Kabanata 46

1.4K 44 0
                                        

Dumiretso na kami sa kotse nya. Pinagbuksan nya pa ako ng pinto. Ang gentleman talaga ng MOB ko.

Napangiti ako at the same time kinikilig dahil sa simpleng effort nya. Pumasok na din sya sa kotse nya at pinaandar ito. Seryoso lang syang nagda-drive at hindi man lang ako kinakausap kaya ako na ang unang nagsalita.

"MOB kausapin mo naman ako." Nag-pout pa ako para kunwari nagtatampo talaga haha. Napatingin agad siya saken.

"Huh--- Ah eh sorry MOG." Para bang may malalim syang iniisip.

"Bakit kasi ang seryoso mo dyan tapos antahimik mo pa? Iniisip mo ba yung nangyari kanina?" Nagtatampong tanong ko.

Napabuntong-hininga muna sya bago sumagot.

"Oo MOG. Hindi ko kasi matanggap na pati si daddy magagawa yun satin."

"Huwag mo nang isipin yun please? Kalimutan na natin yun MOB. Ang mahalaga magkasama na tayo ngayon kahit ginawa nila yun." Tumingin sya saken sandali at ngumiti pero pilit at ibinaling na niya ang tingin sa kalsada.

Makalipas ng ilang minuto nakarating na rin kami sa tapat ng rental house ko. Ipinarada na niya ang kotse niya at nauna sya sakeng lumabas at pinagbuksan ako. Gentleman talaga ng MOB ko.

Binuksan ko na ang gate at pumasok na kami. Ako na din ang nagsarado.

Binuksan ko na ang pinto ng rental house at pumasok na kami. Si Clark naman ang nagsarado nung pinto.

"Dito muna lang ako intayin ihahanda ko lang ang mga gamit ko sa kwarto."

"Sige. Ilalagay ko na ba sa kotse yung mga appliances mo dito?"

"Hindi. Hindi saken ang mga yan. Sa may-ari yan ng bahay pinahiram lang saken. Yung lang mga gamit at pagkain sa kusina ang saken maliban sa ref."

"Okay. Sige ihahanda ko na din."

"Sige salamat MOB." Nakangiting tugon ko.

"Welcome MOG." Nakangiti ding tugon nya.

Dumiretso na ako sa kwarto at inumpisahan ko ng alisin ang mga damit ko sa cabinet at nilagay ko sa malaking bag. Nilagay ko na din ang mga hanger. Inalis ko na ang unan, kumot at cover ng kutson sa kama at nilagay ko na sa malaking bag. Nilulon ko ang kutson at tinupi bago talian. Inalis ko na din ang mga sapatos at sandals ko sa ilalim ng kama at nilagay sa isang kahon bago ilagay sa malaking bag. Kinuha ko na din ang beauty products ko pati cellphone accessories ko sa drawer at nilagay ko sa pouch at inilagay ko na sa malaking bag. Tinanggal ko na din ang pack bag, shoulder bag at sling bag ko sa pagkakasabit at nilagay sa malaking bag.

Wala na siguro akong nakalimutan.

Pagkatapos kong ihanda ang mga gamit ko dito sa kwarto t-in-ry kong buhatin ang malaking bag pero ang bigat. Mukhang kailangan ko ng tulong ni MOB. Lumabas muna ako ng kwarto dala ko lang ay yung kutson haha. Yun lang ang magaan eh at nagdiretso na ako sa kusina para puntahan si MOB. Pagdating ko sa kusina naabutan ko syang nilalabas na yung mga canned goods sa cabinet.

"MOB." Tawag ko sa kanya. Napalingon sya saken.

"Yes MOG?"

"Pakibuhat naman nung malaking bag sa kwarto hindi ko lang kayang buhatin."

"No problem MOG. Yun lang ba?"

"Oo MOB. Thank you." Nakangiting tugon ko.

"Welcome MOG." Nakangiti ding tugon nya at nagdiretso na sa kwarto.

Ipinatong ko muna yung kutson sa sofa sa sala bago bumalik ulit ako sa kusina. Nilagay ko na sa isang plastic yung mga canned goods. Wala na dito yung mga pinggan, kutsara, tinidor, kutsilyo pati mga kitchen ingredients kaya malamang naalis na niya ito. Ch-in-eck ko yung lagayan ng mga kaldero, kaserola at kawali kung inalis na din nya ang mga ito. Wala nang laman kaya napangiti ako.

Finally, I Found YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon