XXV

2.5K 128 27
                                    


Miguel's POV

Kagagaling ko lang sa faculty room dahil may inutos si sir Feoter na moderator naming mga boy scout.

Mag babantay daw kami hanggang gabi ng 7 pm dito sa school at aayusin ang mga CCTV camera. Utos daw ni Principal Chang 'yon dahil sa nangyayari sa section namin.

Palaisipan parin talaga ang nangyari kay Rizza. Akala namin noong makaraan ang isang buwan na huminto ang pagpatay kay Ace dahil nahuli ang dalawang estudyante n'on, ay tapos na talaga. Pero hindi papala. Iniisip ko rin na,

Paano kung nasa classroom lang din 'yung pumapatay sa amin? Paano kung... May taksil?

Oh 'di kaya, paano kung kami na mismo nag papatayan at nag bibintangan sa isa't isa?

Hindi, ang school parin ang kalaban namin. Lahat sila. Si Principal Chang, pinaplastik niya lang kami at kontrolado lang siya ni Zephyrine kaya sunud-sunuran siyang nababahala para sa section namin. Atshaka, masama kung pag-iisipan ko na ang isa sa mga kaklase ko ang pumapatay.

Pabalik na ako sa room para kuhanin ang bag ko doon. Mag e-elevator sana ako pero naisipan kong mag hagdanan nalang.

Habang umaakyat ay may napapansin akong mga pulang patak dito sa 2nd floor. Huminto ako at idinikit ang daliri ko doon. Nang amuyin ko 'yon ay ang sangsang at malagkit ito.

Kinakabhan na ako at parang iba ang kutob ko. Dali-dali akong umakyat ng 3rd floor at halos magulat ako sa nakikita ko.

Ipinapasok niya ang kutshilyo sa loob ng ulo ni Sally habang ang mata na nito ay maging puti na. Duguan si Sally at agos nang agos ang dugo mula sa ulo niya.

Napatingin siya sa akin at kinabhan ako. Takot na takot na ako, alam kong hindi niya na ako hahayaang makatakas. Nanginginig na ang mga paa ko at dali-daling sunod na tumakbo paakyat ng hagdanan sa 4th floor.

Takot na takot ako hanggang sa may nakabanggaan ako at nabuhayan ako ng pag-asa.

"N-N-Nan-didito ka papala! K-Kailangan nating humingi ng tu-tulong! S-Si Sally! P-Pat—"

"Oo at susunod ka na." Ngumisi siya sa akin at nanlaki ang mata ko ng sipain niya ako sa kalalakihan ko.

Nahulog ako sa hagdanan at nag pagulong-gulong pababa ng 3rd floor. Bumagsak ako sa kinaroroonan ni Sally at nandoon parin ang pumatay sakanya. Binitawan niya na ang dalawang kutshilyo na nakasaksak sa ulo ni Sally at bumagsak ito sa sahig.

Ngumisi siya sa akin. Nag lakad siya papunta sa CCTV Camera na mayroon ang 3rd floor. Na buhayan ako ng loob na makahingi ng tulong at kung hindi man ay maliligtas ang mga kaklase ko dahil mahuhuli na nila ang taksil.

Pero nagulat ako ng sirain niya iyon at binato sa sahig. Nayurak ito at sira-sira na.

"Akala mo gano'n na kami kaliit ang utak para diyan? Hahahaha!" At mula sa likuran ay sinipa niya ako nang malakas na siyang tumulak din kanina sa akin sa hagdanan.

"Hindi kami katulad niyo na magtatago nalang ng sikreto ay malalaman pa namin!" Nag ngingitngit niyang sabi at sinipa ulit ako nang malakas kaya nag pagulong-gulong ako nang dalawang beses.

Lumabas ang mga dugo sa bibig ko at hindi ako makatayo dala sa taas ng binagsak ko kanina ng itulak niya ako sa hagdanan. Hindi ako makapang laban.

"AHHHHH!" Sigaw ko ng sabay nila akong sipain ng pumatay kay Sally. Sinabunutan ako ng tumulak kanina sa akin sa hagdanan at sinapak naman ako ng may krimen kay Sally.

Pumutok ang labi ko at hirap na hirap na ako ngayon.

"Katapusan mo na," Bulong sa akin ng nakahawak sa buhok ko at akmang isasaksak na ang kutshilyong hawak niya sa mukha ko ng biglang may dumaan na estudyanteng hindi ko kaklase.

Star Section's Death (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon