CHAPTER 11

1.5K 53 1
                                        

Hindi mawala ang ngiti ko habang pabalik sa kusina sa likod. Ang sarap pala sa pakiramdam na napapangiti mo 'yong taong gusto mo.

"O, bakit ang lapad ng ngiti mo diyan?" Bungad sa akin ni Angela pagdating ko sa kusina sa likod.

"Wala. Masaya lang ako,"

"Weh? Baka naman may gusto kang ikwento,"

"Tungkol naman saan?"

"Saan pa, edi tungkol sa pagpunta mo sa kwarto ni Clark. Anong nangyari? Ang tagal mo, eh,"

"Wala. Nag-usap lang kami,"

"Anong pinag-usapan niyo?"

"Ikaw talaga, ang chismosa mo,"

"Ganoon talaga. Ikwento mo na lang kasi,"

"Sige na nga,"

"Tinanong ko siya kung may problema siya. Sabi niya naman wala, kahit halata namang meron,"

"Paano namang halata?" Natatawa niyang tanong.

"Halata sa mukha niya. Malungkot kasi siya,"

"Ah, o, tapos?"

"Sinabi ko sa kanya na nakita ko si Trixie kanina---"

"Talaga!? Nakita mo kanina!? Bakit hindi mo sinabi sa akin?"

"Nauna ka na kasing maglakad. Ituturo ko sana sa 'yo,"

"Ah, okay. Saan mo nakita? May kasama ba?"

"Nakita ko siya sa isang café. Oo, may kasama siya, lalaki. Kausap niya sa loob ng café. Para ngang pamilyar sa akin, eh. Hindi ko lang namukhaan dahil nakatalikod,"

"Ah,"

Tapos ng kumain ng hapunan ang pamilya Suzara nang tawagin kaming tatlo ni Ma'am Precila.

"Pupunta kaming lahat bukas sa Boracay. Doon kasi ise-celebrate ang anniversary ng business namin. Kayo na muna ang bahala dito, ha?"

"Opo, Ma'am," Sabay-sabay naming tugon.

"Maaga kaming aalis bukas kaya dapat 4:00 am ay gising na kayo. Okay?"

"Okay po," Tugon namin.

Kinabukasan, maaga kaming gumising. Kagaya ng sabi ni Ma'am Precila, 4:00 am pa lang ay gising na kami. Inilagay namin ang kanilang mga maleta sa likod ng kotse nila. Nagtaka ako nang mapansin kong apat lang ang maleta. Dapat ay lima ito.

"Bakit aapat lang itong maleta? 'Di ba dapat lima ito?" Nagtatakang tanong ko kay Angela.

"Ewan ko. Baka may isang hindi sasama. Malay mo si Clark,"

"Sana nga,"

"Landiii,"

"Hindi naman. Slight lang," Natawa si Angela.

"At least malandi pa rin,"

"At least hindi naman masyado," Natatawa kong tugon.

"Oo na,"

Nang papunta na sila dito sa kotse ay napansin kong hindi nila kasama si Clark. So, hindi nga siya kasama. Bakit kaya? Umalis na sila.

Nadatnan ko sa kusina sa likod si Nanay Fe na naghahanda ng chicken fillet ni Clark.

"Nanay Fe, ako na po ang magluluto ng chicken fillet ni Clark,"

Finally, I Found YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon