LXVIII

1.3K 54 5
                                    


"Welcome Students, to Démasquer Le Tueur, Masquerade Ball"

Zephyrine's POV

"Ui Zephyrine! Sa'n ka ba pupunta?"

Sabay hatak kaagad sa'kin ni Ruisielle. Manghang-mangha ako sa paligid, at halos maligaw ako dahil wala akong kilala.

Hindi ko alam kung related ba ang title ng ball sa theme nitong mga decoration sa paligd, malay natin. Ibang language kasi 'yon na hindi ko naman naintindihan na lumalabas sa maraming speaker dito sa paligid.

The theme is dark. The colors everywhere is dancing with maroon, red, black, mahogany brown, and few bright colors. Malaki ang venue, magka-kasya ang lahat ng nandito at sobra pa nga yata para sa mga estudyante. Bilog ang mga lamesa na may telang pula, at ang mga mono block na pinatungan naman ng itim na tela. May mga party light rin na umiikot sa paligid at iba-ibang maliwanag na kulay.

Mapapansin ang malaking projector sa pinaka-unahan na fina-flash ang 'Welcome to—' insert ball name. Malaki rin ang stage na nandoon at mukhang may magba-banda pa dahil may drums, other musical instruments, sa gilid. May mga bulaklak rin sa paligid at rosas 'yon.

Mayroon ding dance floor at may disco ball doon, and at the same time napapalibutan ang malaking disco ball ng limang nag gagandahang chandelier.

The whole place suites elegance.

Ngayon ko lang din napansin na may gold colors, at designs rin ang paligid na kumikintab tulad ng suot na gown ko. Napatingin ako sa iba pang design na gold ang kumikinang.

Star.

Halos napahawak ulit ako sa ulo dahil sumakit 'yon. May kung ano-anong nag flash na malalabong litrato, pero naririnig ko may mga tumatawa, umiiyak, nagma-makaawa, nasasaktan, at sumisigaw.

Ipinikit ko nalang nang mariin ang mata para iwaglit 'yon, muli na akong tumingin sa paligid at ang mga guess o estudyante naman ang tinignan ko.

From the word itself 'Masquerade' ball that translates 'Mask', ang lahat ay may kanya-kanyang suot na nag gagandahang disenyo. Halos hindi mo rin sila makilala dahil nga sa mga nakatakip 'yon sa mata, o ang iba naman ay may maskara na buong mukha ang natatakpan.

"Ahhh, nagandahan lang kasi ako sa paligid Ruisielle." Sagot ko sakanya ng matapos ko ng tignan ang buong paligid.

"Halika na, kanina pa tayo dito sa entrance door. Hinihintay na tayo ng mga kasama natin do'n sa table sa gitna." Tumango nalang ako sakanya.

Hinawakan niya ang isa kong kamay para hatakin ako, ang isang kamay ko naman ay nakahawak sa gown ko dahil floor length 'to kahit A-line lang 'yon.

Nasa dulo palang kami ng paglalakad, wala pa sa gitna o kahit sa unahan pero center of attraction na ako. Ang lahat nang may kanya-kanyang ginagawa sa table, nakatayo, kahit mga waiter o waitress, mga umiinom, at lahat ng estudyante ay napapalingon at tingin sa'kin.

Hindi ko alam kung nakaka-akit ba 'yung suot ko dahil kumikinang ang gold glitters dito. Dapat nahihiya ako, pero sophisticated lang akong nagpapatuloy maglakad habang natatakpan ang mukha ko ng maskara ko.

Kilala ba nila ako?

Dumating na kami sa may gitnang puwesto, 'tiyaka ko lang napansin na katabi sa gilid ng dance floor ang pinaglulugaran ng table namin.

Star Section's Death (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon