CHAPTER 10

1.6K 51 0
                                        

Puting-puti ang kanyang mukha tapos nakatapat pa sa mukha niya ang kandilang hawak niya. Agad naman siyang tumawa dahil sa expression ng mukha ko. At dahil doon ay nakilala ko kung sino siya. Nakahawak na siya sa tiyan niya sa kakatawa.

"Nakakainis ka! Muntik na akong mamatay sa takot!" Hinampas ko siya sa balikat.

"Hindi ko alam na takot ka pala sa multo," Tumatawa pa ring tugon nito.

"Tse! Akin na nga 'yang kandilang hawak mo," At kinuha ko sa kanya ang kandilang hawak niya.

"Teka! Ilaw ko 'yan sa kwarto ko, eh,"

"Sandali lang. Sisindihan ko lang itong kandila,"

"Okay," Sinindihan ko na ang kandila na kinuha ko sa TV room.

"O, iyo na!" Ibinalik ko na ang hiniram kong kandila sa kanya at bumalik na ako sa dining area.

Pagbalik ko ay may kandila na doon. Inilagay ko na lang sa main kitchen ang kandilang dala ko.

Linggo na ngayon. Nag-swimming ang pamilya Suzara. Kitang-kita ang kaseksihan nila Ate Crystal at Ate Crystia lalo na't naka-two piece lang sila. Si Clark naman ay naka-short lang. Kitang-kita ang six pack abs niya. Ang sarap titigan! Naunang umahon sila Ma'am Precila at Sir Victor. Sumunod naman sila Ate Crystal at Ate Crystia. Si Clark na lang ang natira sa swimming pool.

Nasa dining area na sila para kumain pero si Clark ay nasa pool pa.

"Clark! Tama na 'yan. Kakain na tayo," Tawag ni Ma'am Precila kay Clark mula sa dining area pero parang hindi niya narinig.

"Eloisa, puntahan mo na nga si Clark. Sabihin mo na umahon na siya at kakain na kami,"

"Okay po,"

Agad akong lumapit sa may pool. Si Clark naman ay nagpo-floating.

"Clark, umahon ka na daw diyan sabi ni Ma'am Precila. Kakain na daw kayo," Tumigil naman siya sa pagpo-floating at hinarap ako. Nagulat ako nang bigla niya akong sabuyan ng tubig kaya umiwas ako pero dahil madulas sa kinatatayuan ko ay na-out of balance ako dahilan para mahulog ako sa pool. Kakampay-kampay naman ako dahil hindi ako marunong lumangoy.

Naramdaman ko namang may kamay na sumagip sa akin. Pagtingin ko ay si Clark pala. Akala ko ay pagtatawanan niya lang ako habang nalulunod. Buti na lang dahil sinagip niya ako. Binuhat niya ako papunta sa gilid ng pool. Tahimik lang siya. Akala ko ay hihingi siya ng sorry pero wala akong sorry na narinig mula sa kanya. Iniwan niya lang ako sa gilid nitong pool samantalang siya ay nagdiretso sa CR na malapit dito. Sinundan ko lang siya ng tingin. Dumiretso na lang ako sa kwarto namin at nagpalit ng damit.

Noong nag-mop na ulit ako sa kwarto ni Clark ay napansin kong tahimik siya. Nakaupo siya sa kama habang nakatitig lang sa cellphone niya. Malungkot ang mukha niya. Ano kayang problema nito? Kung dahil iyon sa nangyari kanina ay huwag na niyang intindihin iyon dahil hindi naman ako galit sa kanya. Alam ko namang hindi niya sinasadya iyon.

Ang tahimik ng atmosphere sa kwarto niya. Para akong mabibingi sa katahimikan. Mayamaya pa ay tumayo siya at pumuntang CR. Parang maiiyak na siya. Hindi kaya nag-break na sila ng malanding dyowa niya?  Magiging masaya ako kapag nangyari iyon kaso kapag nakikita kong ganiyan si Clark ay huwag na lang. Ayaw ko siyang makitang ganiyan.

Mga ilang araw na ding hindi pumupunta dito ang Trixie na iyon. Posible kayang break na sila?

Namalengke kami ni Angela. Nadaanan namin ang isang café. Transparent glass 'yong unahan nito kaya kitang-kita 'yong mga customer sa loob. Napatigil ako sa paglalakad nang mahagip ng mata ko ang pamilyar na babae na kinaiinisan ko, si Trixie. May lalaking siyang kausap sa loob. Nakatalikod 'yong lalaki kaya hindi ko makita kung sino pero parang pamilyar siya sa akin.

Finally, I Found YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon