Pagkatapos kong mabasa ang sulat kahapon hindi ako nakatulog kagabi sa kakaisip kaya ngayon medyo sumasakit ang ulo ko.
Pagtingin ko sa salamin ang laki ng eyebags ko. Ikaw ba namang hindi matulog.
Naligo rin ako kahit puyat ako. Ayoko namang mag-amoy mabantot kapag pumasok ako... chef pa mandin ako.
Pagkatapos kong mai-lock yung gate papara na sana ako ng taxi nang may biglang huminto na itim na kotse sa tapat ko. Kotse to ni Mr. Feeling Close ah.
Lumabas na siya ng kotse at nilapitan ako.
"Good morning chef."
"Good morning. Teka paano mo nalaman na chef ako?" Walang ganang tugon ko.
"Obvious naman sa suot mo. Oh bakit matamlay ka? May sakit ka ba?" Sinalat pa nya ang leeg at noo ko.
"Wala naman ah."
"Wala akong sakit puyat lang ako."
"Bakit naman? Dahil ba iniisip mo ako?" Ayan na naman sya sa pagiging assumero nya.
"Wala ka na don! Tsaka wag ka ngang assuming dyan hindi ikaw ang iniisip ko noh!"
"Chill ka lang wag ka magalit." Sarkastikong sambit nya.
"Tse! Dyan ka na nga." Inirapan ko siya. Umagang-umaga iniinis agad ako ng lalaking ito tsk!
Nilagpasan ko na siya.
"Teka san ka pupunta?"
"Edi sasakay na ng taxi."
"Huwag na. Saken ka na lang sumakay."
"Mabuti pa nga. Tara na." Nauna na akong sumakay sa tabi ng driver's seat at sumunod na din sya.
Nagpahinto na ako sa tapat ng Beanery.
"Dito ka nagtatrabaho?"
"Obvious naman kaya nga dito ako nagpahinto eh."
"Ang sungit mo talaga."
"Huwag ka na lang kasi magtanong."q
"Okay."
Binuksan ko na ang pinto ng kotse nya at lumabas na ako. Pumasok na ako sa restaurant at umalis na rin sya.
THIRD PERSON'S POV
"Ate let's try to eat sa Beneary sikat daw yung restaurant na yun." Sambit ni Crystia sa kapatid nyang si Crystal habang may binabasang application form ng isang client nila na magloloan ng house and lot.
Nandito sila sa office nila at sila na ang naghahandle ng business nila.
"Sige let's try mamayang lunch." Tugon nya habang may pinipirmahang mga papeles.
"Sige."
Nang maglunch break na nagpunta na sila sa sinasabing restaurant ni Crystia at umorder na sila ayon sa nasa menu.
"In fairness masarap pala ang pagkain dito." Sambit ni Crystal matapos matikman ang inorder nila.
"Oo nga Ate. Sino kayang chef dito?"
"Ewan ko. Bakit mo ba saken tinatanong eh hindi naman ako ang HR dito."
"Ikaw talaga ate ang sungit mo... pati ako sinusungitan mo."
"Eh bakit kasi saken mo tinatanong eh hindi naman ako nagtatrabaho dito. Dun mo kaya itanong sa service crew."
"Okay. Mamaya na lang."
"Miss magkano bill namin?" Tanong ni Crystal sa babaeng service crew nang matapos na silang kumain.
"440 pesos lang po Ma'am."
BINABASA MO ANG
Finally, I Found You
Roman d'amourNaranasan mo na bang masaktan, umasa, paasahin, maloko, lokohin, mag-assume, maging feelingera lalo na ang umiyak sa isang lalaki? 'Yong mag-assume na may gusto din sayo 'yong taong gusto mo? 'Yong mag-assume na mahal ka din ng taong mahal mo? Lahat...