Nandito ako ngayon sa may garahe nakaupo at iniisip ko pa din kung bakit napunta yung wedding ring ni Ma'am Precila sa kwarto namin. Sumasakit lang ang ulo ko sa tuwing iniisip ko kung sino ang gumawa nun. May lihim sigurong galit saken huhu!
Napatayo ako bigla ng may biglang bumusinang kotse sa may gate. Alam kong si Clark ito kasi kilala ko ang kotse nya. Nakita nya kaya akong nakaupo dito? Baka isipin nya na ang tamad ko dahil nakaupo lang ako dito.
Binuksan ko na yung gate at pinasok na ni Clark yung kotse nya. Pagbaba niya sa kotse niya basang-basa ng pawis ang damit nya medyo basa din ang buhok nya. Ang hot nya ngayon pero wala akong ganang pagnasaan sya.
Didiretso na sana ako sa kusina pero kinausap nya ako.
"Oh bakit malungkot ka?" Tanong nya saken. Parang nag-aalala yung mukha niya. "May problema ka ba?" Tanong nya pa ulit. Meron Clark MERON!
Umiling ako. Ayokong sabihin sa kanya yung nangyari kanina.
"Nga pala nakita na ba ni mommy yung hinahanap nya?" Bigla nyang naitanong sa akin dahilan para bigla na naman akong kabahan.
"A-Ah oo." Hindi nakatingin sa kanya na sagot ko.
"Buti naman." Aalis na sana ako para pumunta na sa kusina pero nagsalita ulit siya. "Teka saan nya nakita?"
Eto na nga! Tinatanong na nya kung saan nakita yung wedding ring ng mommy nya anong isasagot ko!? Ano na lang ang sasabihin ni Clark kapag nalaman nyang sa mismong ilalim ng mga damit ko pa nakita?
"S-Sorry Clark ah may niluluto kasi ako sa kusina baka masunog." Palusot ko para iwasan ang tanong nya at nagtatakbo na ako sa kusina.
Natatakot ako kapag nalaman ni Clark na nakita sa ilalim ng mga damit ko yung wedding ring ni Ma'am Precila baka kasi isipin din niya na magnanakaw ako kahit hindi naman totoo.
THIRD PERSON's POV
Nandito sa terrace si Crystia at Crystal at masayang nag-uusap dahil nagtagumpay ang plano nila. Ang planong paalisin si Eloisa dahil naiinis sila rito dahil napapalapit ito sa kapatid nilang si Clark. Ayaw nila kay Eloisa para kay Clark dahil hindi nila kalevel ito.
"Ate Crystal ang galing natin. Nagawa nating paniwalain si mommy na si Eloisa yung kumuha sa wedding ring niya." At tumawa pa ito. Mahina lang ang kanilang pag-uusap para hindi mapakinggan ng iba lalo na ng mommy nila.
"Syempre malaartista tayo kung kumilos eh." At tumawa din si Crystal.
FLASHBACK
"Ate kailangan na talagang umalis ng babaeng yan dito." Sambit ni Crystia sa kapatid na si Crystal habang pinagmamasdan na masayang nag-uusap sila Clark at Eloisa sa may garden nila.
"Tama ka Crystia. Mukhang nagkakapalagayan na sila ng loob kaya dapat na talagang umalis na yang babaeng 'yan. Ayoko sa kanya para kay Clark you know naman hindi natin siya kalevel tsaka maid natin sya. Nakakahiya naman sa pamilya natin kung magiging girlfriend lang ni Clark ay isang kasambahay diba?"
"True ate. Pero anong gagawin natin para mapaalis siya?" Tanong ni Crystia sa kapatid niya. Nagevil smile naman si Crystal dahil may naisip na syang plano kung paano mapapaalis si Eloisa.
"Akong bahala you will see what will happen. Basta suportahan mo lang ako sa gagawin ko huh?" Tumango naman si Crystia.
Pumunta sila Crystal at Crystia sa kwarto ng mommy at daddy nila. Pagdating nila doon wala ang mommy nila. Nakita nilang may damit sa ibabaw ng kama ng mommy at daddy nila kaya alam nilang naliligo ang mommy nila.

BINABASA MO ANG
Finally, I Found You
RomanceNaranasan mo na bang masaktan, umasa, paasahin, maloko, lokohin, mag-assume, maging feelingera lalo na ang umiyak sa isang lalaki? 'Yong mag-assume na may gusto din sayo 'yong taong gusto mo? 'Yong mag-assume na mahal ka din ng taong mahal mo? Lahat...