Zephyrine's POVNandito kami ngayon sa bus at kasama ko si Ruisielle, nagulat ako kanina ng pag dilat ko ay buhay papala ako.
Ngayon, dalawa nalang kaming naiwan dito sa bus habang katabi ko siya. Nakatingin ako sa labas ng bintana nang may nakita akong taong may hawak ng patalim papasok sa convenience store.
Nanlaki ang mata ko ng makita na ang suot nito, ay mababakas kong uniporme ng Royal Academy University.
"Zephyrine, okay ka lang ba? Narinig mo ba ang tanong ko???" Na-bother ako sa pagtawag sa akin ni Ruisielle, hindi ko namalayan na kinakausap niya na pala ako.
"Ahhh, o-oo. Ano nga pala 'yung tanong mo?" Sagot ko sakanya.
Nabakas niya siguro ang pagkabalisa ko, tinignan niya lang ako saglit at habang hindi siya sumasagot ay hinarap ko ulit ang labas ng bus. Laking dismaya ko ng makitang wala na kaagad ang tao.
Am I just hallucinating things?
"Ano nangyari sa inyo ni kuya Kai? Hindi niya parin kasi ikinukuwento sa'min kung ba't ka nawalan ng malay at sinabi niya nalang na... Patay na sila Capucine at Zayn na natagpuan malapit sa bangin ng Death Valley."
Napalunok ako at naalala ulit ang nangyari n'on sa bangin. Tinignan ko si Ruisielle ng diretso.
"Muntik na ako mahulog sa bangin dahil umuulan—"
"What!?" Gulat niyang sigaw. Tumango naman ako. "Bakit naman?"
"May nakita kasi akong kumikinang, naisipan kong lapitan iyon dahil baka 'yon ang maging clue sa killer. Pero nagkamali ako ng tapak at gumuho 'yon, kaya nahulog ako. Hindi ko alam na nahanap at ligtas pala ako ni Kai."
"Kumikinang? Ano 'yun? Nakuha niyo ba?" Napataas ang kilay ko kay Ruisielle. Hindi kaya, hindi nakuha ni Kai?
"Wala bang nakuha si Kai?"
"Wala Zephy, 'eh. Hindi kaya nahulog rin sa bangin?" Bakas sakanyang kinakabhan na tanong. Sa katotohanan, parehas na kaming kinakabhan.
"Shit."
"Let's just ask Kai. O, pabalik narin pala ang mga kaklase natin oh." Sabay turo niya sa labas ng bintana.
Lumingon ako doon, sana ay kumpleto pa sila at wala nanamang mapahamak. Nagsimula na silang magsi-sakayan sa bus, ang iba ay inabot na ang mga pagkaing binili sa akin. Sa totoo lang, ang dami n'on dahil halos lahat sila at puro pasasalamat lang ang nasasabi ko.
Inabot sa akin ni Kia at ma'am Daniyela ang microphone nitong bus, natutuwa silang nakatingin saakin at nginitian ko nalang din sila. Kinuha ko ang mic. At itinapat 'yon sa bibig ko.
"Thank you for all of this, although. 'Di ko naman ito mauubos lahat 'eh, tara't mag share-share tayo!" Nagkatuwaan sila't sigawan. Natawa nalang din ako sa saya ng mga kaklase ko.
Inabot ko na kay ma'am ang mic. at pumunta na siya sa harapan bago magsalita sa mic.
"Okay, let's count off first if we are all ready complete."
Nagsimulang magbilang si ma'am habang ang iba ay nag kanya-kanya ng mundo: may magce-cellphone, kumakain ng biniling snacks, nakikipag-usap sa katabi, nag-iingay, natutulog at mayroon namang wala lang pake.
Natapos ng pagbibilang si ma'am, napakunot ang kanyang noo at nagbilang ulit. Makalipas ang ilang minuto nang pagbibilang ni ma'am na satingin ko ay naka 5 times count na siya, nag announce siya.
BINABASA MO ANG
Star Section's Death (COMPLETED)
Misteri / Thriller[Book 1: Battle Between The Endless Chain] "Death will be everywhere, anytime. To your Section, on your Classmates." One Section, whose the killer of Sixty Students. Sixty Stars. Sixty Corpses. Sixty Deaths. Sixty Funerals. Sixty Students, how man...