After 8 months...
Pauwi na kami ni MOB galing kina mom and dad nang biglang sumakit ang tiyan ko.
"MOB ang sakit ng tiyan ko!" Daing ko sa kanya.
"Manganganak na yata ako!" Nakita kong nilabasan na ako ng panubigin.
"Calm down MOG, wait a minute we'll go to the nearest hospital."
"Sige, bilisan mo na."
"Okay, don't be panicked." Pagpapakalma nya pa sa'kin.
Binilisan na ni MOB ang pagmamaneho at mabilis kaming nakarating sa hospital. Agad nya akong binuhat at inihiga sa higaan. Dali-dali akong dinala sa emergency room ng mga babaeng nurse. Naiwan si MOB sa labas ng ER.
CLARK's POV
"Hanggang dito na lang kayo, Sir. Kami na po ang bahala sa asawa nyo." Sambit sa'kin ng isang nurse na humarang sa'kin papasok sa ER.
"Okay. Just be sure that my wife and our baby will be safe."
"Yes, Sir." Isinara na nya ang pinto ng ER kaya ang tanging nagawa ko na lang ay umupo at magdasal para sa successful na panganganak ni MOG.
Lord, wish ko na hindi mahirapan sa panganganak si MOG. Sana malusog si baby.
ELOISA's POV
"Ma'am iri lang po, wag po kayong sisigaw." Sinunod ko ang sinabi nung midwife. Umiri nga ako. Buong lakas ang inialay ko sa iring yun.
Pagkatapos ng ilang sandaling pag-iri ko, sa wakas lumabas na din ang anak ko.
"Uhaaa... uhaaa." Yan ang unang lumabas sa bibig ni baby.
"Congratulations Ma'am, he's a boy." Sambit nung midwife at ipinakita sa'kin ang anak ko.
Napangiti ako kay baby na kalong-kalong ng nagpaanak sa'kin.
Thanks God it's successful!
"Ma'am dyan ka muna, lilinisan ko lang si baby at dadamitan. May dala ba kayong damit nya?"
"Wala po eh, hindi po kasi namin alam na ngayon ako manganganak. Kala po kasi namin next week pa."
"Ah okay, baka meron pa namang baby dress dito kaya yun muna ang idadamit ko sa kanya." "Sige maiwan muna kita."
"Okay, thank you po." Lumabas na yung midwife dala si baby.
Bigla namang pumasok si MOB dito. Nginitian ko siya kaya napangiti din siya.
"MOG are you okay?" Tumango ako sa kanya.
"Hindi ka ba nahirapan?" Tanong pa niya.
"Medyo, pero nakaya ko naman." Ngumiti siya sa'kin at hinalikan ako sa noo.
Ilang sandali pa, bumalik na yung midwife kasama si baby na nakadamit na.
"Here's your handsome baby." Sambit nung midwife habang ibinibigay sa'kin si baby. Lumabas na din sya pagkatapos.
K-in-iss ko sa pisngi si baby. "Welcome to world, baby!" Bati ko pa sa kanya.
"Baby, he's your daddy." Turo ko kay MOB.
"Hi baby!" Bati ni MOB kay baby. Lumapit sya sa baby namin at k-in-iss din sa pisngi.
"Ang gwapo ng anak natin, manang-mana sa daddy." Napangiti ako sa sinabi ni MOB.
"Syempre mana din sa'kin." Sambit ko pa kay MOB.
Kinuha nya si baby at kinalong. Sobrang laki ng ngiti ni MOB habang pinagmamasdan ang aming anak. We are now both mother and father to our first baby.
BINABASA MO ANG
Finally, I Found You
RomantikNaranasan mo na bang masaktan, umasa, paasahin, maloko, lokohin, mag-assume, maging feelingera lalo na ang umiyak sa isang lalaki? 'Yong mag-assume na may gusto din sayo 'yong taong gusto mo? 'Yong mag-assume na mahal ka din ng taong mahal mo? Lahat...
