LX

1.5K 56 19
                                    


"Zephyrine, pasko na mamayamaya nalang oh. Araw-araw kang umiiyak dito sa kuwarto ng kuya mo tuwing pupunta ka."

Zephyrine's POV

"Oo nga 'eh, pasko na mamaya pero 'di parin gising si kuya Zachary."

Huminga ako nang malalim at pinahid ang mga luha ko, tinapik-tapik ako ni Ruisielle sa balikat pero nginitian ko lang siya.

"P'wede iwan mo muna kami ni kuya? Kakausapin ko lang ulit siya."

Tumango siya sa'kin at ngumiti nang mapait sa'kin. "Hihintayin ka nalang ni Xyne sa lobby ng ospital. Mauuna na kami ng ibang mga kaklase sa simbahan para may ma-puwestuhan, alam mo naman. Last na simbang gabi na ngayon"

Tumango ako sakanya. "Thank you." Nag yakap kami 'tiyaka lumabas na ng kuwarto paalis si Ruisielle.

Hinarap ko si kuya Zachary at muli nanamang umagos ang mga luha ko. Niyakap ko siya nang mahigpit at humagulgol doon.

"Kuya Zachary naman 'eh, na kumpleto ko na 'yung simbang gabi. Mamaya pag-ihip na ng kandila kung anong wish ko sa paskong 'to, at tutuparin 'yon ni Lord."

Mas humigpit ang yakap ko sakanya. "Iwi-wish ko na sana gumising ka na, please. Ang daya mo, 'di mo pa nga tinatanggap sorry ko. Bumangon ka na diya'n, gising na. Batugan at tamad ka parin"

Iyak lang ako nang iyak, araw-araw akong ganito tuwing sa napasok ako at nandito sa kuwarto niya. 'Yung mata ko sobrang pamamaga na.

Puro pasakit nalang 'yung buhay ko, ako nga ba talaga ang kasalanan ng lahat at malas sa iba?

Narinig kong may pumasok ng kuwarto pero 'di ko 'yon pinansin at iyak parin ng iyak.

"Anak," Napalingon ako sa likod ko at nakita sila mama at papa. Napa-tayo ako bigla at parehas silang niyakap.

Mas humagulgol ako ng iyak, namiss ko sila. 5 years silang nasa America at uwian lang pag may okasyon, para mabigyan kami ng magandang buhay, at pag-aaral dito ni kuya.

Hindi na sila nagulat sa sitwasyon ni kuya, nalaman nila ang sabay na nangyari sa'min no'ng una palang. Sa mga nakaraang araw ay nakikipag video call sila sa'kin sa laptop pag nandito ako sa ospital room ni kuya.

Biglang napayakap si papa kay kuya, naiiyak namin siyang tinignan ni mama. Napayakap nalang ako kay mama.

"He will be back to us mom, right? He will be alive" Napatigil si mom at hinarap niya ako sakanya. Pinunasan niya ang luha ko na patuloy lang sa pag-agos.

"We don't want to tell you this, but please stop hoping."

"What do you mean, mom?" Hinawi ni mama ang buhok ko at inipit 'yon sa tenga ko. Lumapit si papa sa'kin at siya ang nagsalita.

"Nang tumama ang bala ng baril sa kanang dibdib ni Zachary, akala natin ligtas siya dahil hindi ito tumama sa kaliwa kung nasa'n ang puso niya. Sasabihin sana 'to sayo ng doctor pero, nakikita niya ang sitwasyon mo Zephyrine. Mukhang hindi mo kakayanin kaya sa'min nalang sinabi ng doctor"

Natigilan ako. "A-anong sabi ng doctor?"

Niyakap ako nang mahigpit ni mama at umiyak. Si papa naman ay hinawakan ang mga kamay ko.

"Na-damage ang ibang laman at organ na 'meron sa kanang dibdib ni Zachary gaya ng lungs. At ang bala, hindi pa 'yon tinatanggal. Dahil kapag sinubukan nilang gawin 'yon, mamamatay si Zachary. Hanggang ngayon hindi nagigising si Zachary doon."

"H-hindi! Hindi totoo 'yan!" Tumingin ako sa heartbeat monitor ni kuya, normal lang 'yon. Binalik ko ang tingin kila mama at papa. "Babalik si kuya! He's still alive and breathing! Look!"

Star Section's Death (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon