ELOISA's POV
"Bakit nagbago yata ang kulay ng kwarto ko?" Tanong ko sa sarili ko paggising ko. From white bakit sky blue na?
Medyo masakit ang ulo ko. Siguro dahil sa marami ang nainom ko kagabi.
Napabalikwas ako ng bangon. Pagtingin ko sa kama iba ang kulay ng cover nito. Sky blue... eh pink yung saken eh. Nasaan ba ako?
"Good morning Ms. Lasing kagabi." Sumulpot sa harapan ko si mokong.
"Bakit nandito ka?" Nagtatakang tanong ko.
"Malamang condo ko to." Pambabara nya.
"Paano ako napunta dito?"
"Edi dinala kita rito."
Napayakap ako sa sarili ko. "May ginawa ka saken noh!?"
"Ikaw kaya ang may ginawa saken." Sarkastikong sambit nya.
"Anong ako? Ano naman pati ang gagawin ko sayo?"
"Hinalikan mo lang naman ako kagabi."
"Hinalikan!?"
"Oo. Sabi mo pa nga mahal na mahal mo ko."
"Ikaw ha may gusto ka pala saken kaya sinusungitan mo ko." Nanunuksong dagdag pa nya.
"Anong gusto? Wala akong gusto sayo noh!"
"Eh bakit mo ko hinalikan at sinabihan ng mahal na mahal kita kagabi?"
"Kagabi!? Wala akong alam sa sinasabi mo. Ang alam ko lang panaginip ko yun."
Oo nanaginip ako kagabi. Nakita ko si Clark sa panaginip ko. Siya yung hinalikan ko sa panaginip at hindi si mokong.
"Anong panaginip eh totoo nga. Aminin mo na kasi."
"Ano namang aaminin ko?"
"Na may gusto ka saken."
"Wala nga akong gusto sayo noh!" Nilagpasan ko na siya at lumabas ng kwarto nya.
"San ka pupunta?"
"Edi uuwi na!" Paglabas ko ng condo nya hindi ko alam kung saan ako dadaan kaya napabalik ako sa kanya.
"Saan ang daan?"
"Malamang sa elevator." Sarkastikong sambit nya.
"Samahan mo ko di ko alam eh."
"Sure." Natatawang tugon nya.
Pagkalabas namin ng building si mokong kasama ko pa rin.
"Hatid na kita."
"Mabuti pa nga."
Nagulat ako nang pagbuksan nya ako ng pinto ng kotse nya. First time nyang ginawa to ah! Ano kayang nakain nito haha!
"Thank you. Gentleman ka ngayon ah. Anong bang nakain mo?" Sarkastikong sambit ko sa kanya. Tumawa lang sya.
Sumakay na ako sa tabi ng driver's seat at ganun din sya.
"Thank you sa paghatid Mr. GENTLEMAN today." Natatawang sambit ko.
"Welcome Ms. Sungit."
"Bakit Ms. Sungit? Eh Mr. Gentleman na nga yung tinawag ko sayo eh!"
"Anong sasabihin ko? Ms. ano?" Natatawang tanong nya.
"Edi Ms. Beautiful o Ms. Kind!"
"Okay okay... Welcome Ms. BEAUTIFUL! Ano satisfied ka na?"
"Enebe! Maliit na bagay hahaha." Natatawang tugon ko.
"Sige na pasok na ako sa loob." Paalam ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Finally, I Found You
RomanceNaranasan mo na bang masaktan, umasa, paasahin, maloko, lokohin, mag-assume, maging feelingera lalo na ang umiyak sa isang lalaki? 'Yong mag-assume na may gusto din sayo 'yong taong gusto mo? 'Yong mag-assume na mahal ka din ng taong mahal mo? Lahat...
