ELOISA's POV
Pagkagising ko nagbihis agad ako at dumiretso sa cr ni Clark para maghilamos. Mahimbing ang tulog ni Clark kaya nakakahiyang gisingin.
Naghilamos at nagmumog ako sa cr nya. Wala akong toothbrush dito kaya kailangan ko talagang umuwi sa rental house ko para makapag-toothbrush at para na din makapagpalit ako ng damit.
NEW's POVPaggising ko wala na sa tabi ko si MOG kaya napabalikwas agad ako ng bangon at nagbihis. Nasaan na kaya sya? Baka umuwi na sya hindi man lang ako ginising.
Napatapat ako sa may cr at may narinig ako na may naglalagaslas na tubig kaya malamang nandun sya. Napangiti ako.
"MOG ako sunod pagtapos mo dyan." Malakas na sambit ko para marinig nya.
"Sure MOB." Napangiti ulit ako at bumalik na sa kwarto.
Pagbalik ko biglang tumunog ang phone ko kaya kinuha ko iyon sa ibabaw ng table.
Mommy Calling...
Sinagot ko ang tawag ni mommy.
["Hello New umuwi ka na at nakahanda na ang pagkain natin. Ikaw na lang ang iniintay."]
"Sige po pupunta na kami dyan."
["Kami? Ibig sabihin may kasama ka? Sino?"]
"My girlfriend and soon to be my wife."
["Ano? May balak ka nang magpakasal hindi mo man lang sinasabi samin?"] Gulat na tanong niya.
"At least ngayon sinabi ko na po sa inyo." Sarkastikong tugon ko.
["Sino ba yan? Kilala ko ba sya?"]
"Secret po. Mamaya nyo po malalaman."
["Okay sige pumunta na agad kayo rito. Gusto ko nang makilala yang girlfriend mo at soon to be daughter in-law ko. Bilisan nyo na."]
"Okay mom. I'll hang up na this call."
["Okay sige."] At h-in-ang-up ko na yung call.
"Sino yung tumawag?" Tanong agad ng MOG ko pagkabalik dito sa kwarto.
"Si mommy pinapauwi na ako kasama ka."
"Huh? Bakit ako kasama? Ikaw na lang."
"Ay naman. Sinong ipapakilala ko na girlfriend ko and soon to be my wife ko kung hindi kita kasama?"
"Huh? Magpapakasal na tayo MOB?" Gulat na tanong ko.
"Hindi pa ngayon pero malapit na kaya ipapakilala na kita sa family ko."
"Eh kilala na naman nila ako ah kaya huwag na lang."
"Kilala ka na nga nila dati pa pero gusto kong makilala ka ulit nila as my girlfriend and soon to be my wife."
"Paano kung ayaw nila saken na maging asawa mo?"
"Wala akong pakealam. You are the only girl that I want to marry kaya hindi nila ako mapipigilan."
BINABASA MO ANG
Finally, I Found You
RomanceNaranasan mo na bang masaktan, umasa, paasahin, maloko, lokohin, mag-assume, maging feelingera lalo na ang umiyak sa isang lalaki? 'Yong mag-assume na may gusto din sayo 'yong taong gusto mo? 'Yong mag-assume na mahal ka din ng taong mahal mo? Lahat...