Pagkatapos kong magpalit ay nag-Facebook na agad ako. Dati noong broken hearted ako kay Carl ay tinamad na ako mag-Facebook pero ngayong si Ethan na ang crush ko ay siniglahan ulit ako mag-Facebook. Dahil matagal ko ng friend sa Facebook si Ethan ay tiningnan ko agad kong online siya. Hindi siya online. Nalungkot tuloy ako. Gawin ko na nga lang ang assignment ko.
Pagkatapos kong tapusin ang assignment ko ay nag-Facebook ulit ako. Biglang lumiwanag ang mata ko nang makita kong online na si Ethan. Yes! Icha-chat ko na ba? Nagdadalawang isip pa ako kung icha-chat ko ba siya o hindi. I-chat ko na nga lang.
Me: Kamusta?
Nag-reply naman agad siya.
Ethan: Okay lang naman. Ikaw ba?
OMG! Kinakamusta niya din ako. Kyaaah!
Me: Ekey leng den nemen hehehe.
Ethan: Hahaha bakit puro e 'yong vowel?
Alam kong kung nasa harap ko siya ngayon ay tinatawanan na niya ako.
Me: Trip ko lang hahaha. Walang basagan ng trip, ay!
Ethan: Okay hahaha.
Magiliw din pala ang lalaking 'to. 'Yong convo namin ay hindi nawawalan ng 'hahaha'. Ang saya niyang ka-chat. Sana si Ethan na talaga ang maging first boyfriend ko.
Maaga akong gumising ngayon. 4:00 am pa lang ay gising na ako. Kung dati ay excited akong umuwi noong crush ko pa si Carl, ngayon ay excited na akong pumasok dahil kay Ethan. Maaga akong pumasok sa school. 6:00 am pa lang ay nandito na ako. Mukhang araw-araw akong mapapaaga ng pasok dahil kay Ethan. Kaso pagdating ko sa room ay wala pa siya. Late na naman siguro. Dapat pala ay nagpa-late na lang ako. Hindi bale, nandito na naman si Shawn. Maaga pala 'to pumasok. Tinitingnan ko siya nang biglang mapalingon siya sa akin. Bigla naman akong napaiwas ng tingin pero napansin kong ang sama ng tingin niya sa akin. May nagawa ba akong kasalanan dito? Ang alam ko ay wala naman. Hindi kaya ay nagseselos siya kay Ethan? OMG! Hindi kaya ay may gusto siya sa akin?
Nagulat ako nang bigla siyang lumapit sa akin.
"Hinatid ka ba ni Ethan kahapon?" Seryosong tanong niya.
"O-Oo, bakit?" Nakakautal ang tingin niya.
"Wala lang. I'm just asking," Bumalik na din siya sa upuan niya. Bakit parang galit siya? Baka nga nagseselos siya kay Ethan? OMG! Baka nga may gusto siya sa akin.
Dumating na si Ma'am Fetin pero wala pa rin si Ethan. Inaabangan ko talaga siyang dumating. Sayang nga dahil hindi ko siya katabi. Magkatabi kasi sila ni Shawn. Sana ay hindi siya awayin ni Shawn. Ayaw ko pa namang makitang nag-aaway ang dalawa kong crush nang dahil sa akin.
Nagdi-discuss na si Ma'am Fetin nang dumating si Ethan.
"Mr. Sena, late ka na naman,"
"Sorry po, Ma'am. Traffic po, eh,"
"Agahan mo kasi ng gising para hindi ka abutan ng traffic,"
"Opo, Ma'am. Aagahan ko na po sa susunod,"
"Dapat lang, kundi hindi na kita papapasukin ng room. Okay?"
"Opo, Ma'am,"
"Just be sure na sa susunod ay hindi ka na male-late.Okay? Sige, pasok na,"
"Opo, Ma'am," Pumasok na siya ng room. Sinundan ko siya ng tingin hanggang makaupo siya sa upuan niya. Napansin kong hindi siya pinansin ni Shawn. Nag-away kaya sila?
Recess na ngayon. Mag-iinarte sana ako na masakit pa rin ang paa ko para ibili ulit ako ng recess ni Ethan pero hindi naman niya ako nilapitan. Napansin ko na hindi pa rin sila nagpapansinan ni Shawn. Baka nga magkaaway sila. Hala!
Lunch break na ngayon. Akala ko ay sasabay ulit sila sa akin sa pagkain pero hindi. Pareho silang umalis ng room pagkatapos ng class dismissal ngayong umaga. Uuwi siguro. Mag-isa na naman tuloy akong kumain.
Dahil hindi pa naman time para sa klase ngayong hapon ay naglibot-libot muna ako. Nakarating ako sa pinakadulong bahagi ng school kung saan nandoon ang stock room. Wala masyadong estudyante ang pumupunta dito. Nasa tapat ako ng stock room nang may narinig akong nag-uusap sa loob. Lumapit ako sa pinto at idinikit ko ang tenga ko para mas lalo kong marinig 'yong nasa loob.
"May gusto ka ba sa babaeng 'yon!?" Tanong ng isang pamilyar na boses. Boses lalaki.
"Wala. Nagmamalasakit lang ako sa kanya. Ikaw ang mahal ko," Tugon din ng isang pamilyar na boses. Boses lalaki din ito.
Nagulat ako sa narinig ko. OMG! May bromance pala dito sa school!
"Eh, bakit hinatid mo siya kahapon?" Tanong ulit niyong isa. Teka! Bakit parang ako 'yong pinag-uusapan nila? Hindi kaya si Ethan at si Shawn 'yong nasa loob? Waaah! 'Yong dalawa kong crush, mag-dyowa!? I cannot! Huwag naman sana.
"Umuulan kasi kahapon. Malapit lang din naman ang bahay niya sa amin kaya pinasakay ko na siya," Paliwanag naman niyong isa.
"Ganoon ba. Akala ko kasi ay hindi mo na ako mahal. Na babae na ang gusto mo," Halata pa rin sa boses niya na nagtatampo.
"Halika nga rito. Ikaw talaga ang seloso mo," Sa tingin ko ay nagyakapan sila. Ang sweet naman.
May nakita akong maliit na butas sa gilid ng pinto. Sinilip ko sila. Lumaki ang mata ko nang makita ko kung sino 'yong nasa loob. Parang tinutusok-tusok ang puso ko nang makita kong si Ethan at Shawn 'yong nasa loob. Hindi sila magkayakap kundi naghahalikan sila ngayon. Myghad! May relasyon pala sila! Akala ko ay matalik lang silang magkaibigan. 'Yon pala ay may namamagitan sa kanila. Mali pala ako ng akala na may gusto sa akin si Shawn. 'Yon pala ay nagseselos siya sa akin.
Bakit palagi na lang ba sa maling tao ako nagkakagusto? Kung hindi gago ay bakla naman. Lintik na buhay 'to, oh! Unti-unti ko na ngang nakakalimutan si Carl dahil kay Ethan pero masasaktan lang din pala ako.
Biglang nanlambot ang mga tuhod ko at bigla akong napaupo sa sahig at napasandal sa pinto. Lumikha naman ng ingay iyon kaya agad akong nagtago sa likod ng stock room.
Nakita kong magka-holding hands sila paglabas ng stock room. Sinundan ko sila ng tingin hanggang mawala na sila sa paningin ko.
Broken hearted na naman ako. Huhuhu!
BINABASA MO ANG
Finally, I Found You
RomantizmNaranasan mo na bang masaktan, umasa, paasahin, maloko, lokohin, mag-assume, maging feelingera lalo na ang umiyak sa isang lalaki? 'Yong mag-assume na may gusto din sayo 'yong taong gusto mo? 'Yong mag-assume na mahal ka din ng taong mahal mo? Lahat...