Agad kong inaccept yung friend request ni Clark. Yung kay Clark lang ang inaccept ko at dinelete request ko na yung iba haha! Puro mga lalaki kasi tapos hindi ko pa mga kilala tsaka mga mukhang adik pa kaya dinelete ko kaagad. Unfair na kung unfair pero ayokong magkaroon ng kaibigang mukhang adik kahit sa facebook lang. Choosy kasi ako haha!
Tiningnan ko kung online sya pero hindi eh kaya inistalk ko na lang yung timeline nya haha. Ang famous pala ng lalaking 'to ang daming likes eh. Bawat post nya ng mga status at pictures nya hundreds ang like. Tiningnan ko din yung profile nya. Nagulat ako sa dami ng likes nya sa profile nya. Malapit ng umabot sa 1K eh nahiya tuloy yung likes ko sa profile ko.
Kyaaah! Napapatitig ako sa profile picture nya shet. Sobrang gwapo kasi nya dito lalo na't nakasuot siya ng black na t-shirt tapos may star star na design na kulay white. Nakataas pa yung buhok nya Kyaaah! Diba naiimagine nyo na ang gwapo niya?
Ang tamis ng ngiti niya sa profile pic nya tapos kitang-kita ang pagkapula ng kanyang labi. Ugh! I want to taste his red lips haha!
Shet! Pinagnanasaan ko na naman si Clark my loves ko hihihi! Kapag nagkita kami agad ni Clark mukhang mahahalikan ko na talaga siya haha! Para naman maiparamdam ko sa kanya kung gaano ko siya kamiss haha! Hindi ako malibog ha?
Parang wala na akong nararamdaman na sakit at galit sa puso ko nang makita ko ang mukha ni Clark.
Ganito pala ang epekto saken ni Clark haha! Mukhang nakamove-on na ako kay Patricia at kay Mark eh.
Nga pala speaking of Patricia and Mark pagkatapos ng mangyari sa park hindi ko na sila nakausap at nakikita pa. Noong una nalungkot ako kasi wala na akong bestfriend pero sa huli natanggap ko din.
Minsan lang ako lumalabas ng classroom kapag recess lang kaya malabo ko talagang makita sila haha! Mabuti na rin yun para tuluyan na akong makamove-on sa kanila.
Tanggap ko na naman na sila na. Ang ayoko lang ang makita silang naglalandian sa harap ko! Yun ang hindi ko matatanggap!
Nung gabi binuksan ko ulit yung facebook ko. Agad kong tiningnan sa chat list ko yung pangalan ni Clark. Kyaaah! Online sya! Ito na yung pagkakataon para ichat ko siya.
Magtatype pa lang ako ng imemesssage sa kanya pero nakita ko ng may isa na syang message saken. Waaah! Totoo ba 'to? Hindi ba ako nananaginip? Ang saya-saya ko ngayon at the same time kinikilig. Excited na akong makachat siya hihihi!
Clark: Hi Eloisa. I miss you 😊
Kyaaah! Namiss daw nya ako? OMG! Unang chat mo pa lang Clark pinapakilig mo na agad ako.
Agad akong nagreply sa kanya. Ayokong paghintayin sya ng matagal sa reply ko at gusto ko ding humaba yung conversation namin hihihi.
Me: Hello Clark. Miss na din kita😊
Napapangiti ako habang nagtatype ako ng irereply sa kanya. Halo-halo ang nararamdaman ko ngayong kachat ko si Clark Kyaaah! Masaya, kinikilig at the same time excited ako sa mga reply nya at magiging conversation namin hihihi!
Clark: Yieee kamusta ka na?
Waaah! Kinilig ba si Clark sa reply ko? Omehghed!
Me: Ekey leng nemen, ekew?
Kinikilig ako kaya ganyan ang reply ko sa kanya hahaha! Sana maintindihan ni Clark.
Clark: Okay lang din nakachat na kita eh 😍
Dahil sa reply nyang yun biglang nagwala ang puso ko. Yung as in bigla na lang bumilis ang pagtibok ng puso ko. Pinapakilig mo na naman ako Clark. Hindi pa nga kita nakikita kinikilig na agad ako what if kung makita pa kita nyan haha.
Waaah! Bakit may inlove reaction? Ibig bang sabihin nun inlove na saken si Clark my loves ko hihihi?
Ang lapad na ng ngiti ko ngayon dahil kay Clark. Hindi nya alam kung gaano nagdidiwang ang puso ko ngayon dahil nakachat ko siya. Sa wakas may communication na din kami ni Fafa Clark ko hihihi! Ang saya-saya ko ngayon ito na ba ang simula ng aming pag-iibigan yieee!
CLARK's POV
Sobrang saya ko ng makachat ko si Eloisa. Aaminin ko miss na miss ko na siya pero nung nakachat ko na siya parang biglang nawala yung pangungulila ko sa kanya. Sayang at hindi man lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na sabihin sa kanya na gusto ko din sya. Natatakot kasi ako na kapag umalis siya baka magmahal na din sya ng iba. Nadala na ako kay Trixie kaya gusto ko kapag niligawan ko si Eloisa ako lang ang mamahalin nya. Ayoko ng may kahati noh!
Salamat kay Ate Lyn dahil sinabi nya saken ang apelyido ni Eloisa. Matagal ko na kasi dapat syang inadd friend sa facebook eh kaso hindi ko naman alam yung last name nya. Tanging Eloisa lang ang alam kong name nya haha. Hindi ko kasi sa kanya natanong nung nandito pa sya.
Pinuntahan ko si Ate Lyn sa kusina para magpasalamat.
"Ate Lyn thank you ah kasi nalaman ko yung last name ni Eloisa."
"Wala yun Clark. Basta para sa inyo ni Eloisa kahit ano gagawin ko." Napangiti ako sa sinabi nya.
LYN's POV
Masaya ako na may communication na si Clark at Eloisa at least makakapag-usap na sila kahit sa fb lang. Gustong-gusto ko sila magkatuluyan dahil alam kong may nararamdaman sila sa isa't-isa tsaka bagay na bagay sila. Parehas silang gwapo at maganda haha!
Nung araw na tumawag si Eloisa saken agad kong sinave yung number nya. Balak ko din kasing ibigay yun kay Clark para naman may communication sila lalo na't nagkalayo na sila sa isa't-isa. Kinikilig talaga ako sa dalawang yun lalo na nung nakailang beses na pinagluto ni Eloisa si Clark tapos yung pagpunta ni Eloisa sa kwarto ni Clark para lang piliting pakainin si Clark. Diba nakakakilig yun? Ang bait-bait talaga ni Eloisa tapos maganda pa kaya botong-boto ako sa kanya para kay Clark. Sana nga magkatuluyan sila. Mas lalo akong kinilig sa kanila nung isinama ni Clark si Eloisa sa debut ng kaibigan niya tapos dun natulog si Eloisa sa kwarto ni Clark. Alam kong wala namang ginawang masama sila Clark at Eloisa nung gabing yun dahil alam ko namang mababait sila.
Ibibigay ko na sana yung number ni Eloisa kay Clark kaso kinausap agad ako ni Ma'am Precila na huwag na huwag ko daw ibibigay kay Clark yung number ni Eloisa dahil ayaw nya kay Eloisa para kay Clark lalo na ang maging sila kaya ayun hindi ko binigay. Baka kasi tagtagin pa nila ako sa trabaho kapag ginawa ko yun.
Ewan ko ba kung bakit ayaw na ayaw nila Ma'am Precila, Crystia at Crystal kay Eloisa para kay Clark. Wala naman akong nakikitang dahilan para hadlangan sila sa kanilang pag-iibigan eh!
Akala ko hindi na magkakaroon pa ng communication sila Clark at Eloisa buti na lang naitanong ko kay Eloisa kung ano ang apelyido nya. Matagal na kasing tinatanong yun ni Clark saken simula nung umalis si Eloisa. Hindi ko naman alam kaya hindi ko masabi sa kanya. Buti na lang talaga at tumawag si Eloisa dahilan para matanong ko kung ano ang last name niya. Iaadd friend daw kasi sana ni Clark si Eloisa para naman may communication sila kahit papano.
Alam kong pareho silang masaya ngayon dahil nagkakachat na sila yieee!
![](https://img.wattpad.com/cover/125440624-288-k75612.jpg)
BINABASA MO ANG
Finally, I Found You
RomansaNaranasan mo na bang masaktan, umasa, paasahin, maloko, lokohin, mag-assume, maging feelingera lalo na ang umiyak sa isang lalaki? 'Yong mag-assume na may gusto din sayo 'yong taong gusto mo? 'Yong mag-assume na mahal ka din ng taong mahal mo? Lahat...