Kabanata 47

1.4K 49 1
                                        

"MOG ito na." Masayang salubong saken ni Clark sabay abot saken nung pregnancy test.

"Hindi ka naman excited nyan?" Sarkastikong tanong ko.

"Hindi lang excited MOG super excited pa. Sige na i-try mo na." Sabay tulak saken papasok sa cr at sinarado ang pinto.

"Bilisan mo dyan ah. Excited na akong makita ang resulta." Sabi nya mula sa labas.

"Oo na."  Tugon ko mula sa loob ng cr.

"Sige. Iintayin na kita dito."

"Sige."

Binuksan ko na yung lalagyan ng pregnancy test at inilabas ko na ang nasa loob nito. Umihi na ako at isinahod ko yung parang dropper para malagyan. Pagkatapos ipinatak ko na sa bilog ng hawak kong hugis rectangle na kulay puti.

Sabi dito sa instruction kailangan ko munang mag-intay ng 5 minutes bago makita ang resulta kaya nag-intay ako ng 5 minutes. Pagkatapos ng limang minuto nakita ko na din ang resulta. Laking tuwa ko nang dalawa ang pula. It means positive. Buntis ako!

Agad na tinawag ko si Clark.

"MOB!" Masayang tawag ko sa kanya.

"Oh MOG ano? Positive ba?" Excited na tugon ni MOB.

"Oo MOB." Masayang tugon ko mula sa loob ng cr.

"Yes! Magiging tatay na ako! Thank you Lord!" Rinig kong sabi nya.

Napangiti ako sa sinabi nya. Sinalubong niya agad ako ng yakap paglabas ko ng cr.

"MOG I'm so happy magkakaanak na tayo." Masayang sabi nya.

"Ako din MOB." Masayang tugon ko sa kanya at niyakap ko din sya.

"MOG kailangan na nating madaliin ang kasal para mapaghandaan natin ang panganganak mo."

"Oo nga MOB. Edi kailangan na nating ipaalam ito kila nanay at tatay pati sa mommy at daddy mo."

Biglang lumungkot ang mukha niya pagkatapos kong banggitin ang mommy at daddy niya.

"MOG sa nanay at tatay mo muna natin ipaalam."

"Sige pero ipapaalam na din natin sa family mo pagkatapos?"

"Sige ita-try ko."

Biglang may nag-door bell sa labas kaya napakalas kami sa pagkakayakap.

"Wala naman akong ini-expect na pupunta dito sino naman kaya yun?"

"Baka si mommy mo. O di kaya sila ate Crystal mo." Bigla namang kumunot ang noo niya sa sinabi ko.

"Ano namang gagawin nila dito!? Paghihiwalayin na naman tayo!?" Naiinis na sabi niya.

"Kumalma ka muna MOB. Mabuti pa pagbuksan muna natin kung sino man yun para malaman natin."

"Okay."

Sabay kaming naglakad papunta sa sala.

"Ako na lang ang magbubukas MOG. Diyan ka na sa sofa."

"Sige." Umupo na lang ako sa sofa.

Binuksan na ni MOB yung pinto. At tama nga ako sila Ma'am Precila ang dumating kasama ang asawa nito at sila ate Crystal at ate Crystia.

"Anong ginagawa nyo dito!?" Salubong agad ni MOB sa kanila. Napatayo ako sa pagkakaupo at nilapitan si MOB.

"Calm down anak. Nandito kami para humingi ng tawad sa inyong dalawa. Pwede nyo ba kaming pagbigyan?" Mahinahong tanong sa amin ni Sir Victor.

"Syempre naman po." Napatingin saken si Clark.

Finally, I Found YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon