Kabanata 33

1.1K 42 4
                                        

ELOISA's POV

Nang makauwi na kami ni Nanay sa bahay agad na sinalubong kami ni Tita Charlene at ni Miko.

"Naaay Ateee!" Salubong sa amin nitong kapatid ko. Niyakap nya si Nanay pati ako.

"Ate okay ka na ba? Wala na bang masakit sayo?" Nag-aalalang tanong ni Miko. Tumango lang ako sa kanya at ngumiti ng pilit. Oo okay na ako pero yung puso ko hindi pa. Tila durog na durog pa din ang puso ko dahil sa nangyari kay Clark. Hindi ko alam kung hihilom pa ba ang puso ko o mananatiling may sugat.

"Nay, Tita punta na po akong kwarto." Pagpapaalam ko kay Mama at kay Tita.

"Sige anak para makapagpahinga ka na." Tugon ni Nanay. Tinanguan lang ako ni Tita. Naiwan ko silang nag-uusap.

Matamlay akong naglakad papunta sa kwarto na pinahiram sa akin ni Tita. Nilock ko ang pinto at naupo sa kama dito.

Nagsimula ng pumatak ang mga luha ko at unti-unting bumalik sa isipan ko ang mukha ni Clark noong nasa ospital siya. Parang wala ng bukas kung makatulo ang mga luha ko. Hindi ko pa din matanggap na sa isang iglap nangyari yun kay Clark.

Agad kong pinunasan ng kamay ko ang mga luha ko sa mukha ng may biglang kumatok sa pinto.

"Sandali lang po." Sambit ko sa kumakatok. Binuksan ko na yung pinto. Si mama pala. Pumasok na siya sa kwarto ko at naupo sa kama.

"Anak alam kong may problema ka pwede mong sabihin sa akin." Sambit ni nanay na may pag-aalala.

Sinara ko na ang pinto at bigla ko siyang niyakap. Nagsimula na namang mamuo ang mga luha ko at unti-unting umagos sa mukha ko.

"Nay sorry po nagkaboyfriend po ako. Sorry po kung sinuway ko kayo." Umiiyak na sambit ko.

"Shhh huwag mo ng alalahanin yun anak ang mahalaga nalaman mo ang pagkakamali mo." Tugon ni nanay habang hinihimas ang likod ko.

Kumalas na si Nanay sa pagkakayakap at tiningnan ako.

"Nga pala hindi mo pa pinapakilala saken yung boyfriend mo. Ano bang pangalan nya at tsaka bakit hindi ka niya binisita sa ospital?" Bigla namang kumirot ang puso ko dahil sa tanong ni Nanay.

"N-Nay hindi ko na po sya boyfriend dahil brineak ko na po sya. Nasa ospital po sya ngayon at walang malay dahil po naaksidente sya ng dahil sa akin." Umiiyak na tugon ko kay Nanay. Napahagulhol na ako pagkatapos kong banggitin ang huling salitang sinabi ko.

Nakita ko namang nagulat si Nanay at bigla akong niyakap.

"Tahan na anak... Huwag mong sisihin ang sarili mo dahil wala kang kasalanan sa nangyari sa kanya. Sadya lang talagang may mga bagay na nangyayari na hindi natin inaasahan." Sinasabi nya yun habang hinihimas ulit ang likod ko.

Pagkatapos mawala ng mga luha ko kumalas na ako sa pagkakayakap at tumingin kay Nanay.

"Nay thank you po dahil nandyan kayo para damayan ako."

"Ano ka ba anak nanay mo ako kaya responsibilidad kong damayan ka sa mga problema mo. Hindi ko kayang makita kang nasasaktan dahil nasasaktan din ako at doble pa ang sakit na dulot nito sa akin." Nginitian ko si Mama kahit pilit lang. Ang swerte-swerte ko talaga kay Nanay dahil super caring niya at super maunawain.

"Thank you po Nay."

"Nga pala anak pasensya na pero napagpasyahan namin ng Tatay mo na hindi ka na namin dito pag-aaralin ng college. Mas mabuting sa probinsya ka na lang mag-aaral para mabantayan ka namin ng tatay mo at para iwas ka na din sa panganib. Sana maintindihan mo anak." Nginitian ko ulit ng pilit si Nanay.

Finally, I Found YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon