Kabanata 34

1K 33 2
                                    

Hindi ko na tinapos ang pagkain ko at uminom na agad ako ng tubig. Lumabas na ako ng kusina at dumiretso ako sa sala. Bigla agad napatayo sa pagkakaupo si Patricia nang makita nya ako.

Napacross-arms naman ako. "Oh bakit nandito ka?" Pagtataray ko sa kanya.

"G-Gusto lang sana kitang kamustahin. Nabalitaan ko kasi na naaksidente ka." Mahinahong tugon nya na parang concerned.

"Bakit mo pa ako kakamustahin eh hindi na naman tayo magkaibigan pa?" Pagtataray ko pa ulit sa kanya. Tumalikod na ako para sana bumalik sa kwarto ko ng bigla nyang hawakan ang braso ko kaya napatingin ulit ako sa kanya.

"Oh ano may sasabihin ka pa?" Tanong ko pa sa kanya.

"E-Eloisa... Sorry." May namumuong luha na sa kanyang mata. Napaiwas naman ako ng tingin dahil hindi ko gusto na umiiyak sya sa harap ko. "S-Sorry kung binalewala ko ang pagkakaibigan natin nang dahil kay Mark. P-Patawarin mo ako." Umiiyak na sambit niya. Hindi pa rin ako tumitingin sa kanya.

Nabigla ako nang bigla syang lumuhod sa harapan ko. Nakita ko sa mata nya na sincere siya sa paghingi nya ng tawad saken at mukhang nagsisisi na siya sa ginawa nyang pambabalewala sa pagkakaibigan namin. Nakatingin siya ng diretso sa mata ko habang patuloy na umaagos ang kanyang luha.

"Patawad Eloisa... Patawad." Sambit pa niya. Sino ba naman ako para hindi ko siya patawarin? Si God nga pinapatawad tayo sa ating mga kasalanan ako pa kaya na tao lang na nilikha nya.

"Tumayo ka na nga dyan."

"H-Hindi Eloisa... Hindi ako tatayo dito hangga't hindi mo ako pinapatawad."

"Oo na pinapatawad na kita kaya tumayo ka na dyan." Agad naman syang napatayo dahil sa sinabi ko.

"Thank you Eloisa." At niyakap nya ako ng mahigpit.

"Aray ko hindi ako makahinga." Agad naman syang napakalas sa pagkakayakap.

"Sorry bes." Napangiti ako sa sinabi nya. Matagal ko na ding hindi napakinggan ang pagtawag nya saken ng bes.

"Buti naman at naisipan mong puntahan ako dito." Biro ko sa kanya.

"Nabalitaan ko kasi na naaksidente ka kaya nag-alala talaga ako pati miss na miss na kita. Miss ko na ang bestfriend ko."

"Weh? Ako namiss mo? Di nga?"

"Oo naman bes. Bakit hindi ka ba naniniwala?" Napapout siya. Cute nitong bestfriend ko kapag nakapout haha.

"Joke lang syempre naniniwala ako haha." Biglang nawala ang lungkot sa mukha nya dahil sa sinabi ko.

"Thank you bes." At niyakap nya ulit ako. Niyakap ko din sya pabalik.

"Nga pala sabi mo dati friendship is over so paano na yun?"

"Binabawi ko na yun. Hindi ko kayang mawala ang kaibigan ko na tulad mo."

"Ows talaga?"

"Yan ka na naman hindi ka na naman naniniwala saken." Nagpout ulit siya haha.

"Oo na naniniwala na ako." Natatawang tugon ko.

"Ang ngalay na pwedeng umupo na tayo?" Sarkastikong sambit niya. Mahina naman akong natawa.

"Oo ba."

"Nga pala kamusta na kayo ni Mark?" Biglang nagbago ang expression ng mukha nya. Napaismid siya pagkatapos kong banggitin ang pangalan ni Mark.

"Yung manloloko na yun break na kami nun."

"Ha bakit? Paanong naging manloloko si Mark?"

"Alam mo bang hindi lang pala ako ang girlfriend nya nung kami pa. Nakita ko mismo sa facebook nya yung convo ng iba pang babae na girlfriend pa pala niya. Diba ang gago bes!?"

"Ano resbakan na natin?" Maangas pa akong napasuntok sa kamay ko.

"Huwag na bes. Huwag na nating pag-aksayahan pa ng panahon ang lalaking katulad nya... hindi sya kawalan."

"Korek bes no boyfriend no problem haha."

"Mabuhay ang mga single!"

"Mabuhay ang mga broken hearted!" At pareho kaming natawa.

"Tao po!" Rinig kong tawag mula sa gate namin.

"Miko tingnan mo nga kung sino yung tao sa labas." Utos ko sa kapatid ko.

"Sige Ate."

"Ate si Ate Angela nandito!" Sigaw ng kapatid ko.

"Sige papasukin mo."

"Hi Angela! Buti naman at napapunta ka dito. " Bati ko sa kanya.

"Hello." Pero mukhang hindi sya masaya bakit kaya?

"Ay nga pala si Patricia bestfriend ko. Patricia si Angela."

"Hi Angela!"

"Hello."

"Lika upo ka." Sambit ko kay Angela. "Kamusta ka na Angela?"

"Ok lang. Ahmmm Eloisa may sasabihin ako huwag ka sanang mabibigla ah." Bigla akong kinabahan sa sinabi niya.

"Huh? Tungkol saan yan? Parang ayoko tuloy marinig ang sasabihin mo." Ano kaya ang sasabihin niya?

Tumayo sya sa kinauupuan nya at humarap saken. Hinawakan nya ang magkabila kong balikat.

"Eloisa patay na si Clark." Malungkot na sambit nya. Biglang napaawang ang bibig ko sa sinabi niya.

"Hindi... hindi totoo yan! Diba nagbibiro ka lang?" May luha ng lumalabas sa mata ko.

"Hindi ako nagbibiro Eloisa totoo ng patay na si Clark. Si Ma'am Precila mismo ang nagbalita sa amin."

"HINDI! Hindi pa sya patay!" At napahagulhol na ako. Bigla naman akong niyakap ni Angela para pakalmahin.

"Alam kong sa una mahirap tanggapin pero alam kong matatanggap mo din ang katotohanan." Sambit pa ni Angela. Naramdaman ko namang hinihimas ni Patricia ang likod ko.

"Bakit sya pa bakit hindi na lang yung mga kriminal!" Niyakap na din ako ni Patricia para pakalmahin.

"Iiyak mo lang yan bes kaya mo yan. Nandito lang kami para sayo tutulungan ka naming makalimot sa kanya diba Angela?"

"Oo naman. Nandito lang kami para sayo Eloisa."

"Bakit nyo pinaiyak ang Ate ko?" Narinig kong sambit ni Miko. Kumalas ako sa pagkakayakap at bumaling ako sa kapatid ko.

"Miko wala na si Clark patay na sya." Umiiyak na sambit ko.

"Ano!?"

"Ate bakit siya namatay?" Malungkot na tanong nya.

"Naaksidente sya Miko nang dahil saken." Umiiyak pa rin na tugon ko.

"Paanong dahil sayo Ate?" Nagtatakang tanong nya.

"N-Nung brineak ko sya naaksidente sya." Niyakap ako ni Miko.

"Ate huwag mong sisihin ang sarili mo wala kang kasalanan."

Sobrang nawawasak ang puso ko dahil hindi ko matanggap na wala na si Clark. Kung hindi ko siya brineak malamang hindi sya maaaksidente lalo na ang mamatay.

"Punta na akong kwarto." Paalam  ko sa kanila nang hindi man lang tumitingin.

Nagdiretso na ako sa kwarto ko at inilock ang pinto. Napasandal ako sa pinto at dahan-dahang napaupo. Walang humpay na umagos ang mga luha ko papunta sa mukha ko.

Bigla akong napatingin sa kwintas na suot ko.

"C-Clark bakit mo agad ako iniwan? Sana hinintay mo muna ako bago ka mawala. Ang sakit Clark... hindi ko matanggap na wala ka na."  Sambit ko habang nakatingin sa kwintas at umaagos ang aking luha.

"S-Siguro hindi talaga tayo ang para sa isa't-isa dahil mismong kapalaran na ang naglayo sa atin." Umiiyak pa rin na sambit ko.

"Eloisa okay ka lang ba?" Rinig kong tanong ni Patricia mula sa labas.

"Oo okay lang ako gusto ko munang mapag-isa."

Clark gusto kong maniwala na buhay ka pa pero hindi eh... Kailangan kong tanggapin ang mapait na katotohanang wala ka na. Wala na ang lalaking mahal ko.

Finally, I Found YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon