Pinuntahan ko agad si Tita Charlene sa kusina para magpaalam na may emergency akong kailangang puntahan.
"Ahmm Tita alis lang po ako saglit. Promise po babalik po ako agad." Pagpapaalam ko agad kay Tita at tumalikod na agad ako.
"Teka san ka-----" Hindi na natapos ni Tita Charlene ang sasabihin niya dahil dali-dali na akong lumabas ng bahay. Pasensya na Tita Charlene nagmamadali lang talaga ako.
Pumara agad ako ng taxi at mabilis na nakasakay dahil mag-aalasais y media pa lang. Labis ang kabang nararamdaman ko ngayon.
Habang nakasakay ako hinihiling ko na sana okay lang si Clark. Sana walang nangyaring masama sa kanya dahil kung meron hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko! Nabangga na nga siya eh hindi pa ba masamang nangyari yun sa kanya? Pageechos ng boses sa utak ko.
Bumaba agad ako pagkahinto pa lang ni Manong dito sa Manila General Hospital.
Dali-dali akong pumasok sa loob ng ospital at agad na nagtanong sa babaeng nakaassigned sa front desk nitong ospital.
"Miss ano pong room number ni Clark Suzara?" Tanong ko agad dito sa babae.
"Wait lang Ma'am tingnan ko lang po." May tiningnan sya na parang isang record book bago ulit nagsalita.
"Room 146 po Ma'am."
"Sige po salamat." Agad kong hinanap yung sinabing room number nung babae.
Nang mahanap ko na yung sinabing room number nung babae nasa tapat pa lang ako nito sobrang lakas na ng kabog ng dibdib ko. Pipihitin ko na sana yung door knob nung pinto pero nagdadalawang isip pa ako kung papasok ba ako o hindi. Ano ba yan Eloisa ngayon ka pa nagdalawang isip ngayong nandito ka na! Giit pa ng boses sa utak ko.
Sa huli pinihit ko na din yung door knob sa kagustuhan kong makita si Clark. Pagbukas ko ng pinto nagulat ako dahil nandito ang pamilya ni Clark sila Ma'am Precila, Sir Victor, Ate Crystia at Crystal. Napatingin agad sila saken. Ang sama ng tingin nila saken maliban lang kay Sir Victor. Nakayakap si Ma'am Precila kay Sir Victor habang umiiyak ito.
Para naman akong naistatwa sa kinatatayuan ko dito sa may pinto dahil hindi ko maigawang ilakad ang paa ko palapit sa kanila.
Kumalas na sa pagkakayakap si Ma'am Precila kay Sir Victor at biglang lumapit saken. Nagulat ako sa biglaang ginawa nya. Sinampal nya ako!
Napahawak ako sa pisngi kong ngayon ay namumula na. Ang sakit! Ang sakit pa lang masampal!
"Ang kapal naman ng mukha mong magpunta dito pagkatapos ng nangyari sa anak ko!" Sigaw niya saken.
Napayuko ako sa hiya. May namumuo ng luha sa mata ko.
"S-Sorry po gusto ko lang po talagang makita si Clark." Nang iangat ko na ang ulo ko nakita ko ang nagngangalit na mukha ni Ma'am Precila.
"Wala kang karapatang makita ang anak ko!" Sasampalin nya sana ulit ako buti na lang at agad na nagsalita si Sir Victor na ngayo'y nasa tabi na ni Ma'am Precila.
"Tama na yan hon she's innocent." At niyakap ni Sir Victor si Ma'am Precila para pakalmahin.
Sinulyapan ko ang kinaroroonan ni Clark. Parang unti-unting nadudurog ang puso ko sa kalagayan nya ngayon. Ang dami nyang sugat sa mukha at sa braso habang walang malay. Hindi ko kayang makita siyang ganyan. Lalapit sana ako sa kinaroroonan nya nang bigla akong harangan nila Ate Crystia at Crystal at hinawakan nila ako sa magkabila kong braso. Ang higpit ng hawak nila saken para bang gusto na nilang durugin ang mga buto ko.
"Wala kang karapatang lapitan si Clark! Dahil sayo kaya sya nagkaganyan!" Galit na sambit ni Ate Crytal. Kinaladkad nila ako palabas at isinara ang pinto.
BINABASA MO ANG
Finally, I Found You
RomanceNaranasan mo na bang masaktan, umasa, paasahin, maloko, lokohin, mag-assume, maging feelingera lalo na ang umiyak sa isang lalaki? 'Yong mag-assume na may gusto din sayo 'yong taong gusto mo? 'Yong mag-assume na mahal ka din ng taong mahal mo? Lahat...
