CHAPTER 15

1.4K 47 0
                                        

Nang makarating na kami sa kotse niya ay pinagbuksan niya ako ng pinto sa tabi ng driver's seat. Magkakatabi na naman kami!

Habang nagbibiyahe kami ay amoy na amoy ko ang pabango niya. Ang sarap amuy-amuyin!

Wala pang kalahating oras ay nakarating na din kami sa aming pupuntahan. Huminto kami sa isang second floor house. Ang daming naka-park na kotse sa labas nito. Ip-in-ark na ni Clark ang kotse kasama ng iba pang sasakyan.

Nauna siyang bumaba at pinagbuksan na naman niya ako ng pinto ng kotse niya. Ang gentleman talaga niya. Bakit kaya nagawang ipagpalit ni Trixie ang ganitong ka-gentleman na si Clark?

"Salamat," Bungad ko sa kanya pagkababa ko.

"Walang anuman,"

Kinuha niya ang isa kong kamay at isinabit sa braso niya at naglakad kami papasok sa mansion. Lihim akong kinilig sa ginawa niyang iyon.

Nang makapasok kami sa loob ay labis akong namangha sa ganda ng decoration. Violet ang motif. Nahati sa dalawang side ang mga table. Malawak ang gitna na magiging dance floor. May red carpet din sa gitna. May isang bangko sa stage na napakabongga na magiging upuan ng debutant at may napakalaking LED screen sa likod nito. Naka-flash dito ang mukha ng debutant kasama ang pangalan niya. Ang ganda niya.

Marami nang nakaupo sa right at left side pero may mga bakante pa naman. Naghanap na kami ng mauupuan. May nakita namang kakilala si Clark sa left side at saktong may dalawa pang bakanteng upuan doon kaya doon na lang kami umupo. Bale apat na ang nakaupo dito. Dalawang babae at lalaki. Halatang mga mag-dyowa. Napatingin ako sa dalawang babae kaya nahihiyang nginitian ko sila. Nginitian din naman nila ako.

"Clark, girlfriend mo?" Tanong ng isang lalaki dito.

"H-Hindi. K-Kaibigan ko lang," Oo na, Clark!

"Ah, okay,"

"Siya nga pala si Eloisa," Nahihiyang nginitian ko lang sila.

Nang mapatingin ako sa right side ay nahagip ng mata ko sila Trixie at Jacob habang nakikipagtawanan sa mga ka-table nila.

Mayamaya pa ay tumayo na kami at pumalakpak dahil lumabas na ang debutant. Ang ganda niya. Bagay na bagay sa kanya ang blue gown na suot niya. Nagsimula na ang program. Sinimulan ng prayer, national anthem at iba pa. Pagkalipas ng isang oras ay in-announce ng speaker na kumain muna ang lahat. Niyaya naman ako ni Clark papunta sa mga nakahandang pagkain. Ang daming pagkain dito. Mukhang masasarap lahat. Kumuha ako ng mga nagustuhan kong pagkain. Halos mapuno na ang pinggan ko sa dami ng kinuha ko tapos may salad pa ako sa baso.

"Kaya mo pa ba 'yan dalhin?" Natatawang tanong sa ni Clark habang nakatingin sa hawak ko. Nahiya tuloy ako. Baka isipin niyang ang takaw-takaw ko.

"A-Ah oo naman. Sorry, ah, napadami ang kuha ko,"

"Mukha nga," Natatawa pa ring tugon niya. "Ako na nga ang magdadala nitong isa at baka mahulog pa," May kasamang pang-aasar sa tono niya. Kinuha niya ang basong hawak ko.

"Oo na," Natawa siya. Bumalik na kami sa table namin at kumain na. Sa dami ng kinain ko ay bigla akong nakaramdam na tinatawag ng kalikasan. Oh, no!

"Ahm... Clark," Nag-angat siya ng tingin sa akin.

"Bakit?" Bumulong ako sa kanya.

