Kung dati pagkagising ko ay cellphone agad ang hawak ko para mag-Facebook, ngayon ay hindi na.
Pagkagising na pagkagising ko ay inayos ko agad ang higaan ko saka nagwalis sa labas. Dati hindi ko magawa ito dahil kaka-chat kay Carl. Kung hindi pa ako na-broken hearted ay hindi pa ako sisipag.
"O, Loisa, anong nakain mo at ang sipag mo ngayon?" Natatawang tanong ni Nanay pagkakita sa akin na nagwawalis sa labas.
"Wala naman po, 'Nay. Naisip ko lang po na kailangan ko na pong maging masipag," Gusto ko sanang sabihin na 'Nay, broken hearted, eh.'
"Mabuti naman. Tuloy-tuloy na ba 'yan? Baka naman ngayon lang 'yan,"
"Hindi po, Nay. Tuloy-tuloy na po ito,"
"Kung ganoon, edi mabuti,"
"Nga pala, bakit namamaga 'yang mata mo? Umiyak ka ba?"
"Opo, 'Nay. Nakakaiyak po kasi 'yong K-Dramang pinanuod ko kagabi," Palusot ko. Pero ang totoo ay hindi talaga ako nanuod kagabi ng K-Drama. Sorry Nay kailangan kong magsinungaling.
"Ah. Ipanuod mo nga sa 'kin at baka maiyak din ako," Hala Nay huwag na!
"S-Sorry, Nay, na-delete ko na, eh,"
"Ay, sayang. Mukhang maganda pa naman,"
"Ay, opo. Next time 'Nay pagda-download kita,"
"O, sige. Ipagpatuloy mo lang 'yang pagiging masipag mo, ah? Magluluto muna ako," At tumalikod na si Nanay papasok sa bahay.
"Opo, 'Nay. Sarapan mo po, ah?"
"Oo naman. Kahit hindi mo sabihin ay masarap talaga 'to magluto,"
"Oo naman, 'Nay. Ikaw pa," Lumingon siya sa akin at nginitian ako bago tuluyang pumasok sa loob.
Magtatanghalian na ay nasa computer shop pa rin ang kapatid ko. Ang takaw talaga mag-DOTA.
"Loisa, sunduin mo na nga 'yong kapatid mo,"
"Okay, 'Nay," Sana wala si Carl sa computer shop. Ayokong makita ang pagmumukha niya!
Pagpasok ko sa computer shop ay nakita ko agad ang taong ayaw kong makita. Bwisit talaga! Kung kailang ayaw ko na siyang makita ay doon ko pa siya makikita. Kainis!
Naglalaro siya ng DOTA at kung mamalasin nga naman ay katabi na naman siya ng kapatid ko. Dumiretso na lang ako sa kapatid ko.
"Miko, tara umuwi na," Pagalit na sabi ko.
"Wait lang, Ate. Tatapusin ko lang ito,"
"Bilisan mo na at baka mahawa ka pa ng kagaguhan ng KATABI mo!" Talagang nilakasan ko para marinig ng lalaking ito.
Tiningnan ko si Carl kung magre-react pero dedma lang siya. Ni hindi man lang siya lumingon. Parang hindi siya aware na nandito ako. Wala ba talaga siyang pakialam sa akin? Mas lalo tuloy akong nasasaktan.
Kahit sinaktan niya ako ay mahal ko pa rin siya. Ano bang gagawin ko para mawala na 'tong pag-ibig ko sa kanya? Kailangan ko na bang magmahal ng iba? Pero hindi madaling makalimot lalo na't laman pa rin siya ng puso ko.
Buong araw akong nagmukmok sa kwarto. Nakahiga lang ako habang nakikinig ng malulungkot na kanta. Nagmahal lang ako pero bakit ako pa 'yong nasaktan? Ang sakit sakit!
After 1 month...
Isang buwan na ang nakakalipas pero hindi pa rin ako nakaka-move on kay Carl. Gusto ko na siyang kalimutan pero ang hirap, hindi ko magawa. Mahal ko pa din siya. Pambihira namang puso to, oh!

BINABASA MO ANG
Finally, I Found You
RomantikaNaranasan mo na bang masaktan, umasa, paasahin, maloko, lokohin, mag-assume, maging feelingera lalo na ang umiyak sa isang lalaki? 'Yong mag-assume na may gusto din sayo 'yong taong gusto mo? 'Yong mag-assume na mahal ka din ng taong mahal mo? Lahat...