Ngayong gabi pa lang sinimulan ko nang mag-impake ng mga damit ko. Naiiyak ako habang nilalabas ko 'yong mga damit ko sa cabinet namin at nilalagay sa malaking bag. Inalis ko na din 'yong iba ko pang gamit dito sa drawer. Mami-miss ko sila Angela, Ate Lyn at Aling Fe pag-alis ko dito lalong-lalo na si Clark. Huhu.
Nang matapos ko nang ilagay lahat ng mga damit at iba ko pang gamit, nakita kong ang lungkot-lungkot ng mukha nila Angela, Ate Lyn at Aling Fe.
"Oh bakit ganiyan ang mga mukha niyo?" Sarkastikong sambit ko sa kanila. Alam kong nalulungkot sila dahil aalis na ako bukas pero pinilit ko pa ding ngumiti para ipakitang hindi ako nalulungkot pero sa loob-loob ko gusto ko nang umiyak.
Bigla silang lumapit sa akin at bigla akong niyakap.
"Mami-miss ka namin Eloisa," Malungkot na sambit nila. Mami-miss ko din kayo. Naramdaman ko namang may namumuo ng luha sa mata ko.
"Mamimiss ko din kayo!" Kumawala na sila sa pagkakayakap sa akin kaya tiningnan ko sila ng seryoso. Isa-isa ko silang tiningnan.
"Thank you Aling Fe, Ate Lyn at Angela dahil nakasama ko kayo dito." May luha ng lumalabas sa mata ko.
"Salamat sa mga pinagsamahan natin... lalo na yung palagi nyo akong pinagkakaisahang ulitin kay Clark." Bigla akong natawa na naiiyak dun sa panghuling sinabi ko. Haha! Para akong ewan.
"Salamat din sa inyo kasi naging mabuti at naging mabait kayo sakin. Aling Fe, Ate Lyn at Angela maraming salamat sa lahat." Ngayon hindi lang ako ang umiiyak pati na din sila. Nadala yata sa kadramahan ko haha!
"Sa kaunting panahon nating pagsasama para ko na kayong pamilya. Aling Fe para na kitang nanay. Si Ate Lyn at Angela naman para ko ng kapatid diba complete family na tayo?" Sambit ko sa kanila habang umiiyak pa din. Niyakap ko sila ng mahigpit.
"May kulang pa wala pang tatay." Tugon ni Angela at bigla kaming natawa sa sinabi nya.
"Sorry Eloisa ha kung ikaw lang satin ang uuwi ngayon. Hindi kasi ako pwedeng sumama sayo pauwi mapapagalitan kasi ako ni Nanay pag umuwi na ako ng hindi pa nakakadalawang buwan." Paliwanag niya. Nginitian ko lang sya pero halata pa ring nalulungkot ako.
"Ano ka ba okay lang yun Angela. Mabuti nga yun makikita ko na sila Nanay, Tatay at si Miko. Miss na miss ko na din naman sila. Ako ng bahala kay nanay na magpalusot kung bakit napaaga ang uwi ko. Ako nga dapat ang magsorry sayo kasi maiiwan kita dito." Tugon ko sa kanya.
"Ok lang yun Eloisa. Kasama ko naman si Aling Fe at Ate Lyn dito eh." Tugon nya.
"Basta Eloisa huwag mo kaming kakalimutan huh kahit nasa inyo ka na?" Bilin pa ni Aling Fe. Tumango naman ako.
"Oh ito yung number namin ni Aling Fe tawagan o itext mo man lang kami huh pag may load ka?" May inabot si Ate Lyn na kapirasong papel.
Kinuha ko na yung papel na iniabot sya sa akin.
Tinawagan ko muna sila Nanay bago ako matulog.
"Hello Nay!" Masayang bati ko sa kaniya sa kabilang linya.
["Oh Eloisa gabi na ah bakit gising ka pa? Nga pala kamusta ka na dyan?"] Matagal-tagal ko ding hindi narinig ang boses ni Nanay. 3 times a month lang kasi ako magload haha!
"Okay lang naman ako dito Nay. Nay uuwi na ako bukas! Makikita ko na ulit kayo!" Masayang sambit ko.
["Buti naman miss na miss ka na namin eh!" Pero teka! wala pa kayong dalawang buwan dyan ah bakit uuwi na agad kayo?"] Nagtataka pang tanong ni Nanay.
"Nay ako lang po ang uuwi." At tumawa pa ako para itago ang lungkot na nararamdaman ko.
["Ano!? Bakit ikaw lang ang uuwi? Hindi mo kasama si Angela pauwi!?"] Gulat na tanong ni Nanay.
![](https://img.wattpad.com/cover/125440624-288-k75612.jpg)
BINABASA MO ANG
Finally, I Found You
RomansaNaranasan mo na bang masaktan, umasa, paasahin, maloko, lokohin, mag-assume, maging feelingera lalo na ang umiyak sa isang lalaki? 'Yong mag-assume na may gusto din sayo 'yong taong gusto mo? 'Yong mag-assume na mahal ka din ng taong mahal mo? Lahat...