"Saan ang CR dito? Samahan mo naman ako," Humagikhik siya.

"Natatae ka 'no? Ang dami mo kasing kinain," Nang-aasar na bulong niya.

"Oo na. Tara na," Napahagikhik ulit siya bago nagpaalam sa mga ka-table namin.

"Sige, doon mo na lang ako hintayin," Sambit ko kay Clark nang nasa tapat na kami ng CR.

"Okay, sige," Agad akong pumasok sa CR. Pagkatapos ng kalahating oras ay nakalabas na din ako. Success!
Pabalik na ako sa table namin nang bigla kong makasalubong si Trixie. Hinarap niya ako.

"Owww! Look who's here!" Tinaasan niya ako ng kilay at pinagkrus pa niya ang mga braso.

"Eh, ano naman sa 'yo kung nandito ako? Bakit, bawal ba?"

"Ahm... hindi naman," Umikot pa siya sa likod ko at lumapit sa tainga ko. "Hindi ka lang kasi bagay dito," Bulong niya. Bigla namang uminit ang dugo ko. Hinarap ko siya.

"Wala naman talaga akong balak na pumunta dito, eh. Isinama lang ako ni Clark. Ng EX MO!"

"Okay. Pero kahit magsuot ka pa ng mamahaling damit at lagyan ng make up 'yang pagmumukha mo, mukha ka pa ring katulong," Tumawa pa siya nang nakakainsulto. Sinamaan ko siya ng tingin. Mukhang nadala naman siya sa tingin ko dahil bigla siyang tumigil sa pagtawa.

"O, huwag kang magalit. I'm just telling the truth,"

"Truth mo mukha mo! Ano bang problema mo sa akin, ha!?"

"Kasi malandi kang babae ka!"

"Wow! Ako pa ngayon ang malandi! Bakit hindi mo kaya 'yan sabihin sa sarili mo!" Lumapit ako sa mukha niya. "Sino ba ditong ipinagpalit ang ex niya sa kaibigan nito? Ikaw, 'di ba!?" Singhal ko sa mukha niya.

Akma niya akong sasampalin pero agad kong nahawakan ang kamay niya. Mahigpit ko iyong hinawakan.

"Subukan mo lang na ilapat ang kamay mo sa mukha ko, siguradong doble pa ang sampal na makukuha mo!" Gigil na sambit ko sa kanya at pabastang ibinaba ang kamay niya. Iniwan ko siyang naiinis.

Parang walang nangyari na bumalik ako sa table namin. Wala dito si Clark pati ang dalawang lalaki. Dalawang babae lang ang nadatnan ko. Nakita ko si Clark sa gilid ng stage kasama ng mga lalaki na may hawak na red rose. Kasama pala siya sa 18 roses. Isa-isa nilang sinayaw ang debutant.
Sa huling bahagi ng program ay may nag-serve sa bawat table ng dalawang bote ng wine. Hindi pa ako nakakaranas uminom nito kaya hindi ko palalampasin na matikman ito. Sinimulan na namin itong inumin. Maraming beses akong uminom nito pero hindi pa naman ako lasing. Napansin ko na nagulat si Clark nang sunod-sunod na ang pagtagay ko. Medyo bumibigat na ang ulo ko at gusto nang pumikit ng mga mata ko.
Natapos na ang inuman. Tumayo na ako pero muntik na akong matumba. Mabuti na lang at naalalayan agad ako ni Clark. Inalalayan niya ako hanggang makapasok kami sa kotse niya.

"Hindi ko alam na malakas ka palang uminom," Biro sa akin ni Clark.

"Ang sarap kasi niyong wine kaya naadik akong uminom," Tumingin ako sa kanya. Natawa siya. Gusto na talagang pumikit ng mga mata ko. Nakasandal ako sa inuupuan ko.

Hindi ko na talaga kinaya at pumikit na nang tuluyan ang mga mata ko. Matutulog muna ang lasing.

Finally, I Found YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon