After 4 Years...
Pagkatapos ng apat na taon na pag-aaral ko ng BS HRM heto na nga at isa na akong chef sa isang sikat na restaurant dito sa Maynila. Pagkagraduate ko kasi napagpasyahan ko na sa Maynila na lang ako magtrabaho dahil mas maganda ang opportunity dito. Nakatira ako sa isang rental house na afford ng bulsa ko. May sariling family na kasi si Tita Charlene kaya nahiya na akong makitira sa kanya. Mabuti na rin yun para masanay na ako maging independent.
October 8 ngayon kaya pagkagaling ko sa trabaho nagdiretso ako sa Jollibee. Special kasi ang araw na ito kaya gusto kong kumain dito para magcelebrate. Hindi ko birthday ah... birthday lang naman kasi ng taong pinakamamahal ko... Si Clark. Oo birthday nya kaya sa Jollibee ako magdidinner haha. Umorder lang naman ako ng spaghetti, shanghai, fried chicken, french fries, sundae at coca-cola drinks. Hindi naman madami noh? Haha.
Masayang-masaya ako sa araw na ito dahil kaarawan nya at kahit wala na siya at hindi ko na siya makikita at makakasama pa hindi na ako nalulungkot pa dahil tanggap ko na ang pagkawala nya... masasabi kong nakamove-on na din ako sa kanya.
"Babe happy birthday." Rinig kong masayang sambit ng isang babae mula sa kaliwa ko kaya napalingon ako doon.
"Thank you babe." Walang emosyong tugon naman ng gwapong lalaki.
Hinalikan pa nung babae sa labi yung lalaki. How sweet naman...
Ganyan din sana kami ni Clark ngayon kung buhay pa sya.
Medyo matagal na rin yata akong nakatingin sa kanila dahil nahuli ako nung babae na nakatingin sa kanila at bigla akong inirapan. Mataray pala ang ate mo haha. Baka sa tingin nya aagawin ko yung gwapong boyfriend nya... Naku never... hindi ako ganun.
Bumaling na ako sa pagkaing nasa harap ko at sinimulan nang kumain.
Tapos na akong kumain at sakto din namang katatapos nung magjowa nang mapatingin ako sa kanila. Iniwas ko agad ang tingin ko at baka mairapan na naman ako.
Nagpunta na ako ng mall at bumili ng cake sa Red Ribbon. Chocolate flavor ang binili ko dahil favorite yun ni Clark tapos pangalan ni Clark ang pinalagay ko sa Happy Birthday chuchu sa ibabaw ng cake.
Paglabas ko ng Red Ribbon napatigil ako sa may pinto nito dahil nandito sa labas yung magjowa kanina at sa tingin ko bibili rin ng cake.Kasama nya yung gwapo nyang boyfriend at ngayon nakikita ko na nang malapitan ang mukha niya. Gwapo nga sya pero parang mukhang womanizer.
"Babe anong gusto mong cake flavor?" Malanding tanong nung nang-irap saken.
"Chocolate babe yun yung paborito ko." Sweet na tugon nung boyfriend nya.
Chocolate din pala ang paborito nyang cake flavor. Tsk! Parehas pa sila ni Clark ko.
"Ah yun ba... tara pasok na tayo."
Para bang napako ako sa kinatatayuan ko nang palapit na sila saken este sa may pinto. Nakapulupot yung braso nung babae sa braso nung boyfriend nya.
"Excuse me Miss dadaan kami ng boyfriend ko. Tumabi ka nga dyan sa pinto." Naiiritang sambit nung babae.
"Ay sorry pasensya na." Aalis na sana ako nang bigla ba naman akong banggain.
Agad akong nakaramdam ng inis nang mabitawan ko yung box na laman ay cake at nahulog ito sa floor.
"Oops! Sorry hindi ko sinasadya. Nakaharang ka kasi eh." Maarteng sambit nung babae.
Sinadya naman nya tsk!
"Anong sorry? Eh sinadya mo naman eh... tuloy nahulog na yung cake na binili ko!" Naiinis na sambit ko.
Pupulutin ko na sana yung box nang pagtingin ko sa floor wala na yung box at hawak na ito nung boyfriend nya na papalapit na saken para iabot.
BINABASA MO ANG
Finally, I Found You
RomanceNaranasan mo na bang masaktan, umasa, paasahin, maloko, lokohin, mag-assume, maging feelingera lalo na ang umiyak sa isang lalaki? 'Yong mag-assume na may gusto din sayo 'yong taong gusto mo? 'Yong mag-assume na mahal ka din ng taong mahal mo? Lahat...
