Byen's POV"Byen, tara na sa terminal natin." Sabi ni Ela.
"Oo nga, atshaka baka ma-late na tayo sa eroplano natin at maiwan pa tayo." -Icy
"Ano na? 5:20pm na. 10 minutes nalang—" Naputol ang sinasabi ni August ng huminga ako nang malalim at pinasok na ang cp sa bag ko.
"Tara na." At nauna na akong pumasok sa airport.
Hatak-hatak ko ang isang maleta ko at may back pack naman ako na buhat sa likuran ko. Nang sasakay na kami sa eroplano ay may kumuha na ng mga gamit namin para sila na ang mag pasok at mag lagay sa lugar nito.
Nasa pinto palang ako pero ng pag pasok ko ay halos mamangha ako. Inayos ko ang salamin ko at tinignan ang loob ng eroplano.
Tama nga na private airplane lang ang nilaan para sa amin. Sa left side ay may isang malaking pinto na for sure ay doon ang maneho ng eroplano at ang piloto. Nang silipin ko ay mayroong tatlong tao sa loob. Dalawang piloto at isang guard.
Sa loob naman ng eroplano ay may sampu lang na upuan na sakto sana para sa aming siyam. Pero wala sila 'eh... Lima kada gilid at magkaka-susunod, hindi tabi-tabi dahil haggard at masikip para sa private plane 'yon. Sa likod ay may dalawang pinto. CR ang isa at ang isa naman ay stock room.
Nag upuan na kami sa mga gusto naming upuan. Naupo ako sa right side sa pinaka-unahan, sa katapat ko sa left ay walang naka-upo. Sa likod ko naman ay si Ela, at ang katapat niya sa right ay ang kambal niyang si Nicolas. Sa likod ni Ela ay si August. At sa likod naman ni Nicolas ay si Icy.
Narinig ko na ang pag paandar ng makina sa eroplano. Ihinilig ko ang ulo ko sa may bintana at pinagmasdan ang labas. Gabi na, tanging mga bituwin at ilaw ng poste ang makikita. Pati narin ang mga eroplanong palipad na sa himpapawid.
"Good evening, I'm Pilot Federal and with me is Ferdinand. Fasten your seatbelts. We're about to take our flight on United States america for 21 hours and we will get there by the time of 3 pm tomorrow afternoon. Let us keep safe, thank you. " sabi ng piloto na lumabas sa nag-iisang speaker ng eroplano.
Naramdaman ko na ang pag usad ng eroplano hanggang sa pabilis na ito ng pabilis at umangat na ito sa lupa. Nang mataas na ang narating ng lipad nito ay nasa ere na kami at diretso ng lumilipad ang eroplano.
Namangha ako sa nakita sa labas, nasa ibabaw kami ng mga ulap. Kita rin ang mga bituwin na parang halos maabot mo na. At ang buwan na bilog na bilog.
"You may now remove your seatbelts." Narinig ko na ang pag bukas nila ng mga seatbelts.
"Wohooo! Wait for us America!" -Icy
"Icy! Ang ingay-ingay mo!" Naiiritang sabi ni Ela
"Woah! Crush mo lang kasi ako Els." Naka ngising sabi ni Icy.
"Ewan ko sa'yo!" Inirapan siya ni Ela at tumayo.
"Hay nako," pag inda ni Nicolas. "Aral muna bago—"
"I think, we're already too smart for that." Naka crossed arms na sabi ni August.
Napansin ko si Ela na kinakausap ang flight attendant sa likod. Nang matapos niyang kausapin ang babae na flight attendant ay pabalik na siya sa puwesto niya. Napansin ko rin ang hawak niyang dala.
"Ano 'yan?" Tanong ni Nicolas sa kapatid.
"Chess." Sagot ni Ela at inayos ang salamin. Pumunta siya sa gitna at umupo doon.
"Ui! Favorite ko 'yan ah!" Palapit na si Icy sakanya ng iniwas niya ang chess board dito. Tinaasan niya ng kilay si Icy
"Favorite ka ba?" Tumingin sa akin si Ela. "Tara Yen, laro tayo" Umiling lang ako sakanya na ikinanguso niya. Tinatamad kasi ako. Lalaro na nga lang sila, 'yung pampatuyot nanaman sa utak.
"Laro lang, walang kayo." Sabi ni Icy sakanya habang may nakaka-lokong ngiti ito sa kanya.
"Nakakainis ka na ha! Buwiset ka 'noh!" Patayo na sana si Ela ng hawakan siya ni Icy na ikinalingon niya.
"Kasi, tayo 'yung 'meron." Nginisian siya ni Icy at namula si Ela. Nanatili lang silang gano'n hanggang sa itulak ni Nicolas si Ela at itinulak ni August si Icy.
Naupo ang dalawa sa sahig at sinimulan ng ayusin ang chess board.
"Hoy! Bastos ka August! Kami mag lalaro ni Nicolas 'eh—" binatukan siya ni Ela "ARAY!"
"Bastos ka rin 'eh 'noh! Akin 'yan 'ehh—"
"SHHHH!" Suway ng dalawa sakanila.
"Bastos rin kayo, nag lalaro 'yung pogi dito 'eh." Suway ni August habang naka-dikit ang hintuturong daliri sa labi.
"Alam mo August, bastos ka rin 'eh. Ako 'yung pogi dito 'eh." Naka-pikit na suway ni Nicolas habang nakangisi.
"Ewww! Mandiri naman kayo sa mga pinagsasabe niyo." Arte ni Ela habang may pa pitik-pitik ng mga daliri.
"Hoy, mga bastos. Natutulog ako." Natatawa kong sabi habang nakatingin na sa labas ng bintana. Narinig ko ang pag tawanan at kontra nila pero 'di ko na'yon pinansin.
Hindi dumating si Henrycee, sabagay. Nasa meeting na ng event 'yon ng school, kung pupunta pa siya sa airport para lang makapag paalam sa akin ay baka ma-late siya. Kami rin 'yung tipo ng magka-relasyon na hindi halata. At hindi kami 'yung masyadong showy sa relasyon namin.
Maybe 2 days lang sa isang linggo kami nag i-i love you sa isa't isa. Kasi busy kami sa studies at mas priority namin 'yon. Naiintindihan namin ang isa't isa, at kahit ganon ay mahal talaga namin ang isa't isa.
Naaalala ko tuloy 'yung unang araw past 3 years ago nang magkakilala kami at new student ako n'on. Ang yabang-yabang niya n'on sobra, lalo na saakin. Dahil gustong-gusto niya na matalo niya ako sa katalinuhan. Noon, 'di niya ako malagpasan dahil mas mataas ako sakanya. Ngayon, mas mataas na siya sa akin ng 1% sa straight grades lang naman.
No'n, simula ng mag pantay kami ay nakipag deal siya sa akin na no war na kami. Na peace na kami at wala ng mag lalaban sa aming dalawa between high grades. Dahil kailangan namin mag tulungan para maabot 'yung pangarap na 'to noon.
Sabay kaming nagre-review, nagde-debate kami sa sagot kung tama ito o mali, napagkaka-sunduan namin ang topics sa bawat subjects, at nagsa-sama kami na halos 24 hours para mag handa tuwing exam.
Hanggang sa one day, nahulog na pala ang loob namin sa isa't isa. Ang mga matatalino ay natuto ring mag mahal. Natatawa nga ko tuwing sa naaalala kong ang torpe ni Henrycee n'on dahil one year na pala ang lumipas na may tinatago siyang nararamdaman para saakin.
Naka-amin nalang siya ng ipagtulakan siya nila Hanz, Icy, at Nicolas. At 'yon nga, naging kami. 2 years na kami ngayon.
Hindi cold o pampalipas ang tawag sa relasyon namin, ganito lang talaga kami mag mahal sa isa't isa. Kapag may kailangan, problema, o kahit ano ay nandoon kami para sa isa't isa para mag tulungan at damayan.
Miss ko na agad siya.
"Coffee?" Napatingin ako sa nag sabi sa akin n'on na nasa tapat ko. 'Yung flight attendant. Umiling ako at tumango na siya para umalis ng tanungin ko siya.
"Ahm, Miss? Isa kalang ba na flight attendant dito?" Tumango siya sa akin. "Ahh..."
"Sige ma'am. Pag may kailangan ka, nasa likod lang ako naka-upo." Ngumiti ako sakanya at umalis na siya. Ibinalik ko nalang ang tingin ko sa labas ng bintana.
Unti-unting pumikit ang mata ko hanggang sa maramdaman ko ang antok.
***
This chapter is dedicated to: himedragon
BINABASA MO ANG
Star Section's Death (COMPLETED)
Misteri / Thriller[Book 1: Battle Between The Endless Chain] "Death will be everywhere, anytime. To your Section, on your Classmates." One Section, whose the killer of Sixty Students. Sixty Stars. Sixty Corpses. Sixty Deaths. Sixty Funerals. Sixty Students, how man...