"Bakit mo kasama ang babaeng yan!?" Tanong ni Crystal kay New. May galit sa tono ng pananalita niya.
Tiningnan pa ako ni Crystal nang masama bago ulit tumingin kay New.
"Ano naman kung kasama ko sya? May masama ba?" Seryosong tanong ni New.
"Magkakilala kayo!?" Nagtatakang tanong ko kay New pero hindi nya ako pinansin. Nakaharap lang sya kay Crystal.
"Oo magkakilala kami dahil k---" Hindi na natapos ni Crystal ang sasabihin nya dahil naunahan na sya ni New.
"Tama na! Tara na nga Eloisa." Kinapitan nya ang kamay ko at hinila ako palabas. Naiwan namang naiinis ang mukha ni Crystal. Magkaano-ano kaya sila?
May parang kung anong kuryente akong naramdaman habang magkahawak ang mga kamay namin. Nasa parking lot na kami pero hindi pa din nya binibitawan ang kamay ko kaya nagsalita na ako.
"Ah yung kamay ko pwede mo nang bitawan." Nahihiyang sambit ko.
"Ah sorry." Binitawan na din nya ang kamay ko.
Nasa tapat na kami ng kotse nya at madilim na dito sa paligid.
"Tara na?" Sambit ko sa kanya. Tumango naman sya. Para syang may iniisip. Ano kaya ang iniisip nya?
Nauna na akong sumakay sa tabi ng driver's seat at sumakay na din sya. Pinaandar na nya ang kotse nya.
"Magkakilala kayo ni Crystal?" Tanong ko sa kanya.
"A-Ah oo."
"Magkaano-ano kayo?"
"Ahmmm p-pinsan ko sya."
"Ah." Napatango na lang ako. Bakit ganun na lang makareact si Crystal kung pinsan nya lang si New? Napapaisip tuloy ako.
Hinatid na niya ako sa rental house. Dumiretso agad ako sa kwarto at nahiga. Totoo kayang pinsan lang ni New si Crystal? Hayyys nadagdagan na naman ang isipin ko. Siguro hindi naman magsisinungaling saken si New diba?
"Makatulog na nga." Nasabi ko na lang sa sarili ko. Ayoko nang isipin yun dahil baka hindi lang ako makatulog eh may pasok pa ako bukas.
Pagkatapos kong mailock yung gate sa rental house hindi muna ako pumara ng taxi dahil hinihintay ko si New at baka dumating para libre ulit ako sa pamasahe haha.
10 minutes na akong naghihintay pero hindi pa din dumadating ang kotse nya kaya pumara na ako ng taxi dahil baka ma-late pa ako. Sayang hindi tuloy ako makakalibre ng pamasahe.
Pagkatapos ng departure ko sa Beanery naglakad-lakad muna ako. Hindi ko alam kung saan ako pupunta basta gusto ko lang maglakad. Parang may kung ano sa sarili ko ang nag-uudyok na huwag akong tumigil sa paglalakad dahil may matatagpuan ako.
Napahinto ako sa paglalakad nang mapatapat ako sa isang establishment na may pangalan sa taas na Suzara Homes. Pumasok agad sa isip ko na baka sila Clark ang may-ari nito.
May isang lalaki ang lumabas at nakilala kong si Jacob ito. Bigla kong naalala yung sinabi saken ni New.
"Ah... oo kilala ko sya. Employee kasi sya sa office namin."
Ito ba yung sinasabi ni New na office nila? Ibig sabihin Suzara siya?
Papunta na si Jacob sa parking lot kaya tinawag ko sya.
"Jacob!"
Hindi nya yata ako narinig dahil hindi nya ako nilingon kaya agad akong lumapit sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/125440624-288-k75612.jpg)
BINABASA MO ANG
Finally, I Found You
Roman d'amourNaranasan mo na bang masaktan, umasa, paasahin, maloko, lokohin, mag-assume, maging feelingera lalo na ang umiyak sa isang lalaki? 'Yong mag-assume na may gusto din sayo 'yong taong gusto mo? 'Yong mag-assume na mahal ka din ng taong mahal mo? Lahat...