LIII

1.7K 50 20
                                    


"Yaaaas! Hello Shercon Resort of Batangas!!!"

Zephyrine's POV

Touch off, matapos ang matagal-tagal lang na biyahe ay nandito na kami.

First destination of our Fieldtrip, the resort that is mentioned by Joaquin. Isang araw lang kami dito, and we'll be doing activities for sure.

Lumapit sa'kin sina Ruisielle, at Angelene. Inis na inis si Ruisielle sa pangungulit ni Ephraim sakanya, habang si Angelene ay tahimik lang.

Naging tahimik na si Angelene simula ng mawala si Emma. Hindi ko alam kung gano'n na lang siya mag ramay sa bond ng friendship nila. Pero nalukungkot ako para sakanya, siya pa naman ang pinaka-joker ng grupo dati.

Samantalang, tahimik sila Nica, Reid, at Veriyil sa isang gilid. Ang dating Mp na binubuo ng 12 na masasayang magkaibigan, tatlo na lang ngayon simula nang mawala si Viola kahapon.

Tungkol naman kila kuya Zachary kahit na kasama ko lang siya sa bahay, ayaw ko na pag-usapan 'yon. At nagkulong lang ako sa kuwarto hanggang sa dumating ang araw na ito.

"Zephyrine, hellow?" Sabay kaway ni Ruisielle sa harapan ko na nagpabalik sa'kin sa reyalidad.

"Ahhh—Bakit?"

"Narinig mo ba'yun? 'Yung tulugan daw dito ay mga cabinwood! Tara! Sama tayong tatlo sa isang kuwarto~~" Sabi niya nang masaya at parehas kaming ikinawit ni Angelene sa braso niya.

"Good morning, Star's section. Since all of you are 27, we'll be having two cabinwoods for all. The one cabinwood will have 15 persons, and the other will only have 14. There are 5 rooms each cabin. And we'll have 3 persons each cabin room."

Tumango na lang kaming lahat, habang si ma'am Daniyela ay abala kaming inaayos. Nang mayamaya ay naayos na kami, nag anunsiyo na ulit ang caretaker assistant namin dito sa resort, dala-dala ang class list namin.

"First cabinwood. Room 1, Henrycee, Hanz, Ryan. Room 2, Kai, Ephraim, Xyne. Room 3, Bryant, Reid, Joaquin. Room 4, JC, Benj, Julius. Room 5, Pyo, Nica, Veriyil.

"Second cabinwood. Room 1, Zephyrine, Ruisielle, Fio. Room 2, Shayla, Rosela, Maria. Room 3, Brantlee, Kia, Crizia. Room 4, Xania, Agatha, Angelene."

"Okay my students, proceed on your cabins and rooms. The resort activity takers will give you 20 minutes to rest, and then we'll proceed on the activities after the given time." -ma'am Daniyela

Excited ng nag puntahan ang iba sa mga cabinwood, samantalang lumapit muna si Ruisielle kay Angelene. Lalapit na rin sana ako ng dumating si Fio sa'kin.

Ngumiti ako sakanya. "Hellow." Medyo awkward. Tahimik lang kasi silang parehas ng kambal niya sa classroom, hindi ko alam kung bakit.

Pero kung perspektibo nilang tumahimik na lang para hindi sila madamay, hindi ko sila masisisi.

Tumango lang siya sa'kin. "Mauuna na ako sa room." She passed me by, coldly.

Dumating na si Ruisielle at tinapik ako sa braso. Hinarap ko siya at ngumiti siya sa'kin.

"Okay lang daw si Angelene do'n."

"Si Fio ba, okay lang ba siya sa'tin? Sa pagkakaalam ko, sila lang ng kapatid niya ang magkasundo no'n." She nodded at me.

"Marunong naman silang makisama. Tara na?" Huminga ako nang malalim at tumango na lang din.

Tumingin ako sa paligid, halos tabi-tabi lang ang mga cabinwoods namin. Tanaw ko rin ang ibang section na pumapasok na sa kani-kanilang cabin. Mataas ang lugar, dahil halos bundok ito. Puro halaman din sa paligid, at makikita mo ang magandang pool mula sa malapit na tanaw dito.

Star Section's Death (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon