XXXII

2.1K 114 13
                                    


Zephyrine's POV

Hindi parin ako makapaniwala sa sinabi ni eka sir Raphy na class adviser ng X-Sodium na simula noong second week of June palang ay nawawala na sila Canel at Canada.

Bakit hindi ko man lang napansin 'yun sa canteen or sa paligid ng school?

Second subject na namin ngayong umaga, at after nitong nakaka-dugong utak sa Math, recess na. At sa recess, madugong grupo yata ang susubukan ko ngayon.

Parang ugali palang nila, hindi na ako pasok at ayoko na 'nun. The Bebe's. Pangalan palang ng grupo eh... Okay sana kung ginawa nalang nilang May tatlong BEBE, quack quack... *'weh corny, Hala Zephyrine 'yun na 'yung killer papatayin ka na!*

Awkward parin kami hanggang ngayon ni Kai kaya halos sa mag kabilang table ang distansiya ng upo namin. Malamang, ano pa ba aasahan natin dun?

At 'yung tingin naman ng mga kaibigan niya sa akin, nang aasar. Sarap mang tusok ng mata.

*Riiiiiiiing!* Tunog ng bell at nag hiyawan na ang mga kaklase ko. Ang iba naman ay nagising na at nag unat-unat.

Well, like natural pag mga tamad at boring diba. Lumabas na ang prof. namin at nag kanya-kanya ng gawi ng yayaan at labas ang mga kaklase ko.

Inaayos ko pa ang gamit ko ng bigla akong hatakin ni Maria.

"Let's go bessylou" Naputol ang sinasabi niya ng bigla naman akong hatakin ni Agatha at tinaasan ng isang kilay si Maria.

"Sino nag sabing bessy mo siya? Bessy ko siya!"

"Aba! Sino una niyang nakasama? Ako diba!" Pananaray ni Maria at hinatak ako. Hawak niya ako sa kanan at hawak naman ako ni Agatha sa kaliwa.

Teka, 'wag naman sana nila ako gawing tug war dito! Huhu!

"Sino mas maganda? Ako diba!" Sabay hatak ulit sa akin ni Agatha. Ayoko mawalan ng braso!

"Teka"

"Ako kaya!" Hatak ni Maria

"Kapal ng mukha mo ako kaya!" Hatak naman ni Agatha.

"Ako!"

"Hinde! Ako!" Hanggang sa pinag-aagawan na talaga nila ako. Bakit ba walang umaawat sakanila? Masakit na promise!

"Guys masakit—"

"Tigilan niyo nayan!" Sigaw ni Ruisielle at napahinto sila sa pag
hatak sa akin. Tinaasan naman nila ng kilay si Ruisielle at dumating na sila Crizia, Camille, at Xania.

"Puwede ba Ruisielle, 'wag 'kang pakilamera?" Sabi ni Maria na ikinagulat ko. Kaya pala walang umaawat saamin.

Unti-unti namang lumapit si Xania kay Ruisielle. Nanlaki ulit ang mata ko ng itinaas nito ang kamay at sasampalin si Ruisielle.

"Xania ano ba!" Sigaw nung babaeng dumating at agad na hinatak si Ruisielle kaya dumaplis sa ere ang kamay ni Xania na mas ikina-taray nito.

"Ugh! 'Yang grupo mo talaga napaka pakilamera Ruisielle!" Sigaw ni Xania habang nakatingin nang matalas kay Ruisielle, hindi naman nag patinag si Ruisielle at gano'n din ang ginawang pagtutuos sakanya.

Teka, may namamagitan ba sa grupo nila? Hinahatak na 'nung babae paalis si Ruisielle at parang niyaya na umalis na. Tumingin naman sa akin si Ruisielle at tumango nalang ako sakanya.

Star Section's Death (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon