Pumasok na kami sa rental house at isinara ko na ang pinto.
"Dyan ka muna kukuha lang ako ng tuwalya at damit mo." Basa kasi ang buhok nya pati ang damit nya kaya kahit naiinis ako sa lalaking ito pahihiramin ko sya ng tuwalya... Yung damit lang ang problema. Wala naman akong panlalaking damit eh so anong ipapahiram ko sa kanya?
Umupo siya sa couch. "Sige thank you."
Nagtungo na ako sa kwarto ko at binuksan ang cabinet ko. Kinuha ko yung isa ko pang tuwalya at naghanap pa ako ng damit na pwedeng ipasuot sa mokong na yun.
Nakita ko yung red shirt ko na small ang size. Siguro kasya na to sa kanya. Tinanggal ko na iyon sa hanger at nagpunta na ako sa sala.
"Oh magpatuyo ka muna ng buhok at magpalit. Buti na lang may damit akong kakasya sayo." Inabot ko na sa kanya yung hawak kong tuwalya at red shirt.
"Okay thank you."
"Marunong ka naman palang magpasalamat eh." Sarkastikong tugon ko. Natawa lang sya sa sinabi ko.
Nagulat ako nang bigla nyang hinubad ang basa nyang suot na polo shirt sa harapan ko.
Hindi ko maiwasang mapatingin sa katawan nya. Maganda ang katawan nya at gaya ni Clark may 6 pack abs din sya whoah pinagpala din sya. Napaiwas agad ako ng tingin nang mahuli nya akong tinitingnan ko syang magbihis.
"Attract with my body?" Nanunuksong tanong nya.
"Hindi noh... at bakit ka ba sa harap ko nagbihis? Sinadya mo yun noh? Sinadya mong ipakita abs mo?" Natawa siya.
"So tiningnan mo abs ko?" Natatawang tanong niya.
" Oo... napatingin ako eh pero hindi ako naattract ah."
"Defensive."
"Anong defensive ka dyan... Dyan ka na nga." Nagdiretso na ako sa kusina at naghanda ako ng dalawang cup noodles para pampainit ngayong umuulan.
"Oh kainin mo muna 'to pampainit." Inabot ko sa kanya yung isang cup noodles with tinidor at tinanggap naman nya ito.
"Thanks." Nakangiting sambit nya.
Umupo na ako sa couch na inuupuan nya pero isang ruler ang agwat sa kanya at nagsimula na akong kumain ng cup noodles.
"You live here alone?" Tanong nya.
"Oo bakit?"
"Nothing."
"Nga pala nasan na yung mataray mong girlfriend? Bakit hindi mo siya kasama?" Hanggang ngayon di pa rin nawawala ang inis ko sa babaeng yun.
"I don't know. I left her outside the mall."
"Huh iniwan mo siya? Anong klaseng kang boyfriend nang-iiwan ka pala." Natatawang sambit ko. Haha kawawa naman yung girlfriend nya.
"Because I don't care anymore to her. We're over."
"Hahahahaha."
"Why you're laughing?"
"Nakakatawa kasi eh... Hahaha kanina lang ang sweet sweet nyo tapos ngayon break na agad kayo diba nakakatawa yun hahaha." Hindi ko talaga mapigilang matawa. Kawawa naman yung babae nakarma agad sa ginawa saken hahaha.
"Bakit kayo nagbreak?" Natatawang tanong ko.
"I just want to break her."
"Bakit nga?"
"Just nothing."
"Ganun? Wala lang yun? Hahaha heart breaker ka pala eh. Kawawa naman si ate girl."
![](https://img.wattpad.com/cover/125440624-288-k75612.jpg)
BINABASA MO ANG
Finally, I Found You
RomansaNaranasan mo na bang masaktan, umasa, paasahin, maloko, lokohin, mag-assume, maging feelingera lalo na ang umiyak sa isang lalaki? 'Yong mag-assume na may gusto din sayo 'yong taong gusto mo? 'Yong mag-assume na mahal ka din ng taong mahal mo? Lahat...