Kinabukasan maaga akong nagising... 3:30 pa lang gising na ako haha! Tumulog ulit ako at nang magising ako sakto namang 5:00 AM na kaya naghanda na agad ako para sa pagpasok. Medyo muntik na nga akong malate kasi pagdating ko sa labasan wala na akong makitang tricycle na sasakyan ko dahil nakaalis na lahat buti na lang may dumaan pang tricycle sa harap ko kaya nasolve na ang problema ko haha! Thank you Lord!
Nung magrecess na hinihintay kong puntahan ulit ako nila Patricia at Mark para magrecess pero hindi sila dumating. Baka naman busy lang sila?
Hindi na rin ako nagrecess kasi hindi pa ako tapos sa ginagawa kong seat work.
Nung maglunch break na hinintay ko ulit sila na pumunta sa classroom namin pero hindi pa rin sila pumunta. Siguro sobrang busy lang talaga nila.
Nakisabay na lang ako sa mga kaklase ko sa pagkain ng lunch.
Nung hapon naman hinintay ko ulit sila na puntahan ako para umuwi na pero halos mamuti na ang mata ko sa kahihintay... ni anino man lang nila hindi ko makita kaya tiningnan ko na sila kung nasa classroom pa ba sila pero pag tingin ko wala na. Nakauwi na ba sila?
Itinanong ko na sila sa isa nilang kaklase kung nakauwi na ba sila.
"Ahmmm Ate nakauwi na ba sila Mark at Patricia?" Tanong ko sa isang babae na kaklase nila.
"Ah oo kanina pa, bakit?" Hindi ako makapaniwala sa sinabi ng kaklase nila at bigla akong nalungkot. Ngayon lang ako nagawang iwan ni Patricia huhuhu! Bakit parang pansin ko iniiwasan ako ni Patricia at ni Mark? Bakit naman nila ako iiwasan may nagawa ba silang kasalanan sa akin? Sa pagkakaalam ko wala naman.
Mag-isa tuloy akong umuwi. Malungkot ako ngayon at the same time may part sa sarili ko na naiinis dahil sa pag-iwan nila saken.
Haysss hindi ko inakala na magagawa nila saken na iwan ako lalo na si Patricia na bestfriend ko. First time nyang ginawa saken 'to. Siguro naman hihingi sila ng sorry dahil sa pag-iwan nila saken huhuhu!
Kinabukasan maaga akong pumasok. Nadatnan ko naman ang mga kaklase ko na iba-iba ang ginagawa. May nagkwekwentuhan, nagcecellphone, naglalaptop, nakikinig ng music at yung iba may pinapanuod sa cellphone nila. Ewan ko kung ano yung pinapanuod nila hahaha!
Umupo na ako at may narinig akong dalawa kong kaklase na nagchichismisan.
"Magjowa na daw si Patricia at Mark." Nalulungkot na sabi nung isa kong kaklase sa katabi nya. Biglang nanlaki ang mata ko sa narinig ko. Hindi! Hindi totoo ang sinabi nya! Hindi magagawang agawin ni Patricia sa akin si Mark. HINDI!
May gusto din yata kay Mark itong kaklase ko. Hindi lang pala ako ang may gusto sa kanya.
"Paano mo naman nalaman?" Tanong ng kausap nya.
"Narinig ko sa pag-uusap nung mga kaklase niya. Buong kaklase pala nila alam yon." Malungkot pa din na tugon ng kaklase ko. OMG! So totoo!?
Gusto ko ng maiyak sa nalaman ko. Bakit hindi nila sinabi sa akin at kailangan ko pa talagang malaman sa iba!? Bakit sila naglihim saken lalo na si Patricia BAKIT!? Kaya pala hindi na nila ako pinupuntahan kapag recess at lunch break kasi iniiwasan nila ako! Paano mo nagawa saken 'to Patricia!? PAANO!?
Nung magrecess na hinintay ko ulit sila na puntahan ako sa classroom pero hindi pa din sila pumunta maging nung maglunch break na wala pa ding Patricia at Mark na pumupunta sakin.
Hindi ko tuloy mapigilan na makaramdam ng galit sa kanila.
Nung hapon maaga akong umuwi kasi alam ko namang wala akong kasabay pauwi. Huhuhu! Nag-iisa na naman ako.
Linggo na ngayon kaya magsisimba muna ako para naman mabawasan man lang ang mga kasalanan ko haha! Baka nag-uumapaw na sa dami ang kasalanan ko eh haha!
BINABASA MO ANG
Finally, I Found You
RomanceNaranasan mo na bang masaktan, umasa, paasahin, maloko, lokohin, mag-assume, maging feelingera lalo na ang umiyak sa isang lalaki? 'Yong mag-assume na may gusto din sayo 'yong taong gusto mo? 'Yong mag-assume na mahal ka din ng taong mahal mo? Lahat...
