"Nasaan ako? Bitawan niyo ako! Ahhh! Hindi ko kayo kilala!"Zephyrine's POV
Pilit naming pinipigilan si Bonbon, nagwawala siya dito sa ospital room niya dahil hindi niya kami makilala.
This can't be happening, she lost her memories.
"Nurses! Help!" Sigaw ni ma'am Daniyela na kadarating lang. Nagulat din ako ng kasama niya si Mr. Chang at pakiramdam ko ay nainis ako.
Great, he's acting as if he really concerns and cares.
"Sabing hindi ko kayo kilala 'ehh! Ahhhh! Nasan ako—Bitawan niyo ako!" Patuloy na pagwawala ni Bonbon, umiiyak narin siya.
Dumating ang nurses at agad lumapit kay Bonbon, isa sakanila ay tinurokan siya ng syringe para mawalan ng malay. Huminga kami nang malalim. Binuhat ng mga nurse si Bonbon at iginaya ng higa pabalik sakanyang ospital bed.
"Doc., what happened?" Tss, sino pa bang nagtanong no'n? Edi ang magaling na principal.
"She have been in a long comma. Nang mahulog siya sa bus, malakas ang impact no'n, kaya maaaring nagka-amnesia nga si Ms. Frias."
"Kailan babalik ang alaala niya?" -ma'am Daniyela
"So far, hindi natin 'yan mabibigyan kung kailan. The best thing all of you can do, ay ang ipaalala ang mga sarili niyo sakanya. It will be better too if all of you will have a one great bonding. Baka sakaling, may maalala siya."
"Thank you, doc." -ma'am Daniyela
Tumango si Doc. At lumabas na ng kuwarto. Naiwan kaming apat dito, the silence is such a disturbance. Nakatingin lang kami kay Bonbon, grabe ang sinapit niya.
"What are you still doing here, Mr. Chang?" Tanong ni Kia nang seryoso. Natuon ang pansin naming tatlo sakanya at tumikhim naman siya.
"Sinabi ko na ito kay Ms. Rampel, ang adviser niyo." Nagtama ang tingin nila ni ma'am at ibinalik ulit sa amin ni Mr. Chang ang kanyang tingin.
"We'll have the X-Star Section's early retreat."
"WHAT? Anong iniisip mo sa amin Mr. Chang? Na may masamang espiritu ang seksyon namin?" Naiinis na sabi ko sakanya. Naramdaman ko ang paghawak sa akin ng dalawa kong kasama.
"Ms. Simps, it's not like that. I also bet that your section needs it. Hindi natin masasabing, malamang ay sinisi na ng isa sainyong magkaka-klase ang Diyos sa nangyayaring ito hindi ba?" Ngumiti si Mr. Chang. Ngiting misteryoso at nakatatakot.
"You must not lost your faith with God, Stars."
"So do you, demon." Mahina kong bulong sa huling salita. Mukhang hindi na iyon narinig ni Mr. Chang dahil lumabas na rin siya.
"Ma'am, bakit naman kayo pumayag? Paano kung may mangyari nanaman?" Tanong ni Kia kay ma'am. "Isa pa, baka hindi pa masyadong nakaka-recover ang iba naming kaklase sa nangyari lang nitong August."
BINABASA MO ANG
Star Section's Death (COMPLETED)
Mystery / Thriller[Book 1: Battle Between The Endless Chain] "Death will be everywhere, anytime. To your Section, on your Classmates." One Section, whose the killer of Sixty Students. Sixty Stars. Sixty Corpses. Sixty Deaths. Sixty Funerals. Sixty Students, how man...