Bumalik na ako sa ginagawa ko at pagkatapos ay pumasok na ako sa loob. Nasaan na kaya ang babaeng iyon? Wala naman siya sa terrace. Mas lalong wala sa dining area. Saan kaya 'yon nagdiretso?
Pumunta ako sa tapat ng kwarto ni Clark at inilapit ko ang tenga ko sa pinto para marinig ko kung nandoon nga 'yong babaeng iyon. May narinig akong tawanan mula sa loob. Nandito kaya 'yong babae?
Nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto. Agad naman akong umalis sa pinto at dali-daling nagtago sa likod ng cabinet na malapit dito. Nakita kong lumabas si Clark at 'yong babae na nakakapit sa braso niya. Ang landi!
Nakita kong nagdiretso sila sa TV room. Lumabas na ako sa pinagtataguan ko at nagdiretso na lang ako sa kusina sa likod.
"O, saan ka galing, Loisa? Kanina pa kita hinahanap," Bungad sa akin ni Angela.
"Wala, nag-CR lang ako," Palusot ko.
"Ang tagal mo namang mag-cr," Biro niya.
"Sumakit kasi ang tiyan ko," Palusot ko pa.
"Nga pala, sino 'yong malandi este 'yong babaeng dumating?"
"Ah, si Trixie? Girlfriend 'yon ni Clark," Aray!
"Ah, kaya pala. Para ngang tuko kung makakapit kay Clark, eh. Kala mo'y tatakbuhan,"
"Uuuy! Nagseselos!"
"Ako, nagseselos? Hindi, 'no! Tsaka bakit naman ako magseselos? Wala naman akong gusto kay Clark,"
"Weh? Baka nga,"
"Wala nga. Nagagwapuhan lang ako sa kanya,"
"Okay. Bakit defensive ka?" Natatawang tugon ni Angela.
"Anong defensive! Hindi, ah! Mabuti pa maghain na lang tayo," Tumawa lang si Angela.
"Kulang pa pala," Nasabi ni Angela pagkatapos naming maihanda ang limang pinggan, kutsara, tinidor at baso sa mesa.
"Anong kulang?"
"Kulang pa ng isa,"
"Huh? Bakit?"
"'Di ba nandito 'yong girlfriend ni Clark, dito 'yon magtatanghalian,"
"Ah, okay. Bakit dito pa kasi 'yon magtatanghalian? Hindi na lang sa kanila,"
"Gusto niya dito, eh. Bakit ayaw mo ba?"
"Hindi naman. Naaartehan lang kasi ako sa babaeng 'yon,"
"Weh? Sabihin mo nagseselos ka lang,"
"Hindi, 'no!"
"Ashushu! Maniwala ako sa 'yo. Aminin mo na kasi na may gusto ka na kay Clark. Huwag mo ng i-deny,"
"Grabe! Gusto agad? Hindi ba pwedeng nagagwapuhan lang?"
"Oo na, sige na," Natatawang tugon niya.
Mayamaya'y dumating na sila. Magka-holding hands pa si Clark at Trixie habang papunta sa dining area. Aray, ah!
Habang kumakain sila, 'yong dalawa ay nagsusubuan pa. Hindi ko alam pero hindi ko gusto ang ginagawa nila. Napapangiti naman sina Ma'am Precila at Sir Victor sa ginagawa ng dalawa.
"Ang sweet niyo naman masyado," Puna ni Ate Crystal.
"Hayaan mo na, Ate. Ganito talaga kapag nagmamahalan," Natatawang tugon ni Clark.
BINABASA MO ANG
Finally, I Found You
Storie d'amoreNaranasan mo na bang masaktan, umasa, paasahin, maloko, lokohin, mag-assume, maging feelingera lalo na ang umiyak sa isang lalaki? 'Yong mag-assume na may gusto din sayo 'yong taong gusto mo? 'Yong mag-assume na mahal ka din ng taong mahal mo? Lahat...
