CHAPTER 2

2.8K 74 3
                                        

Pag-uwi ko sa bahay ay agad akong dumiretso sa kwarto ko at awtomatikong nagtatalon sa ibabaw ng kama ko. Oo, aaminin ko, kinikilig ako! Hindi naman masamang kiligin 'di ba? Crush ko na talaga si gluta boy.

Agad naman akong napaupo nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at bumutwa ang kapatid ko. Psh, istorbo.

"O, ba't nandito ka?" Pagsusungit ko sa kanya. Kainis kasi. Hindi pa ako tapos kiligin ay dumating na itong kapatid ko.

"Pinapabili ka ni Nanay,"

"Ba't hindi ikaw?"

"Mag-iigib ako ng tubig,"

"Okay," Aalis na sana siya pero naalala kong may itatanong pa pala ako sa kanya.

"Miko, wait lang. Kilala mo ba si Carl?"

"Oo, Ate. Bakit?"

"Wala naman," Pero mukhang hindi siya na-convince sa sagot ko.

"Weh? Crush mo, 'no?"

"H-Hindi ah! Nakita ko lang siyang kausap mo kanina sa computer shop."

"Eh, bakit alam mo ang pangalan niya?" Pag-uusisa pa nitong kapatid ko.

"Narinig ko lang," Palusot ko.

"Ah, okay,"

Ayokong sabihin dito sa kapatid ko na crush ko si gluta boy. Madaldal kasi ito.

Bumibili ako sa tindahan nang biglang mag-brown-out. Agad namang nag-react ang mga tao dito na bibili rin. Nagsilabasan naman ang mga nasa loob ng computer shop.

"Kainis naman, nag-brown-out pa." Narinig kong sabi ng pamilyar na boses. Boses ni ano iyon, ah. Tama nga ako. Si gluta boy nga ang nagsalita. Naaninag ko siya na kalalabas lang sa computer shop. Ngayon na ang pagkakataon para matitigan ko siya nang matagal lalo na't hindi naman niya mapapansin dahil brown-out pa.

Habang tinititigan ko siya ay nagulat ako nang biglang lumiwanag ang paligid. Agad naman akong napaiwas ng tingin sa kaniya pero huli na, dahil nakita niya akong tinititigan ko siya. Waaah!

Humakbang siya papalapit sa akin dahilan para kumabog ng sobra-sobra ang dibdib ko. Parang napako pa ang mga paa ko dahil hindi ko magawang gumalaw. OMG! Heto na siya. Nakatitig lang ako sa kanya habang palapit nang palapit siya sa akin.

"Matutunaw na talaga ako." Natatawang sambit niya habang nakatingin sa akin. Pinilit kong pakalmahin ang nagwawala kong puso at hindi ko pinahalata na affected ako sa presence niya.

"Paano kasi ikaw, nandiyan ka, kaya napapatingin tuloy ako sa 'yo,"

"Anong tingin, titig kamo,"

"Hoy, hindi, ah! Tingin lang,"

"Titig kaya. Ang tingin ay ilang segundo lang, eh, 'yong sa 'yo ay limang minuto, eh. Titig na ang tawag doon, 'no,"

"Wow! Limang minuto. Grabe, nabilang mo agad 'yon, eh, kakatingin ko lang sa 'yo ngayon?"

"Anong ngayon lang, eh kanina ka pa nakatitig sa akin,"

"Paano mo naman nakitang kanina pa ako nakatitig sa 'yo, eh ang dilim kaya kanina?"

Finally, I Found YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon