Umalis na din ako sa lugar na yun at umuwi na sa bahay. Di ko alam kung namumugto na ba ang mata ko dahil sa pag-iyak ko kanina. Dahil mainit ngayon at wala akong payong na dala kinuha ko na lang yung shades ko sa maliit kong shoulder bag. At least di masisilaw ang mata ko sa araw at the same time di makikita ng mga taong makakasalubong ko na namamaga ang mata ko.
Dumiretso na agad ako sa kwarto ko pagkauwi ko at doon ako umiyak. Huhuhu! Hanggang ngayon hindi ko pa rin matanggap na sila na ni Patricia at Mark at mas lalo na yung wala na ang pagkakaibigan namin ni Patricia huhuhu!
Ngayon ko narealized na totoo pala ang kasabihang "Love conquers all." Hindi pala masusukat sa tagal ng pagkakaibigan ang samahan para masabi mong kilala mo na ang kaibigan mo ng lubusan. At narealized ko din na kahit bestfriend mo man ang isang tao maaari mo pa rin syang maging kaaway ng dahil lang sa pag-ibig.
Naalala ko tuloy bigla si Clark. Ganitong-ganito din yung naranasan nya. Parehas binalewala ng kaibigan namin ang friendship because of love huhuhu! Parehas pala si Patricia at Jacob na handang mawala ang pagkakaibigan mapasakanila lang ang taong mahal nila. Mas pinahalagahan nila ang pag-ibig kesa sa pagkakaibigan!
Namimiss ko tuloy si Clark huhuhu! Sana nandito sya para icomfort ako kagaya ng ginawa ko dati sa kanya nung mga panahong lugmok siya dahil sa break up nila ni Trixie.
Dahil namimiss ko si Clark tiningnan ko na lang yung kwintas na bigay nya at hinawakan ko ito.
"Clark sorry kung nagkagusto ako sa iba. Dahil dun broken hearted na naman ako ngayon huhuhu! Sana nandito ka para pangitiin at pasayahin ako. Miss na miss na kita Clark." At hinalikan ko yung kwintas na bigay nya.
Parang pinagsakluban ng langit at lupa ang mukha ko ngayon dahil sa sakit na nararamdaman ko. Parang binibiyak din ang puso ko sa tuwing maaalala ko yung nakita ko kanina at yung pag-uusap namin ni Patricia.
Ilang beses na ba akong nasaktan, umiyak at paulit-ulit na nagkagusto sa mga gwapo? Maraming beses na pero sa lahat ng yun nasaktan ako pwera lang kay Clark na nalungkot at nangulila lang ako sa kanya dahil hindi ko na siya makikita pa.
Iniisip ko din posible kayang magkita pa kami ni Clark? Gustong-gusto ko na syang makita, makausap at makasama. Kelan kaya darating ang araw na yun?
Namimiss ko na din sila Aling Fe at Ate Lyn huhuhu! Bigla kong naalala na may binigay nga palang number sila sa akin.
Agad kong hinanap sa malaking bag na dala ko pauwi yung papel na binigay ni Ate Lyn. Nakalimutan ko kasing isave yun sa contacts ko dahil makalimutin ako hihihi.
Pinunasan ko muna yung mukha ko na basa ng luha dahil sa kakaiyak ko kanina bago idinial yung number ni Ate Lyn. Sinave ko na yung number nila ni Aling Fe para kahit mawala yung papel at least makikita ko pa rin yung number nila sa phone ko.
Nagring naman yung phone ni Ate Lyn. Maya-maya pa sinagot na rin nya.
["Hello sino 'to?"] Bungad saken ni Ate Lyn. Nga pala wala pa akong number sa kanila kaya di pa nila kilala ang number ko.
"Hello Ate Lyn si Eloisa po ito."
["Ah ikaw pala yan. Oh kamusta ka na?"] Ramdam ko na masaya siya na malaman na ako yung tumawag. Eto Ate Lyn broken hearted na naman. Yun sana ang gusto kong isagot sa kanya kaso ayaw kong malaman niya kaya nagpalusot na lang ako.
"Ok lang naman Ate Lyn. Eh kayo po ni Aling Fe dyan kamusta na?"
["Okay lang din naman.]
["Oh baka may gusto ka pang kamustahin maliban sa amin hahaha?"] Sarkastikong tanong pa nya.Medyo napangiti naman ako dahil sa tanong nyang yun. Alam ko kung sino ang tinutukoy nya. Biglang nabawasan ang lungkot ko at pagluluksa ng puso ko nang makausap ko si Ate Lyn.
