CHAPTER 6

1.7K 55 1
                                    

Ang sakit! Ito ang padalawang beses na nasaktan ako. Bakit wala man lang nagsabi sa akin na may relasyon sila? Alam ba 'to ng mga kaklase ko? Kung alam nila ay bakit hindi nila sinabi sa akin?

Umiyak agad ako sa kwarto pagkauwi ko. Hindi ko matanggap! Bakit sila pa ang nagustuhan ko kung gayong nagmamahalan pala sila?

Tinamad na ulit ako mag-Facebook. Buong gabi kong inisip kung bakit nangyayari sa akin 'to. Ang masaktan nang paulit-ulit. Matindi na ba ang kasalanan ko kaya ako nasasaktan nang ganito? Kailan ko ba makikilala ang lalaking para sa akin nang hindi na ako masaktan? Kailan!?

Pagkagising ko ay nakita ko sa salamin na namamaga ang mata ko. Mabuti na lang dahil Sabado ngayon. Walang pasok sa school. Wala masyadong makakapansin na namamaga ang mata ko. Pero siguradong tatanungin na naman ako ni Nanay kapag nakita ako.

"Loisa! Gising na!" Katok ni Nanay sa pinto.

"Gising na po 'Nay!"

"Lumabas ka na diyan at kumain ka na. Tanghali na,"

"Opo, Nay, wait lang. Lalabas na po,"

"Okay, sige. Bilisan mo na,"

"Opo,"

Nagsuklay lang ako ng buhok at lumabas na ako. Dumiretso muna ako sa banyo para at nag-toothbrush at naghilamos. Pagkatapos ay pumunta na ako sa dining area.

"Eloisa, kain n--- O, bakit namamaga na naman 'yang mata mo? Siguro nanuod ka na naman ng nakakaiyak na K-Drama, 'no?" Biglang tanong ni Nanay pagkakita sa akin.

"Hindi po, Nay. Sadyang napuyat lang po talaga ako," Umupo na ako at kumuha ng pagkain.

"Saan ka naman napuyat?"

"Sa pag-ii--- Sa pag-iimis po. Nag-imis po kasi ako kagabi ng mga kalat ko sa kwarto. Ang dami na po kasi,"

"Okay, mabuti 'yan. Talagang tuloy-tuloy na 'yang pagiging masipag mo, ah,"

"Oo naman, 'Nay. Ako pa,"

"Mabuti naman kung ganoon,"

"'Nay, magba-bike lang po ako," Paalam ko kay Nanay nang maghapon na.

"Saan ka naman pupunta?"

"Diyan lang po sa tabi-tabi,"

"Okay. Mag-iingat ka, ha?"

"Opo, 'Nay. Sige po alis na ako,"

"Okay, sige," At pinaandar ko na ang bike. Nakarating ako sa park kaya tumigil muna ako doon at naupo sa isang bench.

Sa hindi inaasahan ay nakita ko si Carl kasama ang isang babae. Hindi 'yong dati. Grabe! Iba naman ang kasamang babae. Ang harot naman ng lalaking 'to! Inirapan ko siya nang mapatingin siya sa kinaroroonan ko. Umalis din agad ako bago ko pa masapak 'yong gagong Carl na 'yon. Hanggang ngayon ay galit pa rin ako sa kanya. Sino ba namang hindi magagalit sa kagaguhan niya? Pinaniwala niya akong gusto niya din ako pero 'yon pala ay likas lang talaga na babaero siya. Mawala na sana sa mundo ang mga babaerong katulad niya!

Linggo na ngayon. Itlog at hotdog lang ang ulam namin para sa almusal. Kumuha ako ng isang hotdog at nilagay sa plato ko. Pinagmasdan ko ito. Hindi ko alam pero na-imagine ko ito na hotdog ni Carl kaya madiin ko itong pinagtutusok ng tinidor. Ganito ang gusto kong gawin sa hotdog niya nang maramdaman niya ang sakit na idinulot niya sa akin.

"Ate, bakit mo tinutusok 'yang hotdog?" Nagtatakang tanong ni Miko. Napatingin din sa akin si Nanay.   Nagtataka ang mukha niya .

"A-Ah... pinapalambot ko lang," Nahihiyang tugon ko at isinubo ko nang wala sa oras 'yong hotdog.

Finally, I Found YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon