Pagkatapos ng aming simpleng salu-salo, inumpisahan ni tatay ang usapan tungkol sa aming pagpapakasal.
"Kelan ang kasal?" Tanong agad ni tatay.
"Yun nga po tay ang ipapaalam namin sa inyo." "Napagdesisyunan po namin ni MOB, na next month na po kami magpakasal, sa February 8 po para mapaghandaan po namin yung panganganak ko."
"Ah. Maganda kung ganun." Tugon ni tatay.
"Saan nyo balak magpakasal?" Tanong naman ni nanay.
"Ahmmm hindi pa po namin alam." Tugon ko.
"Kung dito na lang kaya sa malaking simbahan dito sa atin , okay lang ba yun sa inyo?" Suhestyon ni nanay.
"Okay lang po. Diba mom and dad?" Tugon ni MOB.
"Oo naman, walang problema." Tugon ng magiging mother-in-law and father-in-law ko.
"Sa mga gagastusin para sa kasal, sagot na po namin yun." Volunteer ni Sir Victor.
"Nakakahiya naman ho sa inyo, na wala kaming iaambag na kahit piso sa kasal nila." Si nanay.
"Naku, hindi po. Okay lang yun." "Way na din po namin yun para makabawi kami sa maling nagawa namin sa kanila."
"Ano ho yun?" "Hindi kasi naikuwento sa'min yun ni Eloisa eh." Tanong pa ni nanay.
"Nakakahiya man pong sabihin sa inyo pero dapat nyo din po itong malaman." "Yun nga lang po, baka sumama ang tingin nyo sa'min."
"Naku, hindi ho."Tugon nila nanay at tatay. "Maiintindihan namin yan."
"Salamat po kung ganun." "Ano po kasi...dati ayaw na ayaw namin kay Eloisa para sa aming anak, kaya nakagawa kami ng mali para mapaghiwalay sila, pero sa huli hindi kami nagtagumpay." Sambit ni Ma'am Precila.
"Pero ngayon taos-puso na namin syang tinatanggap bilang parte na ng aming pamilya." Dagdag pa niya.
"Salamat po." Pagpapasalamat ko.
"Masyado po kasi silang strong, kaya hindi sila natibag." Natatawang ani ate Crystal.
"Oo nga." Sang-ayon ni ate Crystia. "Kahit anong gawin namin dati, ay talagang hindi sila napaghiwalay. Sila't sila pa rin. Iba na talaga pag destined sa isa't-isa." Dagdag pa ni ate Crystia.
"At para makabawi kami ni Crystia sa mga naging kasalanan namin sa inyo, kami na ang bahala na mag-organize ng kasal nyo."
"Talaga ate Crystal?" Hindi makapaniwalang tanong ni MOB.
"Oo nga. Bingi lang ang peg?" Pagtataray niya kay MOB. Haha nagiging mataray na naman sya.
"Thank you hehe."
"Joke lang hahaha."
"Ay." "Sinabi mo na, bawal ng bawiin."
"Haha hindi ko naman binabawi eh, ang sabi kong joke ay yung tinarayan kita."
"Ah... yun baga hahaha."
"Ay oo." "Anyway, ilan ang gusto nyong ninang at ninong? Pati mga abay?" Tanong pa ni ate Crystal.
"Ok lang kahit tig-sasampu lang." Tugon ni MOB.
Napatango naman kami nila nanay, tatay, Ma'am Precila at Sir Victor.
"By the way anong motif ang gusto nyo?" Tanong ni ate Crystia.
"Sky blue." Suggest ko.
"Yun, okay na." Tugon ni MOB.
Nagtanguan naman sila.
Mag-aalas-tres na nang ma-finalized na ang tungkol sa aming kasal. Umuwi na din sila Ma'am Precila, Sir Victor, ate Crystal at ate Crystia pagkatapos. Tanging ang naiwan lang ay si MOB. Pinapasama ko naman sya pauwi, sya lang ang ayaw. Mami-miss nya daw kasi ako agad kapag hindi nya ako kasama. Haha, ayaw na nya yata akong alisin sa paningin niya.
BINABASA MO ANG
Finally, I Found You
RomantikNaranasan mo na bang masaktan, umasa, paasahin, maloko, lokohin, mag-assume, maging feelingera lalo na ang umiyak sa isang lalaki? 'Yong mag-assume na may gusto din sayo 'yong taong gusto mo? 'Yong mag-assume na mahal ka din ng taong mahal mo? Lahat...
