Nung mag lunch break na napansin kong medyo madaming transferee na Senior High. May nakikita akong mga lalaking transferee pero iilan lang ang gwapo haha!
Naglalakad ako sa hallway ng sa di inaasahan bigla akong natapilok. Aray! Ang sakit ng paa ko huhuhu! Muntik na nga akong matumba pero nagulat ako nang may biglang umalalay sa akin. Isang lalaki na nakasalamin, maputi at medyo matangkad sya at pogi rin Kyaaah! Buti na lang at natapilok ako hahaha dahil tinulungan naman ako ng nerd but handsome na lalaking ito haha!
Inalalayan nya ako sa pamamagitan ng paghawak nya sa kaliwa kong kamay.
"Salamat." Nakangiting sambit ko sa kanya. Ngumiti lang sya sa akin at tumalikod na.
Ang gwapo nya myghad! At ang helpful pa mukhang may bago na naman akong crush haha! Kawawa naman si Fafa Clark ko may kahati na sa puso ko haha! Joke! crush ko lang yung lalaking tumulong saken pero si Clark love ko haha!
Tiningnan ko lang na umalis yung mabait na lalaking tumulong saken. Humabol pa ako ng tingin sa kanya hanggang sya ay makalabas na ng gate.
Ano kayang pangalan niya? Saang strand kaya sya? I want to know his name haha!
Pinuntahan naman ako ni Patricia sa room ko at sabay kaming kumain. Tanungin ko kaya sa kanya kung may kaklase syang lalaki na nakasalamin slash yung tumulong sa akin. Malay natin baka kaklase nya o kilala niya diba? Hindi naman masama magtanong hahaha!
"Ahmmm Patricia may kaklase kabang nakasalamin na maputi at medyo matangkad?" Nahihiyang tanong ko sa kanya.
Bigla naman syang napangiti. Yung ngiting uulitin ka sa crush mo.
"Meron bakit? Yieee crush mo noh?" Natatawang tugon niya.
"Hindi man tinatanong ko lang. Tinulungan nya kasi ako kanina nung muntik na akong matumba." Pangtanggi ko pa.
Tiningnan nya naman ako na parang hindi naconvinced sa sinabi ko.
"Weh? Hindi mo crush?" Parang hindi naniniwala na tanong niya. Sabihin ko na nga lang.
"Slight lang hehehe." Natawa naman sya sa sinabi ko. Ayaw kong maglihim sa kanya kaya sinabi ko na.
"Yieee. Ikaw ha pumapag-ibig ka na."
"Hindi naman... crush lang." At pareho kaming natawa sa sinabi ko. Totoo naman eh crush ko lang sya samantalang si Clark love ko na hahaha! Sino ang pipiliin ko sa kanilang dalawa? Si Clark o si kuyang nakasalamin na tumulong saken? Tulungan nyo akong magdecide haha!
"Anong pangalan niya?" Tanong ko kay Patricia.
"Mark Gonzalez yieee." Panunukso nya pa saken.
"Salamat. Buti na lang tinanong ko agad sayo at nalaman ko agad." Natutuwang tugon ko sa kanya.
"Kaclose mo ba?" Tanong ko pa sa kanya.
"Tangi close agad? First day of school pa lang ha! Tsaka transferee din pala yun."
"Oo hahaha."
"Tulungan mo naman kaming maging close." Pakiusap ko pa sa kanya.
"Sige try ko munang maging close kami para mapaglapit ko kayo."
"Yieee salamat ang bait talaga ng bestfriend ko." Natutuwang tugon ko sa kanya. Natawa naman sya sa sinabi ko.
Bumalik na din sya sa classroom nila. Nagsimula na ang klase ngayong panghapon hanggang sa matapos ang panghuli nito.
Pinaglinis muna kaming lahat bago palabasin ng classroom. Wala pa kasing nakaassigned na cleaners para sa araw na ito kaya kaming lahat muna ang pinaglinis.
BINABASA MO ANG
Finally, I Found You
RomanceNaranasan mo na bang masaktan, umasa, paasahin, maloko, lokohin, mag-assume, maging feelingera lalo na ang umiyak sa isang lalaki? 'Yong mag-assume na may gusto din sayo 'yong taong gusto mo? 'Yong mag-assume na mahal ka din ng taong mahal mo? Lahat...