"Hehehe meron po. Si Clark po. Kamusta na po sya?"
["Sabi ko na nga ba eh hahaha. Okay na naman sya ngayon."]
"Po? May nangyari po ba kay Clark?" Nag-aalalang tanong ko.
["Ano ka ba wala. Ang tinutukoy ko nung umalis ka napapansin namin ni Aling Fe na palagi na lang malungkot si Clark tsaka palaging parang ang lalim ng iniisip niya. Minsan pa nga naaabutan namin sya sa may garden na ngumingiti sa kawalan para bang may naaalalang masayang alaala nyo yieee."] Di ko alam kung anong mararamdaman ko nung sinabi ni Ate Lyn yun. Di ko alam kung malulungkot ba ako o sasaya dahil namimiss din ako ni Clark at tsaka yung binanggit ni Ate Lyn na ngumingiti si Clark sa kawalan na para bang may inaalalang masayang alaala namin nung nandun pa ako yieee di ko alam pero parang kinilig ako dun hahaha.
Nung sinabi ni Ate Lyn ang mga yun parang bigla na lang nawala yung sakit na nararamdaman ko at napalitan ng bagong pag-asa. Parang nabuhay muli yung pag-asa ko na pwedeng may gusto na din sa akin si Clark my loves ko hihi! Sana nga totoong may gusto na din sa akin si Clark at sana sya na ang destiny ko hihihi. Pero parang malabo yatang mangyari yun kasi hindi ko naman alam kung magkikita pa ba kami o hindi na.
"Ah ganun po ba hehehe. Kinilig po ako sa huling sinabi nyo hahaha." Natawa din sya sa sinabi ko.
["Nga pala ano ngang apelyido mo?"] Bigla nyang natanong saken.
"Javier po, bakit po Ate Lyn?"
["Wala tinanong ko lang hahaha." Hindi ko kasi alam hahaha."]
"Ah kaya pala hahaha."
["Sige mamaya ka na lang ulit tumawag may gagawin pa kasi ako."]
"Ah sige po salamat. Pakisabi na lang po kay Clark na kinakamusta ko sya tsaka namimiss ko na din hihihi." Narinig ko naman syang tumawa.
["Sige sige."] Inend ko na yung call at napangiti ako sa kawalan.
Waaah! Hindi ko iniexpect na malulungkot pala si Clark nung umalis ako tapos yung pagngiti nya sa kawalan na parang bang may naaalalang masasayang alaala namin. Kyaaah! Sana hindi ako binibiro ni Ate Lyn.
Kahit papano nabawasan din yung lungkot ko at sakit na nararamdaman dahil nalaman ko na namimiss din pala ako ni Clark hahaha! Buti na lang pala at tinawagan ko si Ate Lyn hihihi.
Nung gabi nagfacebook muna ako antagal ko na kasing hindi nagf-facebook simula nung mag-away kami ni Patricia sa park.
Pagbukas ko sa fb ko nakita kong may 10 notifications ako tsaka 5 friend request. Sino na naman kaya ang nagfriend request saken? Kapag hindi ko ito mga kilala idedelete request ko agad hahaha. Ganun kasi ako kapag hindi ko kilala hindi ko inaaccept maliban na lang kung babae tsaka kung gwapo hahaha. Kapag babae kasi kahit hindi ko kilala inaaccept ko. Kapag lalaki naman inistalk ko muna yung profile kung pogi o hindi hahaha! Ang unfair ko noh hahaha! Eh sa ayokong mag-accept ng mga lalaking mukhang nakadrugs at tsaka yung mga taga ibang bansa lalo na yung taga India hahaha. Ang babastos kasi nung iba sarap manding iblock haha!
Una kong tiningnan yung notifications ko kesa sa friend request. Wala naman kasi akong iniexpect na magfrifriend request saken eh.
Pagkatapos kong buksan yung notifications ko binuksan ko na din yung friend request ko. Lumiwanag ang mata ko nang makita kung sino yung isa sa mga nagfriend request saken. Bigla akong sumaya ng makitang isa si Clark sa nagfriend request saken. OMG! Hindi ko to iniexpect haha! Totoo pala ang kasabihang "Expect the unexpected." Haha!
BINABASA MO ANG
Finally, I Found You
RomanceNaranasan mo na bang masaktan, umasa, paasahin, maloko, lokohin, mag-assume, maging feelingera lalo na ang umiyak sa isang lalaki? 'Yong mag-assume na may gusto din sayo 'yong taong gusto mo? 'Yong mag-assume na mahal ka din ng taong mahal mo? Lahat...