XXIV

2.4K 133 18
                                    


Zephyrine's POV

Malapit na ako sa classroom at nagulat ako ng makitang may mga pulis sa labas.

Nakita ako ng mga pulis at dali-dali akong lumapit sakanila.

"Bakit po kayo nandito sa section namin?" Tanong ko.

"Estudyante ka ba dito nene?" Tumango ako sa isang pulis na nag tanong n'on saakin. Nagkatinginan sila ng isa pang pulis na kasama niya at parehas silang lumingon saakin.

"Pumasok ka nalang."

Agad kong binuksan ang pinto ng classroom. Ang daming tao at mayroon pang mga nurse. Dali-dali akong nakiraan sa mga nakaharang na tao. At ng makita ko ang sa may bandang bintana ay halos huminto ang mundo ko.

"Rizza..."

Inilalagay na siya ng mga nurse sa stretcher. Patay na siya.. Ang iba kong kaklase ay bakas ang takot at lungkot. May mga umiiyak rin, pero mas nag dadalamhati ang grupo ng Corny Corns. Nakikita ko silang umiiyak at naghahagulgulang lahat. Pero nasaan si S—

Napahawak ako sa kanang pisngi ko ng biglang may sumampal sa akin nang malakas. Nilingon ko siya at iyak siya ng iyak. Bakas ang galit niya sa akin sa mata at ang lungkot.

"Ikaw! Ikaw ang may kasalanan nito! Simula ng dumating ka nagsisimula na kaming mamatayan ng mga kaklase!" Akmang susugurin niya ulit ako pero pinigilan siya ng kanyang tropa at ng iba ko pang kaklase.

"Anong klase kang presidenteng estudyante ng klase!? Ano 'yang tapang mo!? Kung hindi mo naman nagawang protektahan ang kaibigan ko!!!!" Iyak nang iyak na sabi ni Sally at napaluhod siya sa sahig habang hawak parin nila.

"Sorry." Sabi ko pero alam kong hindi sapat iyon. Unti-unti ko ng nararamdaman ang pag init ng mata ko at pag labo nito.

"Mas mabuti pang namamatay kaming magkakaklase ng isa o dalawa lang kada taon dahil sa pang bu-bully! Kesa sa pinapatay na kami ngayon isa-isa dahil may nag mamatapang na ipaglaban ang section!!! Dahil sa kabidahan mo Zephyrine—" Nagulat kaming lahat nang may biglang sumampal sakanya. Napahinto at natahimik kaming lahat.

"Sally! Tama na!" Sigaw ni Kia at hinawakan si Sally sa magkabilang kuwelyo ng uniform nito. Pinipigilan at inaawat na si Kia ng mga kaklase ko pero hindi siya nag patinag.

"Walang kasalanan si Zephyrine dito, Sally! Malaking bagay ang nagawa niya para sa ating lahat at hindi na natin kasalanan kung pinapatay nila tayo dahil natatalo na natin sila! Tumahimik—"

Hindi ko na tinapos ang sinasabi ni Kia, hindi ko na kaya ang nangyayari at mga naririnig ko. Agad akong tumakbo palabas ng classroom at narinig ko ang pagtawag nila sa akin pero hindi ko iyon pinansin.

Takbo lang ako ng takbo habang tumutulo ang mga luha ko. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko.

Huminto ako sa pag takbo ng malayo na ako sa classroom. Sumandal ako sa mga locker na nasa hallway at dumausdos paupo. Itiniklop ko ang aking mga binti at niyakap iyon. Yumuko ako at humagulgol ng iyak.

Kasalanan ko nga ba? Tuluyan na nga ba silang namamatayan ng kaklase isa-isa dahil saakin? Dahil sa ginawa kong pag tatanggol at pag lalaban para sakanila? Oo, kasalan ko... Kasalanan ko ito.

"Kasalanan ko lahat ng ito!!!" Sigaw ko habang naka-yuko sa mga tuhod ko. Narinig ko ang pag alingawngaw n'on nang ilang beses sa tahimik na hallway.

Mayamaya ay tumigil na ako sa pag hagulgol pero nanatili paring naka-yuko. Hanggang sa may narinig akong may tumutugtog ng gitara.

" 'Wag ka nang umiyak,"

Star Section's Death (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon