Kabanata 27

1.3K 41 0
                                    

Di ko alam kung ilang buwan na ba kaming magkachat ni Clark haha! Kinikilig nga ako at hindi mapawi ang ngiti ko habang kachat ko sya haha! Para nga akong ewan na ngumingiti na lang sa kawalan sa tuwing naaalala ko yung conversation namin hihihi!

February na ngayon. OMG! Malapit na magvalentines day. Kyaaah! Excited na tuloy ako kahit wala naman akong kadate haha!

Ano kaya ang pwede kong ibigay kay Clark? Paano mo yun mabibigay eh malayo sya? Pangongontra na naman ng boses sa utak ko.

Tama nga ang boses sa utak ko. Kahit mag-isip pa ako ng pwedeng ibigay sa kanya hindi ko rin naman mabibigay yun sa kanya kasi nga malayo sya. Babatiin ko na nga lang siya ng Happy Valentines Day!

Ayoko namang umamin sa kanya dahil ang gusto ko kapag aamin ako eh sa personal.

Valentine's Day na ngayon kaya alam kong madami ngayon ang pusong nagdidiwang at mga excited. Madami na naman siguro ngayon ang nagkalat na mga magjowa haha lalo na sa park.

Pagkatapos kong umuwi galing sa school nagpalit agad ako at tinapos ng mabilis ang mga gawain ko para makapagfacebook agad. Excited na talaga akong makachat ulit si Clark haha lalo na't Valentine's Day ngayon hihihi.

Pagbukas ko agad ng facebook ko bumungad na naman saken ang isang message na alam kong galing kay Clark. Sino pa ba? Siya lang naman ang inaasahan kong magchachat ko eh haha! Pati sya lang ang nag-iisang kachat ko. Kahit may magchat sakeng iba di ko nirereplyan. Bahala sila dyan basta ako si Clark lang ang rereplyan ko hahaha!

Nang buksan ko iyon lumiwanag agad ang aking mata sa nakikita ko. Isang LSM (Long Sweet Message) ang nababasa ko. Kyaaah! Hindi pa kami ni Clark pero nagmemessage na sya saken ng ganito. Kyaaah!

Clark: Happy Valentines Day Eloisa☺Salamat kasi nakilala kita. Pinangiti at pinasaya mo ulit ang malungkot kong mundo. Salamat nga pala ulit sa lahat-lahat. Sa pag-alaga mo saken nung may sakit ako, pagpilit mo saking kumain kahit ayoko at tsaka sa pagcomfort mo saken nung nasasaktan ako. Salamat din at palagi kang nandyan para saken kahit malayo tayo sa isa't-isa. Salamat sa lahat ng yun. Sana masaya ka ngayong araw ng mga puso. 😘 👫

Waaah! May kiss emoticon. Gusto ba akong ikiss ni Clark? Kyaaah! Ako din gusto ko hahaha!

Nakangiti ako habang binabasa ko yun. Di ko akalain na imemesssage nya ako ng ganito. Akala ko kasi babatiin nya lang ako ng 'Happy Valentines Day!' yun pala LSM. Yieee kinikilig na naman ako haha!

Nagtype na agad ako ng irereply sa kanya.

Me: Hello Clark Happy Valentines Day din! Gusto kong sabihin sayo na you are always welcome. Salamat din kasi nakilala kita. Kahit ilang buwan lang kitang nakasama naging masaya ako sa mga panahong yun. Salamat din kasi sinagip mo ako nung muntik na akong malunod sa pool, sa pagbili mo saken nung black dress tapos yung isinama mo ako sa debut ng kaibigan mo. Alam mo first time kong pumunta sa ganung occasion kaya salamat. Salamat din kasi isinama mo ako sa lugar na pinupuntahan mo kapag may problema ka. Sabi mo ako pa lang ang unang babaeng dinala mo dun kaya maswerte ako haha. Sana maging masaya ka din ngayong araw ng mga puso 😘

Nilagyan ko din ng kiss emoticon para same kaming gustong ikiss ang bawat isa haha!

Nakangiti pa rin ako habang sinesend sa kanya yung LSM ko sa kanya.

Hindi sya online pero sinend ko na din sa kanya para mabasa nya agad kapag nag-online sya.

Kay bilis talaga ng panahon at heto malapit na akong grumaduate ng highschool haha. Yahoo! Excited na tuloy ako magcollege haha!

Di ko alam kung ilang buwan na ba kaming magkachat ni Clark haha! Kinikilig nga ako at hindi mapawi ang ngiti ko habang kachat ko sya haha! Para nga akong ewan na ngumingiti na lang sa kawalan sa tuwing naaalala ko yung conversation namin hihihi!

Finally, I Found YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon