Nung gabi nagfacebook agad ako at pagbukas ko sa facebook ko nakita kong tambak ang message sa akin ni Clark. Simula pa ito nung unang beses akong hindi nag-online.
Ito yung mga messages niya:
Clark: Eloisa hindi ako ang nagchat sayo nun. Si ate Crystal ang may gawa nun. Pasensya ka na sa ate ko.
Clark: Eloisa mag-online ka na oh 🙏 Miss na miss na kita 😔
Clark: Miss na miss na talaga kita😫 Please mag-online ka na 🙏
Clark: Good morning.
Clark: Good afternoon.
Clark: Good evening.
Yan yung messages niya nung matagal akong hindi nag-online. Araw-araw siyang naggo-good morning, good afternoon at good evening kahit hindi ako online nung mga araw na yun.
Napangiti tuloy ako habang binabasa ko lahat ng mga chat niya nung matagal akong hindi nag-online dahil akala ko totoong may girlfriend na si Clark yun naman pala wala.
Nakita kong online na si Clark kaya nagtype na ako ng ichachat sa kanya.
Me: Good evening ☺
Wala pang isang minuto ang nakakalipas nagreply na agad sya.
Clark: Good evening din. Miss na agad kita 😍
Natawa ako sa reply nya kakakita lang namin kanina eh... Miss na nya agad ako haha.
Me: Ang bilis mo naman yata akong mamiss kakakita lang natin kanina eh.
Clark: Ganun talaga. Mahal kasi kita 😘
Agad naman akong kinilig sa reply nya. Omheghed! Clark pinapakilig mo na naman ako haha!
Me: Enebe kenekeleg eke hahahaha 😂
Kinabukasan nagkita ulit kami ni Clark sa park. Syempre kasama ko ulit yung kapatid ko para payagan ako ni Tita Charlene haha.
As usual sa park ulit kami nagkita haha.
Niyaya kami ni Clark na magpunta sa mall. Tuwang-tuwa naman si Miko dahil ngayon makakapunta na sya doon haha.
Manghang-mangha itong kapatid ko dito sa mall haha. Sabagay ganyan din naman ako nung una akong makapunta dito haha.
Kumain kami sa isang restaurant dito. Syempre libre ni Clark haha. Ipinasyal din namin si Miko sa playing section dito sa mall. Tuwang-tuwa naman yung kapatid ko habang naglalaro sa madaming bola haha.
Inihatid na din kami ni Clark sa bahay ni Tita pagkatapos.
Lumipas ang mga araw at palagi kaming nagkikita ni Clark tuwing hapon sa park pero syempre kasama ko pa din yung kapatid ko magpunta dun. Mahirap na at baka maghinala na si Tita kung ako lang ang pupunta dun mag-isa.
Masayang-masaya ako sa mga araw na kasama ko si Clark. Ayoko na tuloy umuwi sa probinsya haha. Ano kaya kung sabihin ko kay Nanay na dito na lang ako mag-aral ng college? Tama... Madami naman ditong state universities and state colleges eh.
Tinawagan ko na si Nanay at sinabi ko kung pwedeng dito na lang ako pumasok ng college. Tanungin ko daw muna si Tita kung payag. Pumayag naman si Tita kaya ang saya-saya ko.
"Clark dito na ako mag-aaral ng college!" Masayang sambit ko kay Clark nang magkita ulit kami dito sa park.
"Talaga? Di nga?" Di makapaniwalang tanong nya.
"Oo nga. Ayaw mong maniwala edi wag."
Biglang lumapad ang ngiti nya at bigla akong niyakap.
"I'm so happy Eloisa. Thank you at makakasama na kita ng matagal." Kumawala na sya sa pagkakayakap sa akin at binigyan nya ako ng matamis na ngiti.
BINABASA MO ANG
Finally, I Found You
RomantiekNaranasan mo na bang masaktan, umasa, paasahin, maloko, lokohin, mag-assume, maging feelingera lalo na ang umiyak sa isang lalaki? 'Yong mag-assume na may gusto din sayo 'yong taong gusto mo? 'Yong mag-assume na mahal ka din ng taong mahal mo? Lahat...
