THIRD PERSON's POV
Nanunuod ng TV si Miko nang biglang dumating ang Nanay at Tatay nila.
"Nandito na kami!" Masayang bungad ng Tatay nya. Napatingin naman agad si Miko.
"Nay Tay Nandito na pala kayo." Agad nagmano si Miko sa Nanay at Tatay niya.
"Mahal punta muna akong kwarto ansakit talaga ng likod ko."
"Sige mahal magpahinga ka na." Tugon ng nanay nya.
Tinulungan ni Miko ang nanay nya sa pagdala sa kusina ng mga pinamili ng nanay at tatay nya.
"Oh nasan ang ate mo?" Tanong ng nanay nya.
"Nasa kwarto nya po naga-iyak."
"Huh bakit anong nangyari?"
"Namatay na po kasi si Kuya Clark." Malungkot na tugon ni Miko.
"Ano!?"
"Magsaing ka na kakausapin ko lang ang ate mo. Marunong ka namang magsaing noh?"
"Opo naman Nay."
"Buti naman sige dyan ka muna puntahan ko na ate mo."
ELOISA's POV
"Eloisa anak pwede ba akong pumasok?" Katok ni nanay mula sa pinto ng kwarto ko. Nakauwi na pala sila ni tatay galing trabaho.
Agad naman akong napatigil sa pag-iyak at pinunasan ang mga luha ko.
"Bakit po nay may kelangan po ba kayo?"
"Wala naman anak gusto lang sana kitang makausap."
"Nay pwede po bang mamaya na lang may ginagawa pa po kasi ako." Palusot ko kay nanay para hindi nya mahalata na umiiyak ako.
"Anak huwag ka ng magpalusot pa alam kong umiiyak ka at sinabi na saken ng kapatid mo ang dahilan."
Binuksan ko na ang pinto at pumasok agad si nanay. Sinara nya muna ang pinto bago lumapit saken.
"Anak alam kong nasasaktan ka ngayon sa pagkawala nya pero kailangan mong tanggapin."
"N-Nay sobrang sakit... Sobra akong nasasaktan dahil kasalanan ko kung bakit siya namatay!" Umiiyak na tugon ko. Niyakap naman ako ni Nanay.
"Anak diba sinabi ko naman sayo na wala kang kasalanan kaya hindi mo dapat sisihin ang sarili mo."
"N-Nay kahit gusto kong isipin na wala akong kasalanan pero hindi yun ang sinasabi ng puso ko. Mismong puso ko ang nagpaparamdam ng sakit ng katangahang pagbreak ko sa kanya!" Napahagulhol na ako pagkatapos kong sabihin yun. Hinimas naman ni Nanay ang likod ko para patahanin.
"Tahan na anak... Alam kong kaya mong lagpasan ang problemang ito basta manalig ka lang sa Poong Maykapal."
Tumango lang ako kay Nanay.
"Sige anak punta na akong kusina magluluto pa kasi ako eh." Kumalas na kami sa pagkakayakap.
"Sige po Nay."
"Huwag ka nang iiyak huh nababawasan ang ganda mo." Napatawa ako kahit may luha pa din sa mata ko.
Lumabas na si Nanay ng kwarto ko at isinara ang pinto.
Unti-unti na namang umagos ang mga luha ko. Bigla namang bumukas ang pinto at biglang sumilip si Nanay.
"Diba sabi ko huwag ka nang umiyak sige ka papangit ka nyan."
"Hindi ko mapigilan Nay eh."
Napailing na lang si Nanay.
"Dalaga ka na talaga anak sige pupunta na akong kusina."
BINABASA MO ANG
Finally, I Found You
RomanceNaranasan mo na bang masaktan, umasa, paasahin, maloko, lokohin, mag-assume, maging feelingera lalo na ang umiyak sa isang lalaki? 'Yong mag-assume na may gusto din sayo 'yong taong gusto mo? 'Yong mag-assume na mahal ka din ng taong mahal mo? Lahat...
