CHAPTER 13

1.4K 57 0
                                        

Tiningnan ko si Clark. Nakatingin siya sa semento. Halatang nasasaktan siya sa nakikita niya. Napayukom ang kamay niya.

"Clark, bakit sila magkasama?" Nagtataka kong tanong. "Si Jacob ba ang ipinalit sa 'yo ni Trixie?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Tumango lang siya.

"Ano!? Eh, 'di ba magkaibigan kayo ni Jacob? Paano niya nagawa 'yon?"

"Ganiyan na ang nagagawa ng pag-ibig. Walang kaibi-kaibigan,"

"Ganoon!"

"Kinalimutan na niya ang aming pagkakaibigan..."

"At ganoon din ako," Dagdag pa niya.

"Grabe naman! Pero, 'di ba nagmamahalan kayo ni Trixie, paano ka niya nagawang ipagpalit?

"Ewan ko sa kanya. Siguro hindi na nga niya ako mahal," Tumingin siya sa akin. "Hindi naman ako nagkulang!" Naiiyak na siya. Hinimas ko ang likod niya.

"Hayaan mo na, Clark. Kung doon siya masaya, eh!"

"Hahayaan ko na nga lang sila,"

"Tara na," Yaya ko sa kanya. Naglakad na kami. Makakasalubong na namin sila Trixie at Jacob. Nagulat si Trixie at si Jacob nang makita kami. May bigla naman akong naisip para ipamukha sa babaeng ito na may bago na din ang Clark niya. Bumulong ako kay Clark.

"Mag-holding hands tayo,"

"Huh? Bakit?" Nagtataka niyang tanong.

"Basta," Kinindatan ko pa siya.

"Okay," Nag-holding hands na kami. Halata namang nagulat si Trixie sa  kamay naming magka-holding hands.

"Baby,  thank you! Napasaya mo ako sa araw na 'to. Ang swerte-swerte ko talaga sa 'yo. I love you!" Malambing na sambit ko kay Clark at bumulong sa kanya.

"Ipakita mo sa kanya na may bago ka na din,"

"Sige," Mahinang tugon niya.

"Welcome, baby! Basta, ikaw. Ang swerte-swerte ko din sa 'yo kasi nakilala kita. I love you too!" Malambing niya ring tugon at k-in-iss ako sa pisngi. Tumingin ako kay Trixie. Inirapan niya lang ako. Nagseselos yata ang malandi. Ano ka ngayon!

"Nakita mo ba ang reaksyon ni Trixie kanina?" Tanong ko kay Clark nang makarating kami sa parking lot.

"Hindi, eh. Hindi naman kasi ako tumingin sa kanya,"

"Ay, sayang. Kung nakita mo lang, naku, matatawa ka,"

"Bakit?"

"Halata kasing nagseselos," Natatawa kong tugon.

"Ganoon. Sayang, hindi ko nakita,"

"Oo nga, eh. Hayaan mo na," Humarap sa akin si Clark. Tiningnan niya ako nang seryoso.

"Eloisa, salamat, ha,"

"Para saan?"

"'Yong kanina,"

"Ah. Wala 'yon,"

"Gusto mo, totohanin na natin?" Biro ko pa sa kanya. Natawa naman siya.

"Pwede," Natawa naman ako.

Sumakay na kami ng kotse. Paaandarin na sana ni Clark ang kotse kaso ayaw mag-start.

"Bakit ayaw mag-start?Anong nangyari?"

"Ewan ko nga. Imposible namang ubos na ang gasolina nito kasi kakapagpakarga ko lang kanina. Wait lang, ah, may titingnan lang ako,"

Finally, I Found YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon