Pinaghanda ko ulit siya ng pagkain. Nasa tapat na ako ng kwarto niya dala-dala ang pagkaing hinanda ko. Kakatok na sana ako pero napatigil ako nang mapakinggan siyang may kausap sa cellphone.
"Bakit ka pa tumawag sa akin, ha!?" Rinig kong singhal niya sa kausap.
"'Di ba pinabayaan ko na kayo, bakit mo pa ako ginugulo!?" Mababakas ang galit sa tono niya. Si Trixie siguro ang kausap niya.
Mayamaya pa ay hindi ko na siya narinig magsalita.
Kumatok na ako sa pinto.
"Clark! Dinalhan kita ng pagkain," Masiglang sambit ko. Hindi siya sumagot. Pinihit ko na lang ang pinto dahil alam ko namang bukas iyon. Pumasok na ako. Nakita kong nakaupo si Clark sa isang sulok at nakatago ang mukha niya sa kanyang tuhod. Alam kong umiiyak siya. Ipinatong ko muna ang dala ko bago ako lumapit sa kanya. Umupo ako sa tabi niya at hinimas ang kanyang likod.
"Okay lang 'yan, Clark. Iiyak mo lang. Maaayos din ang lahat," Nag-angat siya ng tingin sa akin. Kitang-kita ko ang umiiyak niyang mga mata. Nasasaktan ako.
"Saan ba ako nagkulang at nagawa niya akong ipagpalit!? At doon pa sa kaibigan ko, ha!?" Umiiyak na tanong niya.
"Hindi ka nagkulang, Clark. Sadyang hindi lang siya nakuntento sa 'yo kaya ka niya nagawang ipagpalit,"
"Kung ikaw ba si Trixie, ipapagpalit mo din ba ako?" Umiiyak na tanong niya.
"Syempre, hindi 'no! At tsaka bakit naman kita ipagpapalit sa iba kung ganoong mahal kita. 'Di ba?" Parang umamin na din ako.
"Sana ikaw na lang si Trixie para hindi ako nasasaktan nang ganito," Pinunasan niya ang luha gamit ang kamay at tumigil sa pag-iyak.
"Kung pwede nga lang, eh. Kaso, hindi, eh. Alam mo, Clark, na sa 'yo na nga lahat ng hinahanap ng babae, eh, pero hindi pa rin nakuntento si Trixie. Naku, kung ako lang ang naging girlfriend mo, mamahalin kita at hindi sasaktan," Nginitian niya ako nang pilit.
"Sana nga ikaw na lang ang naging girlfriend ko," Malungkot na tugon niya. Sana nga ako na lang.
"Hayaan mo na. Nga pala, dinalhan kita ng pagkain." Kinuha ko sa table ang pagkain at umupo ulit sa tabi niya. "Kumain ka na lang, mabubusog ka pa," Iniabot ko sa kanya ang pagkain. Tinanggap naman niya ito.
"Salamat," Ngumiti siya nang pilit.
"Walang anuman. Sige, kain ka na. Babalik muna ako sa labas. May gagawin pa ako, eh,"
"Sige," Tumayo na ako at lumabas.
Kinabukasan ay maagang dumating sila Ma'am Precila, Sir Victor, Ate Crystal at Ate Crystia. May binigay sa amin si Ma'am Precila na T-shirt at keychain galing Boracay. Pinasuweldo na din kami ni Ma'am Precila. Sa wakas, may pera na din ako.
Habang ako'y nagdidilig ay may biglang sumitsit sa akin. Luminga-linga ako para hanapin kung sino 'yong sumitsit. Napakunot-noo ako nang wala akong taong nakita. Nasaan 'yon? Sumitsit ulit ito at napansin kong sa kwarto ni Clark galing ang sitsit kaya tumingin ako doon at nakita ko si Clark sa may gilid ng bintana ng kwarto niya. Kumaway pa siya sa akin habang nakangiti. Nginitian ko din siya. Pinaypayan niya pa ako. Lumapit naman ako.
"May pupuntahan tayo mamaya,"
"Saan naman?"
"Sa debut ng friend kong babae,"
"Luh! Bakit kasama pa ako? Ikaw na lang,"
"Pupunta din kasi doon sila Trixie at Jacob. Hahayaan mo ba akong mag-isa lang?" Nag-pout pa siya.
"Ganoon ba. Syempre, hindi. Anong oras ba 'yon?"
"Mga 6:00 pm,"
"Ah, okay. Sige, sasamahan kita, basta ipaalam mo ako sa Mommy mo,"
"Oo ba,"
"Okay, sige,"
5:45 pm pa lang ay nakabihis na ako. Sinuot ko ang black dress na binili sa akin ni Clark. Kinulot ko ang dulo ng buhok ko at naglagay lang ako ng light make up. Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin at masasabi kong napakaganda ko sa araw na ito.
Biglang may kumatok sa kwarto ko.
"Eloisa, ready ka na ba?" Tanong niya mula sa labas.
"Oo," Binuksan ko ang pinto at bumungad sa akin ang napakagwapong si Clark. Namangha ako sa kagwapuhan niya. Nakasuot siya ng tuxedo at nakataas pa ang buhok niya.
Nakita kong umawang ang bibig niya nang makita ako. Na-attract ba siya sa kagandahan ko?"You look so beautiful tonight, Eloisa," Napangiti ako sa sinabi niya.
"Salamat. Ngayon lang ba?" Natawa siya.
"Oo,"
"Ay!"
"Jokeee! Maganda ka rin naman araw-araw,"
"Talaga!?" Naniniguradong tanong ko pa.
"Oo,"
"Okay," Nagpipigil ng kilig na tugon ko.
"Tara na. Ipagpapaalam pa kita kay Mommy,"
"Sige," Kumatok siya sa kwarto ng Mommy niya.
"Mommy!" Bumukas naman ang pinto.
"Bakit, 'Nak--- O, nakabihis ka? Saan ang punta?" Napatingin sa akin si Ma'am Precila. "Pati si Eloisa," Bumalik ang tingin niya kay Clark. "Kasama mo ba si Eloisa?"
"Opo. Pupunta po kami sa debut ng friend kong babae,"
"Ganoon ba. Okay, ingat kayo,"
"Thank you po. Sige po, alis na kami,"
"Sige," Tumalikod na kami.
BINABASA MO ANG
Finally, I Found You
Любовные романыNaranasan mo na bang masaktan, umasa, paasahin, maloko, lokohin, mag-assume, maging feelingera lalo na ang umiyak sa isang lalaki? 'Yong mag-assume na may gusto din sayo 'yong taong gusto mo? 'Yong mag-assume na mahal ka din ng taong mahal mo? Lahat...