XLI

1.7K 79 4
                                    

Zephyrine's POV

Kaagad kaming napa tayo ni Kai.

Biglang lumakas ang kutob ko na sumabay pa sa bilis ng tibok ng puso ko ngayon.

"S-Saan nanggaling ang sigaw?" Kinakabhan kong tanong. I knew it's one of my classmate's scream. Girl.

Nag masid naman sa paligid si Kai. Bigla niyang hinawakan ang kamay ko nang mahigpit at hinapit palapit sakanya.

"It's inside the forest," Sagot niya sa akin. Napalunok ako sa takot dahil alam kong nasa loob rin kami ng kagubatan ngayon.

Kinabhan ako ng may marinig na mga hakbang papalapit sa amin, mga yapak iyon ng tao na tumutunog sa mga dahong nasa lupa. Mas hinapit ako ni Kai sakanya at hinigpitan ang yakap.

"Sino ka! Lumabas ka!" Sigaw ni Kai.

"Wait, g-guys it's K-Kai!" Sigaw ng pamilyar na boses. At mayamaya ay nakita naming tumatakbo na papalapit sa amin sila Rosela, Shayla, JC, Julius, at ang isa pang lalaki.

Gutay-gutay na ang mga suot nila, may mga galos din sila ng sugat, bahid ng dugo, at halata ang mga takot sakanila.

Agad ko silang sinalubong at niyakap ako nang mahigpit nila Rosela at Shayla. Napaiyak sila kaya niyakap ko rin sila. Ramdam na ramdam ko ang takot nila. Hinarap ko sila sa akin at tinignan sila ng nagugulumihan.

"Anong nangyari—"

"U-umalis na t-tayo dito! M-may humahabol sa amin a-at nakuha niya ang isa n-naming kasama pahatak u-ulit sa loob ng gubat! Si D-Dandan!" -Rosela

Wala sa sarili akong napatango. Tinignan namin ang paligid para sure at agad kami tumakbo paalis sa lugar na iyon. Hinawakan ko sila Rosela at Shayla habang sa likod naman ay inaalalayan ang tatlong lalaki.

"AHHHHHHHHH!!!" Rinig naming mga sigawan. Napalingon ako kay Kai habang tumatakbo kami ngayon.

"S-sa camping natin iyon nanggaling!" Sigaw ko at nagulat silang lahat. Mas binilisan namin ang paglalakad hanggang sa makadating kami sa pinanggalingan namin kanina.

Malaking pag liliyab ang apoy ng bonfire, mas lumaki ito na halos gumapang na kung saan-saan at lamunin ang paligid. Sa isang banda naman ay nasusunog na ang mga puno, nasaan na ang moderator namin at anong nangyari!?

"SI EMMA!!!" Kanya-kanya nilang sigaw. Napatingin kami sa direksyon kung saan tumatakbo siya palapit sa amin.

"EMMA!!!" Sigaw ni Angelene at akmang sasalubungin ito pero biglang bumagsak ang puno na ginapangan ng apoy kanina.

Mabilis na nahatak ni Ephraim si Angelene at naharang ng malaki at payat na puno ang dadaanan ni Emma.

"AHHHH! TULONG!" Sigaw ni Emma. Hindi namin alam kung ano na ang nangyayari sakanya dahil natatakpan ito ng malaking puno na tumumba at nag-aapoy parin.

"WAAAAH! P-PATAYIN NIYA A-AKO!"

Nag papanic ang lahat at hindi alam ang gagawin. May mga umiiyak na sa takot at mayroong mga pilit pinapakalma ang sarili. Napatingin ako sa punong nakabagsak at nasusunog. Napahinga ako nang malalim at binitawan sila Rosela at Shayla.

"ZEPHYRINE!!!" Agad akong tumakbo palapit sa puno na iyon.

Hindi ko na ininda kung nag-aapoy ito at agad ko na itong inakyat ng mabilis. Nang makarating ako sa taas ay tumalon na ako sa kabila. Onting paso lang naman ang itinamo ko dahil mabilis ko itong naakyat.

Star Section's Death (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon