CHAPTER 16

1.3K 46 0
                                    

CLARK'S POV

Nakita kong tulog na si Eloisa. Walandyo! Tinulugan na ako. Napangiti na lang ako at binalik ang tingin sa kalsada.

Napatingin ulit ako sa kanya nang marinig ko siyang nagsalita. Akala ko ay gising na siya pero tulog pa din pala. Nagsasalita pala siya nang tulog. Haha.

"Clark, bakit ang gwapo mo? Noong una kitang makita ay muntik nang lumaglag ang panga ko sa kagwapuhan mo," Natawa ako sa narinig ko. Naging seryoso naman ako sa sumunod niyang sinabi. "Alam mo bang nasasaktan din ako kapag nakikita kang malungkot at umiiyak dahil sa Trixie na 'yon. Sana ako na lang si Trixie dahil sayang lang ang luha mo sa kanya. Akin ka na lang, please?" Sambit niya habang tulog. Napangiti ako. May lihim pala siyang pagtingin sa akin.

Napasandal ang ulo niya sa balikat ko. Hinayaan ko lang. Bigla kong naalala 'yong mga ginawa niya para sa akin. 'Yong pagdala niya ng pagkain sa kwarto ko, pag-asikaso sa akin noong nilagnat ako at tsaka 'yong pagdamay niya sa problema ko. Ang concerned niya sa akin. Sana nga ay siya na lang ang naging girlfriend ko dahil alam kong mamahalin niya ako at hindi sasaktan.

Noong una talaga ay hindi ko matanggap nang malaman ko na si Jacob ang ipinalit sa akin ni Trixie after naming mag-break. Ang sakit! Pero unti-unti nang nawawala ang sakit sa puso ko sa tulong ni Eloisa.

I think it's already 12:00 am nang makarating kami sa bahay at alam kong tulog na ang lahat. Ayoko silang istorbohin sa pagtulog kaya ako na lang ang nagbukas ng gate bago ipanarada ang kotse ko sa garahe. May duplicate ako ng susi ng bahay kaya nabuksan ko iyon. Binuhat ko na si Eloisa. Mabigat din pala siya kahit payat. Kumatok ako sa kwarto nila. Nakailang katok na ako pero wala pa ring nagbubukas. Pinihit ko ang pinto nila pero naka-lock ito. Wala tuloy akong choice kundi patulugin siya sa kwarto ko. Wala namang masama kung patutulugin ko siya sa kwarto ko. Matutulog lang naman, eh.

Hiniga ko na siya sa kama ko. Ang himbing pa din ng tulog niya. Pinagmasdan ko ang mukha niya. Para siyang anghel na mahimbig na natutulog. Napatingin ako sa suot niya. Bagay na bagay sa kanya ang napili niyang dress. Bigla kong naalala kung paano ako sobrang nagandahan sa kanya nang puntahan ko siya sa kwarto kanina. Nakaka-in love ang ganda niya.

ELOISA'S POV

Bigla akong nagising at nanlaki ang mata ko nang makitang si Clark ay katabi ko. Tulog na tulog siya habang nakasuot pa rin ng tuxedo. Tiningnan ko naman ang sarili ko. Nakasuot pa rin naman ako ng black dress kaya imposibleng may nangyari sa amin. Tumingin ako sa orasan. 6:00 am na pala. Dali-dali akong dumiretso sa kwarto namin. Wala na dito sila Angela, Nanay Fe at Ate Lyn. Nagpalit lang ako ng damit at nagdiretso na ako sa kusina sa likod.

Pagdating ko dito ay napatingin agad sa akin ang tatlo. Nilapitan nila ako.

"Loisa, saan ka natulog kagabi?" Seryosong tanong sa akin ni Nanay Fe.

"S-Sa ano po... Sa kwarto ni Clark," Nahihiyang tugon ko.

"Bakit doon ka natulog at hindi sa kwarto natin?"

"Hindi ko po alam,"

"Anong hindi mo alam?"

"Nakatulog na po kasi ako bago kami umuwi, kasi po... lasing po ako,"

"Ano!" Sabay nilang reaksyon.

"Nag-inom ka?" Tanong pa ni Angela.

"Oo, kaya nga nalasing, eh," Pambabara ko kay Angela.

"Ikaw talaga, pilosopo," Natatawang tugon ni Angela.

"Uminom din si Clark?" Tanong naman ni Ate Lyn.

"Opo,"

"Edi parehas kayong lasing?"

"Opo, pero mas lasing po ako kaysa sa kanya,"

"Patay!" Reaksyon ni Angela.

"May damit ka pa ba paggising mo?" Tanong pa ni Ate Lyn.

"Opo. Kayo, ah. Iba agad ang iniisip niyo," Natawa sila.

"Naninigurado lang kasi kami," Natatawang tugon ni Angela.

"Halata nga," Natatawa ding tugon ko. Natawa din sila.

Nang malapit nang magtanghali ay inalis ko na sa washing machine ang mga damit na nilabhan at inilagay sa basket para isampay sa labas. Binuhat ko na ito kahit mabigat. Nagulat ako nang biglang sumulpot si Clark at tinulungan akong buhatin iyon. Ang gentleman talaga. Nang maghapon naman habang nagdidilig ako ay biglang may tumakip sa mata ko.

"Sino 'to?" Kunot-noong tanong ko. "Clark?" Tanong ko pa sa tumabon. Hindi ito nagsalita.

"Sige ka. Ikaw ang didiligan ko diyan kapag hindi mo pa inalis ang kamay mo," Panakot ko pa. Bigla namang tumawa ang tumabon sa mata ko kaya nahulaan ko agad kung sino ito. Inalis na niya ang kamay niya.

"Sabi na nga ba, eh, ikaw 'yan. Ayaw pa daw magsalita," Natawa siya.

"Sorry na," Natatawang tugon niya.

"Oo na,"

Nang mga sumunod na araw ay napansin ko na nagbago ang pakikitungo sa akin ni Ma'am Precila, Ate Crystal at Ate Crystia. Madalas na kasi nila akong pagalitan kapag nagkakamali ako at binubulyawan kapag hindi ko agad nasusunod ang mga utos nila. Tapos kapag nakakasalubong ko si Ate Crystal at Ate Crystia ay sinasamaan na nila ako ng tingin na dati-rati ay nginingitian nila ako. Parang sa akin lang talaga sila nagbago dahil mabait pa rin naman sila kina Angela, Nanay Fe at Ate Lyn. Siguro ay dahil malapit na kaming umalis dito ni Angela kaya ganito na ang trato nila sa akin. Pero bakit naman mabait pa rin sila kay Angela? Dahil ba ninang ni Angela si Ma'am Precila at highschool friend pa ni Aling Gloria si Ma'am Precila? Ang unfair naman!

Dalawang linggo na lang at malapit na kaming umuwi ni Angela pero parang ayoko pang umuwi dahil maiiwan ko si Clark, my loves ko.

Finally, I Found YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon