Kabanata 44

1.4K 35 0
                                        

Kumalas na kami sa pagkakayakap.

"Sige uuwi muna ako gagabi na kasi eh." Sambit ko kay New.

Lumungkot naman ang mukha nya at nagpout pa. Hahaha para siyang bata.

"Oh bakit ganyan mukha mo?" Medyo natatawang tanong ko.

"Sabi mo hindi mo na ako iiwan pero bakit aalis ka na?" Nakapout pa rin sya. Napangiti naman ako.

"Uuwi lang ako magkikita pa rin naman tayo eh."

Nagulat ako nang yakapin nya ako mula sa likod. Biglang nagwala ang puso ko dahil magkadikit ang katawan namin.

"Please Eloisa stay with me tonight. Huwag mo kong iwan." Nakikiusap na sambit nya.

"S-Sige n-na n-ga kung yan ang hiling mo."

"Yes! Thank you!" Ngumiti siya ng malapad at bigla nya akong niyakap.

Napangiti ako sa reaksyon nya. Kumalas na sya sa pagkakayakap at hinarap ako.

"Thank you Eloisa." Kitang-kita ko sa mukha nya kung gaano siya kasaya ngayon. Masarap pala sa pakiramdam na nakikita mong napapasaya mo ang taong mahal mo.

"Let's go?" Aya nya saken. At hinawakan nya ang kamay ko at nagulat ako nang pinag-intertwin nya ang kamay namin. Ewan ko ba pero biglang may kuryente akong naramdaman.

"T-Teka s-san t-tayo pupunta?"

"Sa condo ko." At ngumiti sya.

"Ah. Kala ko kasi dito lang tayo." He chuckle.

"Hindi pwede tayo dito baka may makarinig satin." At tumawa siya nang nakakaloko. Anong sinasabi niya? Nagegreen tuloy ako.

"Anong baka may makarinig? Bakit ano bang gagawin natin?" Nagtatakang tanong ko.

"Ang slow mo. Joke lang, wala."

"Ano nga!?" Pangungulit kong tanong.

"Wala nga." Natatawang tugon nya.

"Sabihin mo na kasi." Pangungulit ko pa.

"Wala nga."

"Daya ayaw pang sabihin ay!" Nagpout ako. "Sige na nga tara na."

Natawa siya. Nakita kong napatitig sya sa labi ko.

"Bakit ka nakatitig sa labi ko?" Nagtatampong tanong ko.

"Your lips tempted me to kiss you can I have one?" Natatawang tanong nya. Sinamaan ko sya ng tingin.

"Ayoko nga. Nakakailang kiss ka na saken noh tsaka ayaw mong sabihin kung anong gagawin natin kaya no ki---" Napatigil ako sa pagsasalita nang bigla nya akong nakawan ng halik.

"Clark!" Nanggigigil na sigaw ko sa kanya nang tumakbo na sya pagkatapos akong nakawan ng halik. Kung hindi lang kita mahal malamang sinapak na kita.

Hinabol ko siya.

Paglabas ko sa room nya nakita ko siya na nag-iisang nasa dance floor at nakatingin sa direksyon ko habang nakangiti. Bakit siya lang yung nasa gitna? Napatingin ako sa paligid at napansin kong nakatingin sa aming dalawa yung mga tao dito. Enebe nahihiya ako hahaha joke leng.

Nag-umpisa nang tumugtog ang music at biglang lumakas lalo ang tibok ng dibdib ko dahil sa kantang tumutugtog ngayon.

Sinenyasan nya ako na lumapit sa kanya habang nakangiti. Nginitian ko din sya at naglakad na ako palapit sa kanya. Gustong kong maiyak dahil sa saya na nararamdaman ko ngayon. Ngayong kasama ko na ang taong gusto kong makasama panghabambuhay.

Finally, I Found YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon