Kabanata 37

1.2K 32 0
                                        

Akala ko sa park lang kami ni Niel mag-uusap pero hindi pala. Pumunta kami sa Jollibee at doon nya ako tinanong nang tinanong about sa sarili ko habang kumakain kami.

"Ilan taon ka na?" Unang tanong nya saken.

"18, ikaw?"

"Sakto 18 din."

"Saan ka nakatira?" Pangalawang tanong niya.

"Sa Bonifacio Street." Diretsong tanong ko.

"Ah... Ahmmm m-may boyfriend ka na?" Sabi ko na nga ba eh itatanong nya saken to.

"Ahmmm wala." Sumilay ang kanyang ngiti nang marinig ang 'wala'.

"Pero taken na yung puso ko." Pahabol ko. Biglang nawala ang ngiti nya.

"So ibig sabihin may mahal ka pero hindi kayo?" Tumango lang ako.

"Ah... alam na ba niya na mahal mo siya?" Tumango lang ulit ako.

"Kung ganun niligawan ka nya noh?" Tango lang din ulit ang isinagot ko sa kanya.

"Edi sinagot mo sya noh?"

"Malamang... mahal ko nga diba."

"Eh bakit kayo naghiwalay? Hulaan ko sinaktan ka nya noh? Niligawan ka lang nya dahil alam nyang mahal mo siya ano?"

"Basta mahabang kwento. Actually hindi nya ako sinaktan at FYI niligawan nya ako dahil mahal nya rin ako noh." Pagmamalaki ko pa sa kanya.

"Whoah! So MU pala kayo eh... Eh bakit kayo naghiwalay?" Tanong na naman nya. Hindi ba siya mauubusan ng tanong?

"Basta... Huwag mo nang alamin."

"Sungit mo naman. Sige na nga hindi ko na tatanungin baka mainis ka na saken eh."

"Buti naman." Sarkastikong sambit ko.

"Tutal wala ka namang boyfriend pwede ba kitang ligawan?" Muntik na akong mabulunan dahil sa sinabi nya. Inabutan naman nya agad ako ng tubig at agad ko itong ininom.

"Ayos ka lang ba?" Tanong nya agad pagkatapos kong uminom ng tubig. Tumango lang ako bilang sagot.

"Sorry ah... pero hindi pa ako handang magmahal ulit."

"Ok lang naiintindihan ko. Alam ko namang hindi ka pa nakakamove-on sa ex mo." Nginitian ko sya.

"Alam mo naman pala eh... Bakit mo pa tinanong muntik na tuloy akong mabulunan." Reklamo ko sa kanya.

"Sorry na haha syempre nagbabakasakali lang ako na baka pumayag ka." Natawa ako sa sagot nya.

Nang mag-aalasingko na, nagpaalam na ako kay Niel na uuwi na dahil kailangan ko pang mag-intindi sa bahay. Tapos na naman pati kaming kumain.

"Niel uuwi na ako may gagawin pa kasi ako sa bahay." Paalam ko sa kanya at tumayo na ako.

"Sige." Nginitian ko lang sya bilang tugon. Tatalikod na sana ako nang magsalita ulit sya.

"Hatid na kita."

"Naku hindi na... baka kung ano pang isipin ng mga tao sa amin eh kapag nakita tayong magkasama. Salamat na lang."

"Sige sabi mo eh. Ingat sa pag-uwi." Nginitian ko lang sya at tumalikod na ako.

Pumara agad ako ng tricycle at sumakay. Wala pang thirty minutes nakarating na ako sa bahay. Hindi naman kasi sobrang layo ng Jollibee dito sa amin.

Pagkauwi ko naupo agad ako sa kama ko. Biglang nagring yung phone ko kaya kinuha ko iyon. Nakita kong si bes pala yung tumatawag kaya sinagot ko agad.

Finally, I Found YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon