Zephyrine's POVHalos hindi ako makapaniwala sa mga narinig, tumulo ang luha ko at parang naririnig ko ang sigaw ng mga kaklase ko.
Tumingin ako sakanila pero lahat sila ay nakayuko ngayon habang umiiyak rin. Paano?
"Well, paano ba'yan? Ang haba ng nakuwento ko 'eh. Nag sayang pa ako ng laway." Ngingisi-ngisi niyang sabi. Narinig ko ang pag kaskas niya ng posporo pero tila nawawala parin ako sa sarili.
"F-fio!!! 'Wag mong gawin ang gagawin mo!" Pilit na sigaw ni Kai habang nanggagalaiti. Tumawa si Fio nang malakas sa sinabi niya.
"Hindi parin ba kayo nakokonsensiya? Pareparehas kayong mamamatay dito para matapos na ang sumpa."
"I-ikaw ang sumpa d-dito..." Pilit na sabi ni Kia. Pero hindi siya pinansin ni Fio.
Sa isang gilid ay ibinato doon ni Fio ang posporo at biglang sumabog ng maliit na liyab 'yon. Nasa kalahati na kaagad ang apoy.
Pilit na nagkakawag si Kai at nagkakagulo na sila. "Zephyrine! Get back to yourself!"
His words just entered and exited inside my ears. Nakatulala lang ako habang tumutulo ang luha.
Tumawa ulit si Fio, kinasa niya na ang baril at itinapat iyon sa'kin.
"I'll kill you now, as what you command me to."
Akmang kakalabitin niya na ang gatilyo pero mabilis ang panyayari.
Nakatakas sila Ruisielle at Kia mula sa sitwasyon nila kanina na nagawa siguro nila dahil sa haba ng kuwento at nakatalikod si Fio sakanila.
Parehas nilang hinatak si Fio papasok sa loob ng apoy.
"Ahhhhhhh! Bitawan niyo ako! Sabing bitawan niyo ko 'eh! Putang ina!!!" Sigaw ni Fio sa loob at nakikita ko ang anino nila sa loob ng apoy na nag-aagawan.
Naririnig ko naman ang pag sigaw nila Kia at Ruisielle sa loob dahil pinapaso na sila ng apoy kasama si Fio sa loob. Biglang may lumabas na baril sa loob ng apoy, itinutok iyon kay Kai at kinalabit 'yon ng apat na beses.
"K-kai—Ahhhhhh!" Sigaw ni Ruisielle. "U-umalis na k-ka-kayo ni Zephyr—Ahhhhh!"
"M-mahal na m-mahal kita Z-zephyrine—Ahhhhh!" Sigaw ni Kia sa loob habang nakikita kong pinipigilan parin nila si Fio.
"Zephyrine!!!" Bigla namang tumakbo si Kai sa'kin at tinanggal lahat ng nagkukulong sa'kin. Nakawala siya ng sakto ang pagbaril ni Ruisielle sa mga taling nakagapos sakanya.
Natanggal niya na ang lahat ng nakatali sa'kin, agad niya akong hinatak patakbo. Tumingin kami sa hagdanan pababa pero mabilis narin 'yong tinutupok ng apoy.
"It's useless, Kai." Umiiyak kong sabi. "Let's just die, just let me die. It's all my fault—"
"Fuck Zephyrine! Fuck I don't know what I can do to you!" Hinawakan niya ako sa magkabila kong braso at niyugyog.
"Ilang beses ko ba kailangan sabihin sayo? Hindi! Hindi mo kasalanan! Fuck Zephyrine, hindi!"
"Kasalanan ko ang lahat! Kung una palang alam ko na ang tungkol dito—"
"Nasaan ka na Zephyrine? Nasaan na 'yung matapang na ikaw? 'Yung nagtatanggol sa'min? 'Yung babaeng sinabing papanindigan niya hanggang huli ang kanyang sinimulan para sa hustisya? Mabibigyang hustisya mo pa ba ang lahat kapag namatay ka na?"
Umagos ang luha sa mata niya habang nag ngingitngit ang kanyang mga ngipin dulot ng frustration.
Hinalikan niya ako ng sobrang lalim habang hawak niya ang dalawang pisngi ko. He kissed me like it was an air, a hope, awaking me back to this exhausted reality—that I shouldn't escape because here is where I belong.
BINABASA MO ANG
Star Section's Death (COMPLETED)
غموض / إثارة[Book 1: Battle Between The Endless Chain] "Death will be everywhere, anytime. To your Section, on your Classmates." One Section, whose the killer of Sixty Students. Sixty Stars. Sixty Corpses. Sixty Deaths. Sixty Funerals. Sixty Students, how man...