Kabanata 21

1.4K 43 0
                                        

Pagkatapos naming magpunta sa café at pagkatapos ng nakakakilig na sinabi sa akin ni Clark ay hinatid niya na ako sa pier. Kinikilig nga ako kasi siya pa 'yong nagdala ng bag ko. Yieee!

Kumaway pa ako sa kanya bago siya umalis. Sumakay na din ako ng barko pagkatapos. Malulungkot na naman ako dahil hindi ko na makikita si Fafa Clark ko. Huhuhu! 'Di ko man lang nasabi sa kanya na gusto ko siya. Hindi man lang ako nagkaroon ng lakas ng loob para sabihin sa kanya ang salitang "GUSTO KITA o MAHAL KITA." Natatakot kasi ako sa magiging reaksyon niya kapag sinabi ko 'yon.

Ilang oras din ang lumipas bago ako nakarating sa probinsya namin. Sumakay pa ako ng van at tricycle bago nakarating sa aming bahay. Tinawagan naman ako ni Nanay na dito na sa amin magpababa kaysa sa kanto kaya 'yon ang ginawa ko.

Nang makarating na ako sa lugar namin ay napapatingin sa akin 'yong mga tao dito. Kakakita nila lang siguro ng artista. Hahaha.

Agad naman akong sinalubong ni Nanay at ni Miko pagdating ko sa bahay. Nakikita ko ang saya nila nung makita nila ako.

Pinakain muna ako ni Nanay bago ako magpahinga. 'Yong kapatid ko namang si Miko tuwang-tuwa sa pasalubong ko sa kanya. Syempre hindi lang kay Miko ako may pasalubong pati kay Nanay at Tatay ay meron din.

'Yong iba naming kapitbahay ay nagpunta sa bahay. Hihingi yata ng pasalubong pero wala naman akong maibigay dahil 'yong pera na naipon ko ay pambili ko lang ng mga damit at mga gamit ko sa pagpasok.

Tumulog na agad ako ng maaga. Napagod kasi ako sa byahe. Gusto pa nga sana akong kausapin ni Nanay pero sabi ko bukas na lang kami mag-usap dahil gusto ko ng magpahinga.

Bigla akong nanibago sa bahay namin. Nung maliligo na kasi ako pumunta agad akong banyo para maligo. Dala ko na nga 'yong damit na pampalit ko eh pero pagdating ko sa banyo nakalimutan ko na wala nga palang kaming gripo sa banyo dahil sa bumba kami kumukuha ng panligo. Hahaha. Tapos nung magsasaing na ako sa kaldero hirap na hirap na akong pabagahin yung kalan haha! Nasanay na kasi ako na sa rice cooker magluto eh wala naman kaming rice cooker hahaha!

Inutusan naman ako ni Nanay na bumili ng sabon sa tindahan. Ayaw ko pa nga sana sumunod eh kaso ako daw ang paglalabahin kapag hindi ako bumili ng sabon kaya sumunod na ako.

Ayoko talagang pumunta sa tindahan baka makita ko na naman yung manlolokong Carl na yun dito lalo na't magkatabi lang itong tindahan at computer shop.

Nakabili na ako ng sabon na pinapabili ni Nanay. Aalis na sana ako para umuwi pero pag talikod ko bigla kong nakita yung taong ayaw kong makita.

Nakangiti sya saken tapos bigla akong nilapitan. Tinaasan ko naman sya ng kilay.

"Eloisa nakauwi ka na pala." Bungad nya saken. So alam nya na nagpunta akong Maynila? Siguro stalker ko 'to.

"Ay hindi! Baka nasa Maynila pa ako. Kaya nga ako nandito sa harapan mo kasi nakauwi na ako." Pambabara ko sa kanya. Tumawa naman si Carl. Akala naman niya magiging masaya ako kapag nakita ko sya! Mukha niya!

"Marunong ka ng mambara ngayon ah." Sarkastikong tugon niya. Inirapan ko na lang sya at umalis na. Pero langya bigla akong sinundan ng dimuhog na lalaking 'to.

"Ano ba!? Bakit mo 'ko sinusundan!?" Naiiritang tanong ko sa kanya. Napatigil ako sa paglalakad at lumingon sa kanya.  Napatigil din naman sya sa paglalakad.

"Wag ka namang magalit saken" Natatawang sambit niya. Hindi ako galit GALIT NA GALIT!

"Gusto lang kitang makausap. Namiss kasi kita." Parang gusto kong masuka sa sinabi nya. Sinamaan ko sya ng tingin. Siya namiss ako? Kaya pa! Akala naman niya kikiligin ako sa sinabi niya yuck nakakasuka!

Finally, I Found YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon