XXXI

2.1K 116 11
                                    


*Riiiiiiiiiiiiiing!*

Zephyrine's POV

Nagising ako sa ingay ng alarm clock ko.

Nag talukbong ako ng kumot at pilit namang tinakpan ang dalawa kong tenga ng unan.

Napahawak ako sa labi ko at napapikit nang madiin. Sana panaginip lang lahat 'yon! Waaaah! Hindi na virgin lips ko!

Bakit ba kasi hindi maalis-alis sa isipan ko 'yung nangyari kagabi!

***

"I can be a man like no other, Zephyrine."

'Yun ang ibinulong niya sa akin at sabay kaming bumagsak pahiga sa damuhan. Nakapatong ako sakanya at....

Nag lapat ang labi naming dalawa sa isa't isa.

Halos manigas ako doon, at parang nagising naman si Kai sa pagkakalasing. Magka-lapat parin ang labi namin hanggang ngayon sa isa't isa at parehas nanlalaki ang mata naming dalawa.

Sa mga oras na ito parang huminto ang mundo ko kasabay ng mabilis na pag tibok ng puso ko. Dahil, waaah! Hindi na v-virgin lips ko!

Nang makabalik ako sa katinuan ay agad akong napa-igtad ng tayo. Ramdam ko ang init sa mga pisngi ko at napa-yuko nalang siya.

Lumingon ako sa kanan ko nang maramdamang may nanonood sa amin. Nagulat ako nang nandoon na ang mga tropa niya at halos mahulog na ang mga mata nila sa panlalaki ng mga ito.

Parang lahat sila nagising sakanilang nasaksihan! Ugh!

"G-gusto k-ko ng umuwi" Sambit ko at bigla kinuha ni JC ang susi ng kotse kay Ephraim.

Pinagbuksan na ako ng kotshe ni JC at dali-dali akong sumakay sa passenger's seat.

Naiwan parin silang mga gulat sa labas at tumayo na si Kai. Balik sa dating huwisyo ang emosyon ng mukha niya sa poker face.

Wala 'yun sakanya, hindi naman niya ako gusto at 'di ko rin siya gusto!

Pero shit hindi na virgin lips ko! My first kiss! Huhuhu!

***

Napa-alis na ako ng naka talukbong kong kumot.

Hinampas ko ng bongga 'yung alarm para huminto na sa ingay dahil feeling ko kanina pa nabingi lahat ng tutuli ko sa loob.

Dali-dali akong pumasok sa banyo. Binuksan ko ang gripo at pina-agos ang tubig doon. Sumahod ako ng tubig doon at pilit kinukuskos ang labi ko.

Hindi puwede! Hindeeeeeee! Ninakaw niya 'yung first kiss ko! Ni rape niya! Huhuhu!

Papasok pa ba ko? Ang awkward! Atshaka baka lasing parin siya hanggang ngayon! Ugh! Ano na 'to! Hayst, chill Zephyrine. Kailangan mo pumasok, kailangan ka sa classroom. Tao lang siya, yeah.

Tao na kumuha ng first kiss ko!

Napansin ko naman sa salamin 'yung kaliwa kong braso na may benda. Hanggang ngayon, palaisipan parin sa akin kung sino 'yung balak pumatay sa akin n'on sa parking.

Star Section's Death (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon