Zephyrine's POV"Zephyr!!!"
Pag pasok ko sa room ay may tumawag sa pangalan ko nang malakas, nag palingon-lingon ako para hanapin pa 'yon ng biglang may humatak saakin.
Ayoko na teh. Hatak dito, hatak there.
Wala pa naman ang next prof. After recess kaya dinala niya ako sa grupo nila. Nag wave siya sa akin at inilahad ang kanyang kamay.
"Hi! Ako si Jenny Twinkle Lacosta, or you can call me Jen. Welcome sa group namin!" Masigla niyang bati sa akin na para bang lumagok ng isang boteng vitamins sa hyper.
Tinignan ko sila, mukhang kaunti lang silang magkakagrupo. Pero teka, nagkakamali ako. Nakita ko na papalapit ang apat ng lalaki sa grupo nila, nagulat ako ng makita ang isa doon.
Tinawanan niya ako sabay wink sa akin.
"Kia!?" Sigaw ko na nilakasan niya pa ang tawa. Grupo niya pala 'to, ano kayang grupo?
"Welcome to Corny Corns!!" Sigaw nilang lahat sa akin. Napatingin naman ang iba kong kaklase saamin.
"Ako si Julius! Caesar—ARAY!" Pinanlakihan siya ng mata 'nung babae niyang katabi at nag tawanan naman ang buong grupo. "Julius Mikel Gonzaga,"
"At ako naman si Sally!" Sabay talon niya sa harapan ko at ikinaway ang kamay na sobrang lapit sa mukha ko. "Sally Einwoods!"
"Olivia Ruins," pagpapakilala ng babaeng pinanlakihan ng mata si Julius.
"Especially me," Sabay talon niya. Natawa nalang ako dahil kilala ko nanaman na siya, "Jon Joaquin Zai. Ang pinaka g'wapo—"
"Paki sabi itinatakwil na natin siya sa grupo—" Naputol ang sinasabi ni Kia ng dali-daling tumakbo si Joaquin dito
"JOKE LANG!" At nag tawanan kaming lahat.
"Hi Zephyrine, ako naman si Jericho Manuel Billanueva. Makuwela pero tahimik,"
"Sus, tahimik but dangerous." At tumawa siya. "Ako si Mary Rizza Manlangit."
"And Bony Frias," sabay lahad niya ng kamay saakin. "But you can call me Bonbon."
"Lastly, me." Sabay kindat naman ni Kia saakin. Ang hangin talaga ng nilalang na 'to. "Ang pinaka guwapo—"
"Errrr." Sabi ni Joaquin at humawak sakanyang lalamunan. Nagpipigil na sila ng tawa at tumingin naman siya sa amin. "Luh? Bakit? Makati lang lalamunan ko dahil sa ice cream na kinain," At nag tawanan na nga sila.
Napailing nalang si Kia.
"I'm one call away, Zephyrine. Puwede ka mag pose ng ganito sa harapan ko," Lumuhod siya sa akin at inilahad ang kanang kamay na parang nanghihingi. "Like, pembarya. Kia, Kia pembarya—-ARAY KO PO!"
Agad siyang napabalikwas ng tayo nang batukan siya ni Bonbon. Nag tawanan kaming lahat dahil sa ka-kornihan naring ipinamalas ni Kia.
"Sumama ka muna sa grupo namin Zephyrine, tinatanggap mo ba?" Sabi saakin ni Bonbon.
Tumango nalang ako dahil ang misyon ko naman talaga sa ngayon ay ang sumali ng grupo, at makisama sa mga kaklase ko para narin makilala ko sila.
"Wohoooo!" -Manuel
"Niceshuuuan!" -Olivia
"Welcome gurl," -Sally
BINABASA MO ANG
Star Section's Death (COMPLETED)
Misterio / Suspenso[Book 1: Battle Between The Endless Chain] "Death will be everywhere, anytime. To your Section, on your Classmates." One Section, whose the killer of Sixty Students. Sixty Stars. Sixty Corpses. Sixty Deaths. Sixty Funerals. Sixty Students, how man...