hangganan ng hallway at ang nag-iisang ilaw, lumitaw sa dilim ang kamay na may hawak na baril at naka-tutok iyon saakin.
Nagtatago siya para 'di ko makita ang pagmumukha niya. "Matakot ka." Nagulat ako, pero nginisian ko lang siya.
"Bakit ako matatakot sayo? Ikaw ba ang professor namin sa Math?" Tumatawa kong sabi.
"Iniinis mo ako. Mamatay ka na!" Kinalabit niya ang gatilyo ng baril. Akala ko tatamaan ako ng bala pero may nag bato ng kutshilyo at naharang no'n ang bala. Matibay ang kutshilyo at wala akong nabakas na yupi no'n. Tumalsik rin ang bala.
"Sino nagsabing papatayin mo ang magandang binibini?" Mas nagulat ako sa lalaking nag sambit no'n na siyang nag bato ng kutshilyo para 'di dumiretso saakin ang bala.
'Di na namin narinig pa ang boses at yapak nalang ng takbo paalis ang tangi kong narinig.
Nagpatuloy ako mag lakad palapit sa lalaki na nag ligtas saakin. Pinulot nito ang kutshilyo at ng makita ko ang itshura nito ay makalaglag panty.
Damn! So f*cking handsome!
Ngumisi siya sa akin at nilahad ang kanyang kamay. Parang nakita ko na siya sa room kanina. Siya 'yung masungit ang awra na nag sabing you can't do blah blah. Pero parang hindi.
"I'm Kia." Nakipag-shakehands lang ako sakanya at tumango. "Zephyrine, right?"
"And, ikaw ba 'yung lalaki kanina nag sabi saakin na 'I can't do anything about it—"
"Alam kong magka-mukha kami ng kapatid ko pero mas guwapo ako sakanya." Kinagat niya ang kanyang pang ibabang labi at nag haircomb.
Shucks ang hangin.
'Di mo maipagkakailang ipagmalaki niyang guwapo siya dahil totoo naman. Pero satingin ko mas guwapo 'yung kapatid niya.
Kia. May highlights ang itim na itim nitong buhok ng brown. Ang mata niya ay may kasingkitan, at light brown ang kulay. Maputi ang kutis at mga 5.7 ang tangkad na halos tingalain ko na dahil 5.4 lang ako hoy! Tama lang ang katawan nito at damn, halata ang pagbakat ng katawan nito sa suot na uniporme. Ang labi niya ay pinkish.
"Tapos ka na bang titigan ako—"
"Tapos ka narin bang titigan ako dahil alam mong kinikilatis kita which is nakatingin ka rin sa akin?" Nginisian ko siya.
"Whoa, whoa. Ibang klase ka, baka mahulog ako kaagad sa iyo niyan."
"Tsk." Nag lakad na ako paalis at may binulong sa hangin. "Fuck boy."
"Hey!" Agad siyang tumakbo pasunod saakin at sabay na kami ng lakad. "Where are you going?"
"Clinic. To Ruisielle." Nakita ko ang pag ngiti niya sa perihepral vision. Nilingon ko siya. " 'Bat ka ngingiti-ngiti ka saakin diyan?"
"Ang ganda mo kasi." Nahulog ang panga ko sa sinabi niya at napahinto kami sa pag baba ng hagdanan. "Tapos, ang bait pa." Hinawakan niya ang kamay ko, ewan ko kung chansing ba ito pero tinignan ko siya nang diretso.
"Sana, ikaw na 'yung talagang makakatulong sa amin. Zephyrine." Nginitian ko rin siya.
"Oo. Kahit buhay ko pa ang itaya, handa ako na ipaglaban kayo dahil hindi iyon tama. At wala akong ibang magiging kahinaan 'kundi kayong mga classmate ko sa Royal Gold.
"Kailangan niyo ako pero hindi niyo alam na mas kayo ang kailangan ko. Kayo ang lakas na pinagkukuhaan ko para ipaglaban ang section na'yon."
***
This chapter is dedicated to: lobiepanda
BINABASA MO ANG
Star Section's Death (COMPLETED)
Gizem / Gerilim[Book 1: Battle Between The Endless Chain] "Death will be everywhere, anytime. To your Section, on your Classmates." One Section, whose the killer of Sixty Students. Sixty Stars. Sixty Corpses. Sixty Deaths. Sixty Funerals. Sixty Students, how man...